***Si King Leonard Paz ay isang single parent, namatay ang asawa niya sa pagbibigay silang nito sa nag-iisa nilang anak na babae. Ang anak niya ang naging inspirasyon niya kaya nagpatuloy at nagsumikap siya sa buhay. Ngayong nasa kaniya na lahat ng pinangarap niya, para sa sarili at para sa anak, nagkaroon naman ng trahedya na hindi inaasahan. Ang anak niya ay na-comatose dahil sa isang pangyayari.
Si Antedalio 'Ted' Cristobal ay isang senior highschool graduate, namatayan ng ina bago pa siya makaakyat sa stage ng graduation day. Nasanay siya sa presensya nito lalo na sa mga panahon na hindi siya sigurado. Ganoon rin sa nobya at kaibigan niyang si Ambrose Eula Paz, nasanay siyang lagi niya itong katabi. Ang dalawang babae na ito ay naging inspirasyon niya. Pero ngayong tuluyan nang lumisan sa mundo ang kaniyang ina, hindi na niya alam ang gagawin sa kolehiyo, lalo na nang mawala si Ambrose.
Iisa tao lang rin ang hinihintay ni King at Ted. Silang dalawa ang mga lalaking naghihintay kay Ambrose na gumising. Pero alam ni Ambrose ang nararapat. Na kailangan nilang matutong mabuhay habang wala siya.
*
Para sa isang ama, ang mawalan ng kaisa-isang anak ay masakit. Masakit ang makita ang sarili niyang laman at dugo na nakahiga sa kama, walang kulay ng buhay sa mukha, walang malay, at mukhang lantang gulay. Alam niyang nahihirapan na rin ang kaniyang anak. Alam niyang nasasaktan na ito. Pero mali bang umasa na baka mamaya ay mabuhay pa siya, katulad ng sabi ng mga doktor na may pag-asa pa? Mali bang maghintay pa nang matagal? Ama lang naman siya. Nasasaktan na nakikita sa kama ng ospital ang taong naging pag-asa niya noon, hanggang ngayon.
Para sa isang kaibigan at isang nobyo, hindi niya kaya ang mawala sa tabi niya ang kaniyang kasintahan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sarili ngayong wala na ito sa tabi niya. Kaya paano pa nga ba siya magpapatuloy sa kolehiyo? Ngayong wala na ito, pakiramdam niya ay katapusan na rin ng kaniyang mundo. Kaya masama bang mawalan ng dahilan para sa pagpapatuloy ng pag-aaral? Masama bang umasa na makakasama pa niya ito? Masama ba ang paghihintay pa nang matagal?
Ama lang naman si King. Nobyo at kaibigan lang naman si Ted. Kaya ganoon na lang talaga kasakit habang naghihintay.
***
A/N: Ngayon alam ko na. Sa wakas alam ko na ang magiging dahilan ko sa pagpapatuloy. :)
Sana magustuhan mo. 💙

BINABASA MO ANG
Love Again
Teen FictionSi King Leonard Paz ay isang single parent, namatay ang asawa niya sa pagbibigay silang nito sa nag-iisa nilang anak na babae. Ang anak niya ang naging inspirasyon niya kaya nagpatuloy at nagsumikap siya sa buhay. Ngayong nasa kaniya na lahat ng pin...