AYESHA'S POV
Naimulat ko ang mata ng tumunog ang phone ko. Bumangon ako para i-check kung sino ang nag lakas loob na istorbohin ang tulog ko.
~Gc ng mga OA
Darrah: Teh, ba't 'di ka pumasok?
Si Darrah lang pala. Hindi ako nag reply at sineen lang 'yon, hindi kasi ako pumasok dahil nawalan ako ng gana.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang espasyo ng kama sa tabi ko.
'Wala pa ang asawa ko.'
Napabuntong hininga ako at marahang tumayo. Bumaba ako ng second floor at nag tungo sa kitchen para gumawa ng coffee. Na- upo ako sa sofa matapos kong gumawa ng coffee, ininom ko 'yon habang pinapanood ang pag ikot ng oras sa wall clock.
'7:13 PM'
Hindi ako matutulog ng hindi pa siya umuuwi. Dito lang ako. Kung kailangan kong ubusin lahat ng kape na nasa kitchen ay iinumin ko para lang labanan ang antok ko.
Kinuha ko ang phone ko para i- chat siya pero hindi siya nag seen kaya sinubukan ko siyang tawagan ng tatlong beses pero hindi niya sinagot.
'Where are you?.'
Bumuntong hininga na lang ako. Naramdaman ko ang gutom ko kaya naman nag order ako ng food sa online at pina - deliver dito.
7:30 dumating ang order ko at nag simula na din akong kumain ng dinner. Siyempre, habang kumakain ay nagiiwan ako ng chat kay Kenneth pero hindi pa'rin siya sumasagot.
Napakagat ako sa labi ko habang tinitignan ang call kay Kenneth pero hindi siya sumagot kaya napabuntong hininga ako.
Kumain na lang muna ako habang nakatingin sa cellphone ko. Mabuti ng may laman ang tiyan habang nagb- breakdown, miserable man ang araw ko ngayon ay dapat, busog ako.
Matapos kong kumain ay muli akong nag chat kay Kenneth pero lahat ng 'yon ay delivered lang.
Ano bang ginagawa nila ni Mitch to the point na hindi niya ginagamit ang phone para lang i- update ako? At bakit inabot na sila ng gabi? Grabi ba ang situation ni Mitch at kailangan nasa kaniya ang asawa ko ng buong araw?
Pabagsak kong inupo ang sarili sa sofa at natulala na lang.
'i trust my husband.'
'i trust him.'
'he love me so much, he won't hurt me.'
YOU ARE READING
A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)
Romance"Remember the vows, don't break them." They made it. They're married, and they will live happily ever after. Or not? Every dark secret will be revealed with each passing day. In what you thought to be a beautiful tomorrow, will reveal a morning with...