Chapter 35 .
Magiingat kayo ha!" May siglang paalam ni ina sa amin ng prinsipe .
Tumango ako at naiiyak na kumaway sa kanya .Tapos na ang bakasyon ko at balik na kami sa palasyo .
KinabukasanPagkatapos nang nangyari ng araw ng kompitisyon ay nagsimula na agad akong magluto sa kainan na iyon .
Tuwang tuwa ang manager ng kainan ,dahil sa lumaki ang kanyang kita dahil dinagsa kami ng mga tao .
Hindi naging mahirap ang trabaho kong iyon dahil sa tinulungan ako ng prinsipe na ipinangako nya .
At tulad din naman ng ipinangako ko sa mga bata ,sa sweldo na nattanggap ko sa pagtatarabaho ay ginawan ko sila ng mga pagkain na hindi pa nila natitikman .
Napakasarap sa pakiramdam nang may natutulungan ,lalo na kapag nakikita mo sa kanilang mga mata ang saya at pagkamangha sa dala kong pagkain .
Halos tanghali na ng makabalik kami sa palasyo .
Nagikot ikot pa kasi kami ng prinsipe sa huling pagkakataon .
Xialin!" Galak akong sinalubong ni xi'er ng yakap ,pagkaapak na pagkaapak ko sa aming silid .
Saan kaba nagpunta ha? " mangiyak ngiyak na ani nito .
Niyakap ko sya at marahang hinaplos ang kanyabg buhok .
Nagalala ako" dugtong pa nito .
Guilty consumed me , hindi ko nga pala sya nasabihan na aalis ako.
Dahil wala naman sya ng panahon na iyon dahil inutusan sya ,at higit pa ay nakalimutan ko dahil sa pagmamadali ng prinsipe .Im sorry, sorry kung pinagalala kita ,patawad xi'er" sinserong ani ko .
Saan ba ka nangaling?" Aniya nito ng makabawi .
Pinauwi ako ng emperor sa bahay namin" aniya ko .
Tumango ito at bahangyang ngumiti .
Kamusta pamilya mo? Ok lang ba sila?" Tumango ako .
Yes ,ayos naman kaso lang parang may kakaiba " kumunot ang noo nya sa sinabi ko .
Kakaiba?" Tanong nya pa ,naninigurado .muli akong tumango .
Yes , wala man lang akong litrato sa bahay namin , hindi ba kataka taka iyon?" Ani ko .
Natigilan ito at bahagyang napaisip .
Baka naman naitabi nyalang?"
Nagkibit balikat ako .
Mahirap lang daw kami kaya wala akong larawan ,ewan ko ba sa kanila , sila nga may larawan ni ama pero ako wala" tugon ko pa
What? Ang ama at ina mo ay may litrato at ikaw wala? " gulat nitong tumango .
Yes "
Baka naman mahirap lang kayo kaya hindi ka talaga na picturan at hindi ba nasa palasyo ka lagi? At bihira lang umuwi? Baka sa tuwing may pera sila ay natyetyempuhan na wala ka"
Napatango ako sa sinabi nya .Maari nga .
Unknown pov...
Padabog kong ibinaba ang sumbrerong gamit ko sa lamesa .
Bobo! Mga walang silbi!" Malakas kong sigaw sa kanila .
Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanila .
A-ano pong k-kasalana- SHUT UP!" pagputol ka sa sinasabi nya .
Muntik na tayong mabuko! At dahil yon sa inyo! Mga walang silbi! "
P-patawad p-po" utal utal nitong ani .
Pasalamat kayo at may silbi parin kayo kahit na papano ,pero kung hindi? Sinisugarado kong nakahandusay na kayo sa sahig at walang buhay" malamig kong ani .
Ayusin nyo sa susunod maliwanag ba?!"
Mabilis silang tumango sa akin .
Isinuot kong muli ang aking sumbrero at nagpahinga saglit bago bumalik sa palasyo .
......
YOU ARE READING
the prince baby
De TodoThealyn Sudler, a brilliant doctor and secret scientist/inventor, never imagined that a car accident would be the catalyst for her extraordinary journey through time. Awakening in an unfamiliar room and an unfamiliar body, she quickly realizes she h...