"Mauna na ako Khalil." Natapos na kasi ako sa pagkain ng spaghetti na hindi naman gaanong kasarapan hehe wag kayong magsumbong sa nagluto ah."Ahm... Allison can we be friends?." Tignan mo tong si Khalil napaka smooth daig pa yung cellphone kong naglalag.
"Oo naman Khalil." Sabi ko naman dahil wala pa naman akong kaibigan, mag iinarte pa ba ako eh sya na itong nagalok diba.
Tuluyan na ngang natapos ang pagkain namin sa canteen at naisipan ng bumalik sa room dahil may dalawa pa kaming subject.
Wala na rin namang nagtangkang magsalita kaya agad rin kaming nakapunta sa room.
Nakakapagtaka lang dahil hanggang ngayon ay matalim parin ang tingin sakin ni Rio the Asungot na yan at parang dinadamay pa si Khalil. Hindi ko lang pinansin dahil malapit narin ay oras na.
Kagaya ng nangyari kanina puro introduce yourself lang ang naganap. Sa mga oras naman na ito ang subject ay Personal Development at susunod ang General Mathematics.
Napansin ko lang ang madalas na pagsulyap sakin nitong babaeng katabi ko. Ganto ang sitting arrangement si Khalil, ako at isa pang babae. May crush ata sakin to eh, well ang ganda ko talaga. Pati babae nabighani sa angking kagandahan ko. Tama na nga tong malikot kung utak nagmumukha na tuloy akong judgemental, mag ninyo akong tularan mga chong.
Hindi rin naman nagtagal si Sir Andrada na syang aming guro sa GenMath kaya iniwan na muna nya kami, pero ang masaklap lang ay kailangan pa namin hintayin ang oras bago lumabas. Kaya ang ganap ngayon ay wala.
Isusukbit ko na sana ang earphones ko para makinig na lang ng kanta ng biglang nagsalita yung babaeng kung makatitig ay parang may crush sakin. Oo na ako na tong bilib na bilib sa sarili.
"Hi Allison." Nahiya naman ako bigla dahil alam nya ang pangalan ko samantalang ako hindi sya kilala. Nagsisisi na tuloy ako kung bakit hindi ako nakikinig ng nagpapakilala sila.
"Ahm Hi?." Patanong kong wika dahil nga hindi ko pa sya kilala.
"Lana, Lana Shane Dela Paz." Ahh Lana pala ang pangalan nya. Parang si Lana Del Rey lang ah.
"Ang galing naman kapangalan mo si Lana Del Rey na isa sa mga best alternative singer sa US maging sa mundo." Mangha kong wika sa kanya.
"Oo nga eh, parang ikaw lang din Allison. Diba ang second name ni Taylor Swift ay Allison." Mabahang lintaya rin nya.
"Oo, sakto rin na isa akong swiftie hehe." Kunwari nahihiya kong sabi.
"Pero maiba tayo Lana, crush mo ba ako?." Ang daldal mo talaga Allison nakakahiya ka bulong ng isip ko.
"Ha? San mo naman nakuha yan Allison?." Naguguluhang wika ni Lana, sino ba naman di maguluhan hindi ba? Sorry na agad. "Peace sign"
"Napansin ko kase yung pagtitig mo sa akin kanina pa." Pasensya na mga chong gusto ko lang talaga malaman.
"Ikaw Allison ah ginawa mo pa akong tibo, ang totoo nyan kanina pa kita gustong kausapin." Malumanay na sabi ni Lana.
"Bakit naman?" Curios kong tanong.
"Gusto kasi kitang maging kaibigan." Yun naman pala napaka judger ko na pala. Sabi pa naman ni Bossing bawal ang judgemental hay naku Allison.
"Ito naman ok lang syempre, dapat kase sinabi mo agad najudge tuloy kita sorry. Sincere na sabi ko kay Lana dahil nakakahiya yung pinagsasabi ko.
"Ok lang Allison, so ano friends?." Masigla na nya ngayong tugon.
"Oo naman." Galak ko din sabi sa kanya.
Lesson learned mga chong don't judge a person by it stares, bakit? Kase nakamamatay. Biro lang syempre pero wag dapat talaga tayong manghusga agad.
Patuloy lang kami sa kwentuhan ng may bigla nanadyak sa upuan ko abat kung sino man yon makakatikim talaga sya nakikita ng busy kami magkwentuhan nitong si Lana eh. At alam nyo naman kung sino diba? Si asungot, sya lang naman ang taong nasa likuran ko.
"Ano bang problema mo ha?". Inis akong humarap sa kanya.
"Pare anong nga namang problema mo ha?." Sabi naman ng isa kopang katabi na si Khalil, ganyan nga Khalil ipagtanggol mo ako.
"Tsss." Puro na lang sya tsss, ahas ba sya? Naku baka matuklaw pa ako. Alam nyo pa kung anong sunod nya ginawa tinadyakan nanaman nya yung upuan ko.
Allison easy, wag mo ng patulan kulang lang yan sa aruga. Pagpapakalma ko sa sarili ko, dahil bawal ang sad dapat happy este bawal mastress pala.
Hindi narin namin namalayan ni Lana na oras na para umuwi dahil napasarap ang kwentuhan namin patungkol sa mga latest songs na nirelease ng mga various artist.
Narinig na lamang namin ang isa naming kaklase na inabisuhan ni Sir kanina bago kami iwanan na maaari na ngang lumabas at umuwi.
Dali dali namang nagsilabasan ang mga kaklase ko dahil uwian na nga. Napagkasunduan narin namin ni Lana ng sabay nakaming maglakad hanggang labasan. At ang nakakatuwa pa sumabay narin si Khalil samin.
Nagpakilala naman sa isat isa ang dalawa habang patuloy kaming naglalakad. Yiie bagay si Lana at Khalil kinikilig na wika ko sa sarili.
Hindi narin naman nagtagal ang usapan naming tatlo dahil nasa paradahan na kami ng jeep pauwi. Mapapansin din ang mga kotse na sa tingin ko ay pagmamayari ng mga richkid na magaaral at isa na nga roon sila Lana at Khalil.
Masaya akong nagpaalam sa kanila at sumakay na ng tuluyan sa nakaparadang jeep.
Dahil punuan ang jeep nagtagal pa ito ng kaunti kaya sinulpak ko nalang ang earphones ko para mabawasan ng stress ko sa asungot na yon.
Akalain mo nga naman at ang kanta na nabungaran ko ay ang It's Nice To Have A Friend ni mareng Taylor.
"It's really nice to have a friend nga naman, salamat kay Khalil at Lana." Ang mahinang bulong ko sa hangin at tuluyan na nga umandar ang sinasakyan kong jeep.
Feels like home, stay in bed
The whole weekend
It's nice to have a friend
OshOweYou_______________________________________________
A/N: hi mga chong sana magustuhan nyo, thank you:)
BINABASA MO ANG
18 Song Titles To Be His LOVER
Любовные романыA teenage girl who want to find love and a boy nextdoor who has a taste in finding the right one. Will the two of them meet? Will the destiny find its way? A highschool lovestory that will teach you the true beauty of being in love. Can I go where...