:)

13 2 0
                                    

"Shimmie, anong order mo?", tanong sakin ni Nicole habang nakatingin sa menu sa taas.


"Hmm, ano 'bang iyo?", tanong ko rin. Nakapila kami ngayon sa isang fastfood chain malapit sa trabaho namin.


"Tsk. Tinanong kita tapos tatanungin mo rin ako? Uusad tayo niyan sis.", kunot noo niyang sagot.


"Sabi 'ko naman kasi sa'yo wala pa 'kong gana. Tinitignan ko pa lang yung menu, feel ko bloated na 'ko.", ngumuso pa 'ko.


"Oy, babaita. Baka nakakalimutan mong isang oras lang ang lunch break natin kada araw? So, kailan ka pa kakain kung di kita pinilit ngayon? Mamaya 'pang out? Alas-sais pa ng gabi?"


Umabante kami at kami na ang susunod na oorder.


"Hay, nakakainis naman kasi. Feeling ko dahil sa puyat ko to eh. Umaga ko na kaya natapos yung monthly sales report. Hindi ko na nga nacheck! Baka kung anu-ano na pala nalagay ko don. Tsk, para 'kong nanghihina na ewan."


"Hi! Welcome to Jollibee! Can I get your order?", bungad ng nakangiting cashier samin.


Pagkaorder ay hinintay muna namin ito sa claiming station at umupo na sa pandalawahang table. Umorder siya ng 1pc chicken w/ spaghetti habang burger & fries lang ang sakin.


"Uy, nga pala Nics! Totoo ba talagang magreretire na si Mam Olivia?", tanong ko habang sinisimulan na ang pagkain.


"Shimmie, retired na! Last week pa! Papalitan na nga siya bukas nung bunso niya as CEO, tapos ikaw ang alam mo future tense pa?", sabay irap pa niya habang tumatawa.


"Alam mo teka nga. Ba't ba parang ang taray mo ngayon ha? Ako 'tong masama pakiramdam pero sinamahan pa rin kita, ikaw pa 'tong bitchesa!", pagtataray ko rin.


"Kasi naman!" sabay gulo pa niya sa buhok niya na parang nauubusan na ng pasensya. "Ako inutusan ni Sir Oglipo na mag-tour sa bagong CEO bukas sa buong kumpanya! Like, hello? Nasa job description ko ba maging tour guide? Tska off ko bukas noh!"


"Like, hello rin Nics? Ba't ka nagrereklamo eh di ba nagvovolunteer ka naman talaga 'pag may mga ganyang opportunity sa work? Sabi mo para makilala ka nila agad. Sabi mo pa, connections, connections, connections!"


"Oo nga. Kaso ibang usapan yung bukas."


"Huh? Bakit? Masungit daw ba ?"


"Aba, malay ko. Tska wala namang kaso yon eh kahit nga anak pa siya ng sama ng loob. Ms. Congeniality ata toh.", pagyayabang niya na totoo rin naman.


"Edi anong problema?"


"I mean. Hmm....m-may gagawin kasi ako bukas." sabay iwas pa niya ng tingin na parang nahihiya.


"Oh-my-gahd ka Nicole! Date ba yan?! DATE?!!" pinanlakihan ko pa siya ng mata. Hindi siya tumingin sakin at tinuloy lang ang pag-ubos ng pagkain. "Bakla ka! Hindi ka nagsasabi ah! Pero sige. Sanay naman na 'ko sayo. Nagpapakilala ka lang naman sakin ng lalaki mo 'pag sinagot mo na. So, nanliligaw?" pangungulit ko.


"Hmm...mag-1 year na siguro." sagot niya habang tinatabi ang pinagkainan niya.


"Isang taon?! Ang tagal na pala ba't di mo pa sinasagot?! Ganda ka?" inangat ko pa baba niya na agad naman niyang tinapik.


"Gusto ko naman na. Duda lang kasi ako nung una baka di naman talaga siya seryoso. Feeling mo ba dapat ko na 'tong ipush to the next level?", seryoso niyang tanong.


Ring for A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon