Wala Na

4 0 0
                                    

May flight ako mamaya. Family vacation. Next week pa ako uuwi.
text sa'kin ni Kent.

Obviously, nalungkot ako nung mabasa ko 'yung text niya

"Aalis na naman ba iyang jowa mo?" tanong ni Johan.

"Oo. May family vacation 'daw' sila."

"Ano ba naman yang jowabels mo, lagi nalang umaalis." reklamo niya

"At least nagpapaalam siya kaagad sa akin." sabat ko.

"Yuna, Johan. Naguusap nanaman kayong dalawa diyan. Makinig nga kayo. Di porke't nasa top kayo ay pwede na kayong magpabaya!" pagsita ng ni sir sa amin

"Pasensya na po sir." sagot ni Johan

Kahit nasa kalagitnaan ng klase ay iniisip ko parin si Kent. Nagaalala ako na baka may masamang mangyari sa kaniya.

Kinabukasan, nagtext ako kay Kent pero di ito nag reply sa akin. At gaya kahapon ay di nanaman ako nakikinig kay sir. Sa kalagitnaan ng Math class ay bigla akong tinawag ni Sir.

"MISS YUNA!" sigaw niya

"Umm. Yes sir? Bakit po?" agad akong napatayo ng narinig ko ang pangalan ko

"Kahapon ka pa di nakikinig! Please solve this problem."

"I'm so sorry Sir." tumayo na ako at sinagutan yung problem. Buti na lang nag-advance study ako kundi di ko masasagot yung problem sa board.

Makalipas ang isang linggo, di parin siya nagpapakita o nagtetext manlang sa akin.

Isang araw,napag-pasyahan ni Johan na ipinasyal ako sa mall, baka sakaling mabawas-bawasan yung lungkot ko.

Hindi ko inakala na andun pala si Kent, bumibili ng teddy bear. Ng makita ko siya ay natuwa ako dahil meron pala siyang regalo sa akin. Akala ko na kalimutan na niya yung pinaka-importanteng araw ng buhay ko.

"Tara na." nakangiti kong paanyaya kay Johan

Pinuntahan ko si Kent sa bahay niya. Pero laking gulat ko na ang teddy bear na binili ni Kent ay ibinigay niya sa isang babae. Nakangiti niya itong ibinigay sa babae. Nag halo-halo ang nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Gusto ko siyang kausapin pero mas nangunguna ang takot na baka totoo yung hinala ko

Naduwag ako kaya tumakbo ako papaalis sa bahay niya. Di ko na siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Sabay sa pagpatak ng luha ni ko ay ang malakas na ulan, tila ba nakikidalamhati ito sa'kin.

Magdadalawang linggo na pero di parin nagte-text si Kent sa akin. Pilit akong ngumingiti sa harap ni Johan para di siya mag-alala sa akin. Kahit masakit na masakit na ay pilit parin akong ngumingiti sa harap ng iba.

"Bes, pumunta ka bukas ha?"nakangiti kong paanyaya kay Johan

"Ako pa! Debut mo na kaya bukas, dalaga ka na." masayang sagot sa akin ni Johan

"Promise yan ha?"

"Oo na. Promise," sabat ni Johan "eh bes, sure ka bang ok ka?" dugtong nito

"Oo naman. Bat di ako magiging ok eh andyan ka." nakangiti kong sagot.

Busy ang lahat sa paparating na birthday ko. Pero di parin nagpapakita si Kent sa akin. Kinabukasan, Sabado ngayon, ang pinakahihintay na araw ko

"Happy Birthday Yuna!!!" pagbati ng mga kaibigan ko sa akin

"Thanks guys. Salamat sa pagdating sa birthday ko." pasasalamat ko.

Wala NaWhere stories live. Discover now