chapter 1- first heartbreak

5 0 0
                                    

-Samantha's POV



~FLASHBACK~

"WALANG HIYA KA!"sigaw ni mama mula sa labas.

Andito kami sa kwarto nina Rio at Ella,pare-pareho kaming umiiyak dahil sa pag aaway ni mama at papa.

"Ate,pupuntahan ko sila"umiling ako.Hindi pwedeng mangialam kami dahil baka kunin ni papa ang isa saming magkakapatid.pero kahit ganon gustong gusto kong lumabas para maprotektahhan si mama.

"Gusto mobang makuha ni papa!"garalgal ang boses ko habang pinapagalitan sya.
"Walang dapat makuha satin,walang lalabas ng kwarto!"

"Pero ate,nabibingi nako sa sigawan nila!ansakit sakit na dito oh!"tinuturo nya ang dibdib nya.

Alam kong nahihirapan na ang mga kapatid ko,kahit nung bata palang ako ay nangyari na ang ganto.Pinatawad lang ni mama si papa pero naulit nanaman ngayon.Napagpasyahan kong ako nalang ang lalabas.

"Ako nalang ang lalabas,ok lang na ako ang kunin ni papa wag lang kayo."sabi ko habang tumatayo,wala namang magawa si Rio dahil alam nyang magpipilit ako.

"Ate wag kang sasama kay papa dito kalang malulungkot ako!"nakayakap sakin si Ella habang sinasabi ang mga katagang iyon.Mas lalong bumilis sa pagtulo ang mga luha mula saking mga mata,hindi ako pwedeng mangako sa kanya.

Lumuhod ako para magpantay kami.

"Ella,hindi mapapangako ni ate yan pero susubukan ko ha,hintayin nyo'ko babalik ako. "tumango si Ella at ganon din si Rio.Nanginginig pa ang kamay kong pumupuhit sa door knob pabukas,lumabas ako para harapin ang mga magulang namin.

Naabutan kong sasampalin ni papa si mama kaya pinigilan ko agad,sinalag ko ang kamay ni papa kahit nahihirapan ako dahil mas malakas sya sakin.
"WAG NA WAG MONG MAPAGBUBUHATAN NG KAMAY SI MAMA!"puno ng galit at takot ang mga titig ko sa kanya,hayop sya matapos nyang pagtaksilan si mama may gana pa syang manampal!

Lumambot ang mga titig ni papa sakin saka nya ibinaba ang kamay.

"Anak pakiusap bumalik kana sa kwarto."Nakikiusap si mama pero hindi ko sya pinansin,hindi ngayon ma punong puno nako sa asawa mo.

Hinablot ni papa ang kamay ko para sapilitan akong makalapit sa kanya."Sasama sakin si Samantha."

"NO!HINDI AKO SASAMA SA LALAKING KAGAYA MO!BITAWAN MO'KO!"pilit kong inaaagaw sa kanya ang kamay ko pero putangina ang higpit!

"LET GO OF ME!MAS GUGUSTUHIN KONG MAKASAMA SI MAMA KESA SAYO!"Nanlisik ang mga mata ni papa habang nakatingin sa akin,nakita ko rin ang mga luhang nakatakas sa pagpipigil nya.

"BWISIT!BWISIT NA BUHAY TO!"namumula si papa sa galit.may gana pa syang magalit e sya nga tong gago na iiwan kami!

Pabato nyang binitawan ang kamay ko kaya dali dali akong pinuntahan si mama.
"Mama,ok kalang po ba?Sinaktan kaba ni papa?"iniupo ko si mama sa sofa para makapagpahinga.

Kakausapin ko pa sana si papa pero narinig ko ang pintong kumalabog sa lakas ng pagkakasara.

~END OF FLASHBACK~

Simula ng mangyari ang nakakabwisit na araw na iyon,pinangako kong hindi na ako magtitiwala sa mga lalaki.Lolokohin lang naman ako.Sinabi ko narin kay Ella na wag na wag syang magkakmling mag boyfriend ng hindi ko alam dahil malilintikan sya sakin.Si Rio naman ay lagi kong pinaalalahanan na galangin ang mga babae at kung maaari ay wag munang mag girlfriend.

Katulad lang naman pala ng ex ko ang papa ko mga manloloko.



"Sam!can't you hear me?!"nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ni Venelope,mukhang kanina pa sya nagda dadada sa harap ko at wala manlang akong narinig.

"S-sorry may iniisip lang"

"Dahil nanaman ba sa papa mo?"malungkot ang mga mata nya habang nagtatanong sakin,hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong naapektohan din sya sa nangyari,sya lang ang may alam ng buong kwento ng mga pasikot-sikot sa buhay ko dahil sya lang naman ang bestfriend ko.

"Okay lang naman ako sy,dikolang naman maiwasang maalala."naubos ko ang beer na inorder ko kaya umorder pako ulit.

"Pero sy"inagaw nya sakin ang beer na iinumin ko sana."Tama na to,uuwi na tayo"maotoridad ang boses nya habang hawak ang beer,tsk eto nanaman si uwing uwing Venelope.

"Kung gusto mo ng umuwi,umuwi ka na,hayaan mo nalang ako dito."inagaw ko sa kanya ang beer at mabilisang nilagok para wala na syang aagawin.tss.

"No,hindi kita pwedeng iwan dito kaya umuwi na tayo,tara na."halatang naiinis na sya sakin kaya inunahan ko syang maglakad papunta sa kotse ko.

Hinatid nyako sa bahay dahil medyo nahihilo na ako,gamit namin ang kotse ko at magkocomute nalang raw sya pero sinabi kong gamitin nya ang kotse ko ibalik nya nalang bukas.Muntik pa kaming hindi makilala ng guard sa gate ng village dahil sa nakayuko ako,nakilala naman si Venelope kaya pinapasok kami.

"Dito na tayo Sam"niyuyugyog nya ako.tsk nakatulog pala ako.
"Salamat sy ingat ka sa paguwi."hinalikan ko sya sa pisngi bago lumabas ng kotse.

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sa sala si Ella habang nagbabasa ng libro at si Rio naman ay nasa pangisahang sofa,nagcecellphone.

"Asan si mama?"nakaugalian ko ng tanungin kung nasan si mama sa tuwing uuwi ako.
"Nasa kusina sya ate nagluluto ng hapunan."Sagot ni Ella habang ang mata ay nasa libro parin.hilig hilig sa books.

Tumango nalang ako saka nilagay ang bag sa sofa.

"Good evening mama anoyan?"sabay nguso ko sa niluluto nya,tumawa si mama ewan koba.cute bako ma?
'Adobong manok to"binuksan nya ang takip kaya kumalat ang masarap na amoy ng paborito kong ulam!ansaraaaaaap!

"Mama aakyat lang ako ng kwarto para magpalit,baba lang po ako mamaya."pagpaaalam ko saka naglakad paakyat sa kwarto.

Nakakapagod ang araw na ito.Lalo na sa trabaho andaming kaylangang ibigay kay boss para mapirmahan,oras oras kapang hihingi ng update kung may meeting jusko nakakastress maging secretary!Sama mopa iyong boss ko,araw araw akong naiimbyerna sa pagmumukha nya pari sa kasungitan nya!hindi naman gwapo at saka ayoko sa lalaki,feeling mo pinalilibutan ka ng sandamakmak na manloloko!







A/N:hi!eto nanaman at nagpaparamdam ang author na gaga maraming salamat sa mga nagbasa sana magustuhan nyo ang kagagahan ko thankyou!

-DON'T FORGET TO LEAVE A COMMENT AND VOTE!LUV U MGA KAGAGA!












That one true love Where stories live. Discover now