Blythe's P.O.V
Pag gising ko around 12:50 m.n, namalayan kong wala sa tabi ko si chin. Nagtaka naman ako dahil wala rin siya sa loob ng c.r at nag decide akong bumaba dahil baka andun sa kusina kumain.
Pag baba ko naman ay wala rin siya, I was about to call her but biglang may kumatok sa pintuan at sinilip ko muna kung sino.
"Ma'am bly?!" tawag ni manong guard sabay katok sa pintuan.
"What is it manong?" takang tanong ko sa kanya.
"Si Ms. Diaz po lumabas, sumakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung sino ho iyon." Paliwanag nito. "Baka kilala niyo po yung nag mamaneho ng sasakyan, ipapakita ko ho sa inyo." Dagdag nito.
Agad naman siyang naglakad papuntang guard house at sumunod naman ako. Pag tingin namin sa cctv ay bigla akong nagulat at biglang nanginginig ang buong katawan ko nang nalaman kong si Bea pala iyon. (Ex-girlfriend ni chin.)
Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko at tumingin sa ibang direksiyon. Hindi ko alam kung anong itatanong sa kanya pag-uwi niya mamaya, pero hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.
Bigla naman akong natauhan nang tinawag ako ni manong.
"Ma'am, ano ho bang gagawin natin ngayon sa kanya?" tanong niyo na may halong pag-aalala sa mga mata nito.
"Ganito manong, 'wag mong sabihin sa kanya na nakita mo siyang lumabas at huwag mo ring sabihin sa kanya na nag sumbong ka sa akin, ako nang bahala." Sabi ko sa kanya.
Tumango naman ito at umalis na agad ako. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay napasandal ako sa pintuan ng kwarto namin.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako, hindi ko rin alam kung may feelings pa kaya siya sa ex niya pero wala akong magawa kundi umiyak at mag-isip ng kung ano-ano.
Ewan ko lang ba kung mag papaliwanag ba ito sa akin or magtatago.
Agad naman akong sumampa sa kama at ilang minuto ay naka-rinig ako ng pag hinto ng sasakyan sa labas ng gate, sumilip ako kunti at nakita kong si chin nga yun. Bago pa ito pumasok sa loob ay dumungaw muna siya sa bintana at binigyan niya ng masiil na halik si bea sa labi nito, dahilan sa pag tulo ng mga luha ko.
Agad naman akong napaupo sa sahig at ipinagpatuloy ang pag-iyak. Narinig ko rin ang mga yabag ng mga paa nito papuntang kwarto at agad naman akong sumampa sa kama at pa as if na natutulog.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at narinig kong napa-buntong hininga ito bago humiga sa kama katabi ko.
Hindi ko alam kung papatawarin pa ba kita sa ginawa mo. Agad naman akong nakatulog dahil sa kakaiyak ko at hindi ko naramdaman nan aka-yakap na pala ito sa'kin.
8:30 am
Pag gising ko ay wala sa tabi ko si chin, ewan ko lang ba sa isang yun? Hindi man lang ako ginising. Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo upang maligo, pagkatapos ay agad na nagbihis ng damit.
Agad naman akong bumaba at dumiretso sa kusina at nakita ko siyang nakangiti sa akin habang nag hain ng pang breakfast sa amin.
"Good morning bly!" bati nito at siniil naman ako ng halik sa labi. (Eww. Humalik sa ex niya tapos hahalik sa'yo?) singit naman ng utak ko.
May point naman yung utak ko, ba't ako pumayag na halikan niya ako? Well, pa'no ba yan? Naunahan ako eh?
Umupo na ako sa puwesto na malayo sa kanya at nagtaka naman ito.
"Bly?" tawag nito sa akin, pero hindi ako lumingon sa kanya at tipid na sagot lang ang binigay sa kanya.
"What?" walang ganang sabi ko at nag simulang kumain.
"Ba't wala akong good morning kiss?" taka naman nitong tanong sa akin.
Wala akong magawa kundi tumayo at halikan siya sa pisngi. Bumalik naman ako sa upuan ko .
"Ayy, tama pala. May dalaw ka pala ngayon kaya ganyan ka sa akin." Sabi nito at nagsimulang kumain.
Dahil wala na akong masabi sa kanya ay inirapan ko lang ito.
Sa totoo lang chin, wala akong dalaw ngayon. Gago ka kasi, may pa ngiti-ngiti ka pang nalalaman, akala mo siguto wala kang ginawang kagaguhan kagabi. Last na talaga ito, pag once na umalis ka pa ulit, hindi ako magdadalawang-isip na pauwiin pa kita ulit dito. Baka dun ka na sa ex-girlfriend mo tumira.
BINABASA MO ANG
My First Kiss (GxG)
FanfictionAll I can remember about the moment is that when our lips touched, I knew the memory would last forever. I think Heaven will be like a first kiss.