Pasilyo

20 1 0
                                    

higit pa sa minsan,

ang buhay ko
ay parang isang pasilyo --

tinatambayan mo,
tinatakbuhan mo,
nilalakaran mo.

hindi ako tahanan
na palagi't palagi mong uuwian.

ako ay pasilyong
dinaraanan mo lang --

at sa huli'y nililisan.

8.13.19

Tularawan: Mga Tula't Sanaysay na Hinabi sa mga Luha't LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon