Episode 1 : The Beginning Of Everything ( Part 1 )

32 6 0
                                    


Episode 1 : The Beginning Of Everything ( Part 1 )

∆ June 16, 2019 ∆

Napabalikwas ng bangon si Aries sa kanyang kama. Pawis na pawis ang katawan niya at basa ang kanyang damit. Hinahabol niya ang kanyang hininga.

Mariin na ipinikit ulit ni Aries ang kanyang mata at minulat ito. Tinignan niya ang kapaligiran ng kwarto bago niya naisipan na bumangon sa kanyang kama.

Kinuha niya ang cellphone niya sa may lamesa katabi ng kama niya at tinignan ng oras, 6:35AM. At sa ilalim ng oras, may isang notification doon: 2 unread messages, 1 missed calls.

Nung tinignan niya kung ganito galing ang texts at calls, ay bumuntong-hininga siya at tsaka pinatay ang cellphone. Ayaw niya munang maka-usap ang kanyang kapatid.

Pagkababa ni Aries ay sumalubong sa kanya ang kanyang asawa. Hinalikan niya ito at gumanti naman ito ng halik.

Pagkalipas ng halos isang minuto, tumigil ang dalawa sa kanilang ginagawa at natawa sila. " Maaga akong nagising dahil maagang pumasok si Samuel. " Sabi ng kanyang asawa na si Grace. " Ipinagluto ko kayo ng almusal. "

Umupo si Aries sa upuan habang si Grace ay dumiretso sa kusina para kuhaan siya ng plato at kutsara at tinidor.

Pagkarating ni Grace ay inilapag nito ang plato sa kanyang harapan kasama ang kutsara at tinidor. Pinagsandukan siya nito ng kanin at ng ulam.

" Uhm.. Aries. Pumunta rito kanina si Bruce pero sinabi ko na tulog ka kaya umalis na rin kaagad. " Sabi ni Grace na halata sa mukha na nag-aalala ito kung tama ba na ipinaalam niya ito o hindi.

Napatingin sa kanya si Aries. " Oh, talaga? Kaya pala nagtext at tumawag sakin. " Sagot ni Aries at kumain.

" Nagtext sayo? Ano sabi? " Tanong ni Grace habang hinahalo ang kape na tinimpla nito.

" Hindi ko alam. " Walang reaksyon na sagot ni Aries. " Hindi ko naman binasa eh. "

Agad na lumungkot ang mukha ni Grace at tumingin ng diretso kay Aries. " Hanggang kailan ka ba magiging ganito sa kanya? " Diretsong tanong nito.

Napatingin naman sa kanya si Aries at hinawakan ang kanyang kamay. " Hangga't alam kong mali ang ginawa niya, ay hindi ko siya papatawarin. "

" Pero, hindi naman siguro habang-buhay na hindi mo siya kakausapin diba? Tangina, tatlong taon na kayong hindi nag-uusap. Nakaka-ilang milyon na sorry na siya sayo pero bakit hindi mo rin tinatanggap? " Tanong nito at padabog na tumayo si Aries.

" Tanga ka ba? O nagtatanga-tangahan? Hindi mo ba naiisip na dapat galit din ako sayo?! Na kada gabi, iniisip ko kung bakit ninyo ginawa sa akin yun pero iniiwasan ko ang sarili ko na magalit sayo dahil asawa kita at mahal kita. " Sagot ni Aries. Namumula na ang mukha nito sa galit.

" Huminahon ka lang, Aries. " Nanginginig na sabi ni Grace habang hinahawakan ang kamay ni Aries. " W-Walang may gusto nang n-nangyari. L-Lahat tayo, kahit k-kami ay n-nabigla nang m-mangyari yun. "

" Oh, shut the bullshit! " Inalis ni Aries ang pagkakahawak sa kanya ni Grace. " Walang may gusto nang nangyari? So aksidente ka lang ba na nabuntis ng kapatid ko? " Diretsong tanong nito sa kanya.

Hindi na napigilan ni Grace na umiyak sa harap niya. " Lasing kami nun! Wala akong matandaan na nangyari ang gabing yun! Nagulat nalang ako na buntis ako nun at alam ko na kaagad na hindi ikaw ang ama. I'm sorry. I'm sorry. " Lumuhod si Grace sa harap ni Aries.

" Alam mo kung ano pa ang masakit? Itinago mo sakin sa loob ng labin-limang taon yun. Kung hindi ko pa nabasa ang liham na itinago ni Bruce sa wallet niya, hindi ko malalaman na ikaw pala ang ina ni Peter at hindi yung asawa ni Bruce. " Sagot nito.

Lapse Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon