Prologue

64 2 0
                                    

"Tagal naman ng order ko sa starbucks" I massaged the bridge of my nose dahil sa tagal ng pag antay

binuksan ko muna phone ko para mag scroll sa facebook at naupo sa swiveling chair kase kanina pa 'ko nag aantay habang palibot-libot sa office ko.

"Jp! kumusta na ang aming singer na arkitekto?" sambit ni Antoinette habang may hawak na milktea. nga pala, we're in the same building since siya ang kinuha kong lawyer ng company kaya madali siyang makapunta dito sa office ko. yes, i own this company.

"syempre ayos na ayos! nakakapagod nga lang dahil sa mga plates na ginagawa pero worth it naman ang outcomes lalo na't kung hindi bahay eh malls o kaya pangmalakasang buildings ang pinapagawa sakin ng clients ko" sagot ko pagkatapos kong yakapin siya

"kain daw tayong walo nila hannah sa R.Magsaysay mamaya! syempre KKB just like the old times hahaha"

"scam yang kain lang, alam ko na yang galawan na yan antoinette! kain lang daw tapos after kumain ano? bar hopping? nako papasakitin niyo nanaman ulo ko kakahanap sainyo, bababa pa naman ng alcohol tolerance niyo" na shock pa ang gaga

"wow ha! mababa alcohol tolerance ko? sige nga proof nga!" pikon na.

"huli nating inom may naka momol kang bwisit ka, hinatak kita palayo don sa lalake tapos ako pa nakakuha ng kaaway dahil sayo!" I said and i sarcastically laugh. natandaan ko kung pano ako sinuntok no'ng gagong yon dahil inagaw ko daw ka momol niya.

"HOY WALA AKONG MATANDAAN NA MAY NA---" naputol yung sinabi niya dahil dumating na yung order ko sa starbs at kinuha ko na sa delivery boy.

"Finally!" gutom na ko dahil umalis ako sa bahay ng di nag breakfast kase malelate na ako.

"Oh ano? G ka ba mamaya? sumama ka na oy!" sambit ni antoinette pero bakas sa mukha niya ang pagka pikon kase di natapos ang sinasabi niga kanina.

"Oo na sasama na! kawawa naman kayo mamaya walang aalalay sainyo nako di ko naman kayang makita kayong nakalupasay sa kalsada dahil sa kalasingan hahaha"

"8:30pm, Sir Bobs R.Magsaysay ha! wag ma-late, palagi ka pa naman late!" papalabas na ng office ko.

"Bye, Nette! ingat sa paglakad sa hallway, makita mo si gangster ng buhay mo" napatawa nalang ako nang makita ko ang itsura niyang mas pikon.

"GAGO!" umalis na para bumalik na sa office niya habang ako tawang-tawa.

Grabe, di ko inakalang lahat kaming walo eh successful na sa buhay. parang kelan lang eh nag kanda leche-leche ako sa course ko dahil kay, Okay. natandaan ko nanaman si Alianna.

I waited until 5pm bago umuwi at mag asikaso ng sarili since my house is just 2 kilometers away from Sir Bobs.

"I'll go for this one." White Maong above the knee shorts, Maroon short sleeved polo and Top sider shoes ang napili kong outfit since kakain at iinom lang naman kami, hindi formal.

7:30pm na kaya kailangan ko nang umalis. nag paalam naman na ako kay papa at si mama naman ay hindi pa umuuwi, busy sa hospital. She's a Doctor and i am very happy to have a mom that has the capability to help other people. Iyon rin ang sinabi sakin ni mama, mas mabuti nang nakakatulong sa kapwa kaysa nakaka agrabyado ng ibang tao.

i drove using my Lancer papuntang R.Magsaysay para kitain na ang mga mokong na yon

"wazzup, singer ng lahat!" sambit ni shaira kasama sila vianca, marian, kate at antoinette

"asan na si kim at hannah?" palinga-linga ako habang hinahanap sa paligid sila kim at hannah pero wala pa ata.

"wala pa sila" sagot ni antoinette. "tagal nila, lumagpas na sila sa calltime." "alam ko na!" sambit ni vianca. ampucha mukhang may naisip nanaman tong strategy na sure akong magugustuham rin namin.

Chasing StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon