CHAPTER ONE
Patricia's Point of View
It'a been five years since then...
Five years since I gave birth and married to the father of my children
In five years in our marriage I thought he loves me but I only thought...
"Shai, una na ako sayo ha..." paalam ko sa co-worker ko na si Shaira. Sinuot ko ang aking jacket at kinuha ang aking shoulder bag
Bago pa ako makalabas ay tinawag ako ulit ni Shaira
"Pat!" sigaw ni Shaira habang tumatakbo papunta sa akin at may dala siyang paperbag
"May kailangan ka pa ba Shaira?" tanong ko nang naabutan na niya ako
"E-eto i-ibigay m-mo sa k-kanya" hingal na hingal na sabi ni Shaira saka inabot sa akin ang paperbag na may nakalagay na bearhugs. Binuksan ko yun at nakita ko ang isang purple na medium sized teddy bear na may nakasulat na 'I Miss You'
"Salamat Shaira ha... Pero bayaran ko na lang to... Ang mahal kaya ng bearhugs" sabi ko kay Shaira
"Hay naku! Pabayaan mo na ang presyo at ibigay mo na lang sa kanya baka gumaling pa siya dahil dyan" sabi ni Shaira. Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong tinulak palabas sa building
No choice kundi tanggapin ko na lang to...
Kahit kailan mapilit talaga tong babaeng to... Tsk tsk tsk
Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko saka umalis papunta sa hospital, ang Sandoval Medical Hospital. Ang negosyo ng pamilya ng asawa ko...
Oo tama ang rinig o basa niyo... May asawa na ako... Nagpakasal kami pagkatapos kong manganak sa aming maliliit at makukulit na mga bata
Nag-park ako sa parking lot saka bumaba at sumakay ng elevator at pinindot ang fifth floor
*TING*
Agad akong lumabas nang tumigil at bumukas ang elevator sa fifth floor. Lumiko ako sa kanan at pagkatapos ng apat na pintuan ay binuksan ko ang ika-limang pintuan at sinalubong ako ni kuya Patrick at ni ate Zasha ng yakap
Nag-mano sa akin ang aking five years old na pamangkin nasi Zarick, ka-age lang niya ang mga anak ko
"Kamusta si Thunder?" tanong ko sa dalawa habang nagtitimpla ng kape. Di pa rin tumitigil ang ulan
"Stable na siya at good news dahil tinatanggap na ng katawan niya ang mga gamot!" masayang balita sa akin ni ate Zasha saka niya ako niyakap ng mahigpit
"Pero any signs na magigising na siya?" tanong ko nang kumawala ako sa yakap. Tumahimik bigla ang paligid pwera na lang sa TV dahil nanood si Zarick
"Wala pa rin Pat" mahinang sabi ni kuya Patrick saka niya ako binigyan ng tinapay
"But don't lose hope okay? Aja!" sabi ni ate Zasha saka niya ako niyakap ulit at nung kumawala na ay ningitian ko siya ng kaunti
Umupo ako sa tabi ni Thunder at hinawakan ang kanyang kamay
"Baby... Gising na ha... Magpagaling ka na... Miss kana namin ni kuya Storm..." sabi ko sabay haplos sa kanyang chestnut hair na namana niya galing sa kanilang ama pati na rin si Storm
May dalawang anak ako... Kambal. Sina Storm Dominic Sandoval at Thunder Daniel Sandoval. Si Storm ay nasa Canada kasama sina mama at papa dahil walang magbabantay sa kanya dahil sa sitwasyon ng aming pamilya at si Thunder naman ay nandito sa hospital dahil sa isang malagim na aksidente...
Thunder is still too young when the incident happen... He's only three years old... Too young to be in coma...
It's been two years since that incident but the wound is still fresh in my heart and mind
Di ko na malayan na nine thrity na pala ng gabi
Inayos ko ang sarili ko at nilagay ang teddy bear na bigay ni Shaira sa tabi niya
"Pat, sabay na tayong umuwi at maghapunan" yaya sa akin ni ate Zasha
"Sige pero di ko na kayo makakasama na maghapunan dahil uuwi na ako" sabi ko sabay sirado sa pinto
Nang makarating kami sa parking lot ay naghiwalay na kami ng landas
Nag-park ako sa garage namin nang makauwi ako sa amin at nakita ko ang kotse ni George pero nakapatay ang mga ilaw sa bahay pwera sa labas
Excited akong pumunta sa pinto pero nung nahawakan ko ang door knob ay parang kinabahan ako...
Dahan-dahang kong binuksan ang pinto at pumunta ako sa sala at kahit nasa hallway pa lang ako ay may nakita na akong nagkalat ng mga damit ng babae at lalaki. Bigla akong pinawisan
Not again please...
Bigla tumulo ang mga luha ko nang makarinig ako ng mga ungol
"Ohh... George..." ungol ng isang babae
"Y-yeah" ungol ng isang boses ng lalaki na sobrang pamilyar sa akin and again... Nag-uunahan na tumulo ang mga luha ko
"Sh*t George bilisan mo pa! Yeah! Yeah!" ungol ulit ng babae
"As you wish" sabi ni George at alam ko na kung anong nangyayari dahil may narinig akong nabasag na vase at tunog na gumalaw ang sofa...
Sa sofa pala sila...
Ngumiti ako ng mapakla bago umalis sa bahay namin at sumakay sa kotse ko at doon umiyak
Kinuha ko sa pitaka ko ang wedding picture namin... Nakangiti kaming pareho habang karga sina Storm at Thunder na five months lang sila...
Sana ngumiti siya ulit sa akin ng ganyan...
I love you George even though you hurt me a million times...
______________
End of Chapter One!
Sa wakas natapos din! Sorry kung pangit dahil mobile lang gamit ko di computer o laptop! Pero sana nagustuhan niyo!!!
Please vote and comment!!! ♡♡♡
BINABASA MO ANG
Her Broken Heart (ON-HOLD)
General Fiction"Minsan kailangan na rin nating sumuko sa isang tao o bagay kung di na natin kaya, kasi di ba nga, wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa isang tao o bagay na ayaw na sayo. Kaya simula sa araw na ito... Kakalimutan na kita, yun naman ang gusto mo dib...