*Akin Ka Nalang*
Pilit akong pinapasok nila Kate sa loob ng school gym.
"You can do it Akina." pag che-cheer ni Kate sa'kin habang tinutulak niya ako paloob ng gym.
"Kinakabahan ako Kate baka e-reject niya ako." asik ko.
"Umamin ka kaya muna." ani Laureen.
Pwersahan nila akong itunulak paloob kaya di na ako naka-angal pa.
Nakita ko agad si Zishu na kausap ang team niya. Si Zishu kasi ang team captain sa basketball ng school namin.
"Zishu may bisita ka ata." ani Lary nang makita niya akong nakatayo sa di kalayuan sa kanila.
Kunot noo akong tinignan ni Zishu.
"Geh dude kita nalang tayo sa susunod na practice natin una na kami." paalam nang isang member ng basketball sa tingin ko siya iyong si Archor. Gwapo din ang lalaking iyan pero mas gwapo talaga ang Zishu ko.
"Anong ginagawa mo dito?" napatalon ako nang bahagya ng makita ko siyang nasa harapan ko na pala. Shocks! Hindi ko man lang naramdaman na nakalapit na siya nakatingin kasi ako do'n kay Archor.
"Uh-uh ha?" he rolled his eyes. Ang sungit ni Zishu!
"Ang sabi ko anong ginagawa mo dito? You didn't usually go here." masungit na saad niya.
"May bibigay lang ako sayo." inabot ko sakanya ang tatlong pulang roses. Ngumiti pa ako nang napakaganda sa kanya.
"Babae na pa nanliligaw ngayon?" tanong niya habang sinisipat ang bulaklak na hawak niya.
"Ligaw? Hindi kita nililigawan oy!" angil ko. He smirked.
Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko mga dalawang dangkal lang ang layo no'n, ramdam ko nga hininga niya e.
"Sa tingin mo ano tong ginagawa mo?" tanon niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Porke ba binibigyan ka ng bulaklak ng isang babae nililigawan ka na? Di ba pwedeng binigyan ka lang ng isang babae ng bulaklak dahil ina-admire ka niya. Or baka crush ka niya."
Tumaas ang isang kilay niya. " So crush mo ako?" tanong niya hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.
"Obviously." I stated.
Nag smirk uli siya tsaka tumingin doon sa bulaklak.
"Pathetic." mahinang bulong niya pero rinig na rinig ko parin.
"Will you just please my feelings?" ngumiti akong kitang gilagid.
"You wish." saad niya at tinalikuran ako.
Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gym. May nakasalubong siyang isang nerd na babae tapos binigay niya ang bulaklak do'n sa nerd girl. Nagulat pa nga si girl kasi once in blue moon lang naman kung mamansin ang isang Zishu sa sobrang kilig nahimatay tuloy siya.