RS:H 19

3.9K 98 6
                                    

Dara's POV

Ayokong pumunta nang YGE Building ngayon. Baka kasi andun din sya. Nahihiya ako ngayon na makita sya. Hindi ko pa sya kayang harapin simula nung nireject ko sya. That rejection I'm regretting.



I heaved a deep sigh.

"Unnie, tara na!" Nabalik ako sa kamalayan nang marinig ang boses ni Minky.

"H-Ha?"

"Kailangan na nating puntahan si Teddy Appa para chekin yung bago nating kanta." Sagot ni Minky sakin at tumango ako.


Aigoo, nawawala tuloy ako sa focus!




"Ah oo nga pala." Tumayo na ako at sumunod sa kanila. Kahit ayokong pumunta! Kailangan. Hindi mo din naman maiiwasan na makabangga sya Dara! Nasa iisang kompanya kaya kayo, haaaay.




YG Building

"Teddy Papa!" Bungad namin sa kanya. Pagkabukas na pagkabukas pa lang nang pinto. At as usual, nasa usual seat sya at nakatingin na naman sa desktop nya. Nasapian na naman sya ng Music. Nako, araw araw pala talagang ganyan si Oppa.


"Oh, andyan na pala kayo girls. Upo kayo!" Umupo na kami sa couch nya. At pinagmasdan lang sya. Ako naman di pa din maiwasang palipadin 'tong isip ko. Alot of things are budging me. And one name stands out, Kwon Jiyong. Haaaaay.




"Girls, eto pala yung script nang kanta nyo." Inabot nya saamin isa isa ang tatlong stapled na bond paper.


Tiningnan ko ang lyrics at ang ganda nito kahit puro cuss words. Grabe! Ang intense ng mga lyrics! Parang di ko kayang kantahin pero fighting.



"I hate you" ang title nang kanta. Diniscuss nya saamin ang tono at pinakinig samin ang beat nang kanta. Pagaralan daw muna namin ang kanta at bukas kami magsisimula nang recording.



Lumabas na kami nang office ni Teddy Papa after. Dederetso na sana kami nang lobby nang makita ko ang pamilyar na mga likod. Bigbang na naglalakad na paalis. WAAAAAAH!




Nakikita ko ang likod nila pati na din ang likod nya. Dahan dahan sana akong maglalakad para hindi nila malaman na nandito kami. Hindi din napansin nina Chae na nandito sila dahil busy sila sa pagbasa nang script. WAAAAAAH sana makaalis sila ng di napapansin nitong tatlo. Mygod! Di ko pa kaya. ㅠㅠ



"Oh! Mga Unnie Big Bang!" Sabay kalabit nya samin. Jusko minzy! Wag mo silang tawagin please. HUWAAAAAA~


"Teka Min—"



"OPPA!" sigaw ni Minzy nang malakas. Napalingon silang lima nang marinig nila ang sigaw ni Minzy. I'm doomed.


"Oh!" Nagulat din sila at nagsimula nang maglakad palapit samin. Nakikita ko si Jiyong. I saw how he hesitated sa paglapit samin. Halatang ayaw nyang lumapit. Ang cold ng expression nya at pilit kong binabaling sa gilid ang titig ko. 



Naglakad na din palapit sakanila sina Bommie. Hindi ko alam kung lalapit ba ako! Kung tumakbo kaya ako? O kaya magpanggap na naiihi? Ano ba dun ang magandang choice? WAAAAAAH ㅠㅠ



"Ssantokki! Tulog ka? Tara na dito.'' Lumakad palapit sakin si Bom at kinaladkad ako papalapit sa kanila. Pilit kong pinapabigat ang sarili ko pero waepek dahil bukod sa patpatin ako ay may lahing Amazona 'tong si Bom kaya easy easy lang ang pagkaladkad sakin. Huhuhuhu!


"Ano ba Dara! Umayos ka nga, para kang tanga! Pa obvious ka masyado!" Sermon nya sakin bago kami nakalapit at tumungo agad ako.HUWAAAAA di ko kayang tumingin sa kanya.



Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon