Prologue

15 2 0
                                    

Bawat galaw ko maingat, hindi pwede makagawa ng ingay. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam pano ako makakalabas sa bahay na to.

Pa ika ika akong naglakad palabas ng kwarto, dahan dahan lng ako baka may makarinig sakin, kailangan ko mahanap mga kasama kung meron pang natitira sa kanila.  Kung alam ko lang ganito mangyayari hindi na Sana ako sumama, hindi ko sana mararanasan ganito na parang hayop na hinahunting.

Napahinto ako agad ng makarinig ako ng iyak mula sa isang kwarto di kalayuan sa pinaglabasan ko kanina, dahan dahan ko itong nilapitan, bawat hakbang ko mas lalong pang lumalakas ang pag iyak niya. Maingat ko pinihit ang doorknob ng makalapit na ako sa pinto. Nag dadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba buksan to o aalis na lng nagbabakasali ako isa sa mga kasama ko ang nasa loob ng kwartong ito. Kinakabahan man ituloy ko pa din.

Nang pabuksan ko may nakita akong isang babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nilapitan ko ito, nagulat ako ng bigla siyang humarap sakin, napayakap na lng ako bigla sa tuwa na isa siya sa mga kasama ko. Lumayo ako sa kanya ng konti para maharap ko ito.

"Wag kang maingay, baka marinig niya tayo" pabulong ko sabi. Pinunasan ko mga luhang dumadaloy sa kanya pisnge.

"Sa likod mo" nakatingin siya sa likod ko. Hindi mawala wala ang tingin niya sa likod ko, kita ko ang takot sa mga mata niya, nag sisimula na naman siyang umiyak. Naguguluhan ako kung bakit siya nagkakaganyan kaya minabuti kong tignan Kung ano ang tinutukoy niya.

Pero huli ng makailag ako nahampas na ako ng matigas na bagay sa ulo.

------

This is a work of fiction, names, places, characters and incidents are either products of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual events or persons, living or dead, is entirely coincidental.

The gameWhere stories live. Discover now