03

37 7 5
                                    

"Hi! Yes you may sit." I pointed the chair so he can sit down. Bakit siya andito? At himala hindi siya hinahabol mainit sa mata ng mga tao. Sabagay, para siyang nagdidisguise sa itsura niya ngayon.

















"Take this." Inabot niya sa akin ang isang h & m paperbag. Hindi ko naman tinatanggap iyon dahil mamaya ay daga pa ang laman. Joke lang.















"What's that?" I asked getting confused.
















"I think you have your period today. You have a blood stain on your skirt.. You can cover it up with a jacket though." Shit, true ba? Nakakahiya! Totoo pala 'yung sticky feeling na sinasabi ko. Siya pa talaga makakapansin huh? Napakatiming nga naman. At nakakahiya!


















"Oh my, thank-" Natigil ako ng magsalita ang barista.














"Frappe Capuchino for Miss Charm!" He shouted kaya hindi na ako nakapag thank you. Instead, nilagay ko nalang ang jacket sa bewang ko at kinuha ang napkin sa purse ko. Puti pa naman ang skirt ko!
















Right after I finished fixing my period, noong lumabas ako ng restroom, I saw Madie's shadow for a while? Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero hindi rin imposibleng andito si gaga. Baka lumalandi nanaman kaya ayaw akong kasama.













"Uh.. Hindi ka ba natatakot sa media, Dave?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko at hindi salamat. Baka mamaya ay may nakakakilala na sakaniya. 














"Why would I? Wala naman akong ginagawang masama. Unless.." My eyes widened when he said that. Unless what?















"Ano? Thank you by the way." Nasabi ko rin.














"You want to be my non showbiz girlfriend?" He chuckled. Ang bilis, teka hihinga muna ako!















"Anino." I shamelessly said that made him laughed. Ikinahihiya ko na talaga ang bibig ko!















"What's your real name?" Ang bilis magbago ng topic hindi pa ako nakakarecover. Pero hala siya, hindi pa ba sapat 'yung Charm lang?












"Charmira Aryuna Pana-" He interrupted me.














"First name lang." Luh attitude.













"Love." I joked. It's up to him if he'll take it seriously. Pabor naman sa'kin.















"Nice combination. Charm Love." He laughed. Oo nga no, tanga ko sa part na 'yon.












"Charmira, okay na?" I raised a brow. Unti nalang iisipin ko happiness niya ako, tawa siya ng tawa e.













"Hmm. I can call you Love if you want to." He smiled widely.












"Hindi naman 'yan parte ng pangalan ko.. Unless." Ganti ko sa 'unless' niya kanina.














"Unless what?" He arched his brow.













"Unless 'yan talaga ang gusto mong itawag sa'kin." Natulala siya ng dalawang segundo bago tumawa. Nagblush siya! Sure ako roon, hindi naman pink ang pisnge niya kanina!














"Socials?" He asked after a long quiet time.













"IG? Charmirau underscore." Sana idm man lang ako, binigay ko na nga e.











"Okay." Amp! Naalala ko lahat ng kagagahan ko sa account na 'yon! Ginawa kong human diary talaga ang IG niya dahil alam kong hindi niya mababasa! Pota.












@dump.dm Followed you back!














Hala, may mutual na akong artista. Dump account ang pinangfollow niya sa'kin pero binabasa niya parin sa main account niya ang mga message ko.












"Parang ang dami mong problema sa buhay." Nagpipigil niyang tawang sabi habang nagbabasa. 













charmirau : Hi Dave. I have a problem but I don't have a friend to talk to. Sana hindi mo mabasa pero ang hirap na pala mabuhay. Sana makita kita sa personal. Labyu po.














That was the 14 year old me. Jeje 'no? Anong klaseng pagdadrama 'yon Charm? Tsaka bakit binabasa pa niya 'yon e that was three years ago na.














"Andami namang i love you, nasobrahan na ata ako sa pagmamahal." He acted like a cupid arrowed him. Every night ata ay nagogoodnight ako sa account niya pero tumigil na ako last year!  Nakakahiya talaga.

















"Excuse me! Last year pa 'yan." Sabi ko para mabawasan naman ang kahihiyan.
















"So hindi mo na ako mahal ngayon?" He pouted. Parang ano naman e!













"Just kidding. I think I gotta go." Agad agad? Grabe bitin naman. Hindi pa nga ako nakakasagot. Charot!















"Sige ingat." I nodded and he stood up.














"Ikaw, hindi ka pa uuwi? Take care, love." Hala, ang harot naman!














I just smiled at him without answering his question and I wanted to forget it all! It felt surreal! Ngayon lang nagsink in sa'kin lahat. Na artista ang nakausap ko. Crush ko 'yon. Pinapangarap ko lang makita! Pero wait, nagthank you ba ko?
















After a very very long time na pagpapalipas ng kilig ay bumalik na ang kaluluwa ko kaya niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo na rin para makauwi na. While walking, I recieved a text.










From : Papa

Anak, may business trip kami ng Mama mo for a week. Ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, nagiwan ako ng pera sa ilalim ng unan mo. Ingat kayo.








Omy! Good news 'yon. Ito na ata pinaka magandang text sa balat ng lupa.



_____________________________
___________________
_____

The Man of my DreamsWhere stories live. Discover now