Simula

171 22 24
                                    

Legazpi Series #1

All characters in this story are purely the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, places, companies, or events is purely coincidental and unintended."


Chosen Heart
@t.eenatangi

Date started: July 20, 2024

-----


After a storm, there will be a rainbow.

A mediocre quote but I really do believe in that, after all of our problems, there will be good things.

"Daddy! Daddy! Daddy! Look, oh, a beautiful butterfly!"

Napangiti akong nakatingin sa anak ko. Kay ganda n'ya sobra... Manang-mana sa kan'yang ina. Kakatwang isipin na ako ang nagpagod pero ni wala man lang nakuha sa akin.

Napakagandang bata.

"Daddy, Mommy Lola said that it's my Mom po," medyo bulol ngunit marahang saad nito habang nakangiti.

Napangiti na lamang ako, masyadong bilib sa lola kaya naman mabilis mapaniwala.

I don't want to burst her bubble that's why I didn't even disagree on what she is saying. Ayoko masira ang saya ng anak ko. Sa maliit na dahilan na lamang s'ya nasaya, hindi ko na iyong pa hahadlangan.

"Baby, say bye to Mommy na. We'll go home na bago pa umulan."

Tinignan ako nito gamit ang tila nalulungkot na mata. Parang ano mang oras ay tutulo ang mga luha roon.

"Mommy, bye bye. I will miss you po. We will come back maybe two days after. Mommy are you still sleepy? Please wake up na po, I love you," tuloy-tuloy na usal ng anak ko bago tuluyang nag-bye sa kan'yang ina.

Ako naman ay nag-squat at umupo upang hawakan ang lapidang nasa harapan ko. "Love, una na kami. Babalik kami at paniguradong bukas ay miss ka na ng anak mo."

Iniwan namin ang bulaklak na dala namin bago kami tuluyang umalis. Habang paandar ang kotse ay naroon pa rin sa puntod ng ina n'ya nakatutok ang mata ng aking anak.

No one will take your place, I love you.

🌙

Chosen Heart
2024

Chosen Heart Where stories live. Discover now