Samantha's POV
Kanina pa ako nabibwisit sa lalaking to sa harap ko,nagpupumilit makita si boss e wala naman syang appointment nakakastress!
"Kaylangan ko ngang makausap ang boss mo"mahinahon nyang tugon.
"Bingi ka ba?!"kanina pa amp.
"Hindi nga pwede!wala kang naka schedule na meeting."lumakad nalang ako paalis dahil sumasakit na ang ulo ko sa kakadaldal nya.Buti naman at hindi nako sinundan di tulad kanina tsk.Dumiretso ako sa office ni Boss para ibigay yung mga dapat nyang pirmahan.
Calderon corp. ang pangalan nitong pinagtatrabahuhan ko,pag aari raw ito ng pamilya ng boss ko so sa madaling salita sobrang yaman nila.Jeric ang pangalan ni boss Jericson Calderon to be exact,hindi ko ngalang alam kung anong purpose nitong corporation e mukha lang namang araw araw naghahakot ng empliyado si boss,puro meeting at business proposal.
Kumatok ako ng mga ilang beses bago ko narinig na sumigaw si boss ng pasok,naka pangalumbaba sya sa harap ng laptop mukhang busy.malamang boss e.
"Uhm,boss eto na yung mga pipirmahan nyo."sabay abot ng mga folder na kanina kopa hawak.
"Asan na yung lalaki?"tanong nya habang binubuklat ang mga folder.
"Lalaki ho?"yung kris lang naman ang lalaki na nagpupumulit makita si boss,pisti talaga wala kasing naka sched!
"S-si Kris Velasquez ho ba?"napababa nalang ako ng tingin sa hiya.
"Yes Kris Benedict Velasquez"sabi nya habang nilalaro nya ang ballpen sa mesa.
"Hindi ko pinapasok"wala nakong pake kung walakong galang,bakit?!lolo ko ba sya?
"He's my friend!"nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sakin"Why didn't you let him in my office huh?"nahilot nya ang sintido malamang sa inis.
"Because he doesn't have an appointment?"inosenteng sagot ko.totoo naman,walang appointment yung blue eyes na yon.
"Damn it just get out!"sigaw nya sakin kaya napaatras ako.inamo!magreresign nako!charot.
Paglabas ko ng office ni boss ay sya namang salubong nung Kris,nakapamulsa at feeling gusto ng lahat tsk.
"So did he introduce me to you?"nakangisi pa ang animal habang sinusuklay ng mga daliri ang itim nyang buhok.
"Tse!pumasok kana don naiirita ako sayo!"singhal ko sa mismong pagmumukha nya.
"Tss,are you on your period?"nalaki ang mata ko sa sinabi nya ang animal nakangisi pa!
"Hindi no!"gustong gusto ko na talaga syang hampasin ng folder.Feeling gwapo nakakabwisit!Halata namang manloloko!
"Tabi!Ang laki mong harang!"umiling iling sya saka tumabi kahit malaki pa ang space.
Habang naglalakad ako papunta sa office ko ay napansin kong pinagtitinginan ako.May patakip takip pa sila ng bibig habang tumitingin sa likod ko.ano ba kasing meron?!
-Miss...
"Miss may tagos ka."napatigil ako sa narinig ko.puta?!
Nillingon ko ang likuran ko at meron nga!Putanginang life bakit ngayon pa!Kaya siguro kumukulo ang dugo ko sa bwisit na yon dahil dito.
Dali-dali kong tinakpan ng folder na hawak ko ang likuran ko saka dali daling pumunta sa rest room."Nakakainis!bakit ngayon pa?!"iritang irita nako sa kakakusot ng fitted skirt na to.Buti nalang at lagi akong may dalang extra kung sakaling may mga emergency tulad nito.
Ng matapos ay bumalik ako sa office ko para iligpit ang skirt at bumalik sa trabaho,mas maikli ngalang ang suot ko ngayon ewan ko bakit ba ito ang dala ko.
"Ms.Gordo"napalingon ako sa babaeng nasa pinto,ano kayang kelangan?Sumadya pa talaga dito e pwede namang tumawag.
"Yes?"mukhang ito yung babae sa information desk.
"May naghahanap po sa inyo"sakin?at sino naman?
"Sino?"
"Venelope Smith daw ho."
"Ay,sige papasukin mo."sumilip sya sa labas saka may sinenyasan na pumasok.
Pumasok naman si Venelope sa office na akala moy sarili nya itong bahay."Sup sy?"tanong nya sakin habang inilalapag sa table ko ang isang paper bag.
Inirapan ko nalang sya at naupo sa swivel chair ko."Bakit ka andito?"tanong ko habang inaayos ang mga folder na nagkalat sa ibabaw ng table.
"Im your bestie,bawal bumisita?"naka dekwatro pa habang iniinom ang kape na laman nung paper bag.Kinuha korin ang isa pang kape at uminom."So what happened?bakit parang inis na inis ka?"tanong nya sakin habang pasimpleng pinapakialaman ang mga gamit ko.
"Sy,stop that!"nagkabit balikat ako.Pano banaman kasi ang ayos ng gamit ko tapos papakialaman.
Huminto naman sya at tumingin sakin ng deretso.
"What's with that grumpy attitude of yours?"nakakibit balikat sya habang tinitingnan ako ng nakataas ang isang kilay.
"Bwanang dalaw lang"sagot ko at isinandal ang likod sa upuan.
Ganto lang ang gawain ko araw -araw,magbibigay ng folders,iiinform si boss sa mga meetings saka pupunta dito sa office para maghintay ng mga tawag ng kung sino sinong negusyante.
"Alam mo sy may nakita akong lalaki kanina blue eyes sya omg"sabi naman nitong si Venelope na kinikilig pa.tsk iyo nalang.
"Alam mo sy walakong pake,tsaka yun bang blue eyes na black hair na yon?HAHAAHAHA mygod sy."tatawa tawa ako habang sya naman ay naguguluhan.hahaha.
"Why?What's with him?"nagtataka nyang tanong sakin.
"Impakto yon,biruin mo naubos oras ko dahil sa kakasunod nya sakin!"napa 'oh' naman tong si Venelope."Why?May gusto sayo?"tanong nya at napahalakhak ako,yun?may gusto tse!
"Wala HAHAAHA,tsaka kung may gusto yon saken basted na yon."napatango tango naman si gaga.
"So ano nga?"nakangisi sya ng nakakaloko habang excite na excite na nakaharap sakin.
"So ganto."tinuloy tuloy ko hanggang sa maikwento ko yung nangyare maliban don sa kahihiyan ko kanina.Duh kahit kaibigan ko to e ayokong magsabi ng nakakahiya pagtatawan ako nitong epal nato.
"Seriouly?Feeling gwapo talaga yon?"tumango ako para maniwala talaga sya.Kahit naman hindi ganon yung blue eyes na yon e feeling ko ganon yon impakto!
Patuloy na lumipas ang oras at nagpasya naring umalis si Venelope dahil may date daw sya at ako?patuloy lang ako sa pagsagot ng mga tawag,may nagpapasabing pupunta daw at alam ni boss yung iba ay meeting para sa proposal.
Inabot ko ng 6pm na aya namang lagi kong uwi,tulad ng dati ay qala nakong ibang pinupuntahan pagkatapos ng trabaho,deretso bahay na ang uwi ko.
-Hi mga kagaga so eto na ang chapter 2!o ayan ha wag hahayaang magkatagos para iwas kahihiyan!charot.See you sa next chapter luv u all!!
YOU ARE READING
That one true love
Romanceshe's always being left behind no apologizes,no goodbyes .That's why she never believe in love. Samantha is a hot headed woman and a strict sister,she hates boys who likes her,specially her father who left them for another woman.But suddenly her lif...