Papaalis pa lamang kami ng court ng bigla akong hatakin ni Aril sa isang gilid
"Ano ba? Bakit mo ako hinatak?" Iritableng sabi ko kay Aril
"Nahihibang ka na ba Elyse? May practice pa kaya tayo" mataray na sabi Aril
"Eh sasabay lang naman 'yung tao eh" katwiran ko
"Ehem" nagulat kami nang biglang may umubo sa gilid
"Oy andyan ka pala" sabi ko kay kuyang number 9
"Kung may pupuntahan pa kayo willing akong sumama" nakangiting sabi niya
"Talaga?!" Nakangiting tanong ko
"Oo naman" sagot niya
"Ano ba Elyse mahiya ka naman" sabi sa 'kin ni Aril
"Pumayag naman siya tsaka 'di ko naman pinilit 'no" sabi ko
"Huwag kang mag alala ok lang naman sa 'kin na samahan kayo" sabi ni kuyang number 9
"Ay oo nga pala kanina pa tayo mag kausap pero hindi ko pa rin alam pangalan mo" sabi ko
"Ah oo nga pala 'no. Ako nga pala si Joshua" sabi niya at nilahad ang kamay niya
"Ako naman si Elyse at ito naman ang kaibigan kong si Aril" sabi ko at tinangap ang kamay niya
"Ah pwede na ba tayong umalis kasi sobrang late na kami sa practice namin" singit ni Aril
"Ah sure" sabi ni Joshua at sabay sabay kaming nag lakad palabas
"Mabuti pang sumakay na lang kayo sa motor ko para mas mabilis kayong makapunta sa practice n'yo" sabi ni Joshua
"Wow may motor ka?" Manghang tanong ko
"Oo" sagot ni Joshua
"Tara Aril sakay na tayo" sabi ko
"Ah huwag na nakakahiya naman" sabi ni Aril
"Wag kayong mag alala maayos akong mag drive at may lisensya ako" sabi ni Joshua kaya wala na kaming nagawa ni Aril kung hindi sumakay na lang
~•~•~•~
"Mabuti naman at pumunta pa kayong dalawa. Asaan na 'yung mga gamit na kailangan?" Bungad sa amin ng leader namin
"A-ah eh" nasabi ko na lang
"Asaan?!" Sigaw sa amin ng leader namin
Mag sasalita pa sana ako nang may mag salita sa likuran ko
'Si Joshua'
Nauna kasi kami sa kanya dahil nag hanap pa siya kung saan pwedeng mag parada ng motor
"Hello miss ikaw ba ang napakagandang leader netong girlfriend ko? Alam ko naman mabait ka kaya alam ko din na hindi ka na magagalit sa kanya" sabi ni Joshua sa leader namin at ngumiti pa
"Hoy ano bang pinag sasabi mo?" bulong ko sa kanya
"Don't worry I know what Im doing. Trust me BABY" bulong niya sa 'kin at kumindat. Grabe emphasized pa talaga 'yung baby ah
"A-ah hindi naman talaga ako galit sa kanya natutuwa pa nga ako dahil wala 'yung cartolina na pinabili ko at dahil doon may naisip akong mas magandang gawin" plastik na sabi ng leader namin. Mukhang nadala sa alindog ni Joshua,my loves
"Talaga? Hindi ka galit?" paninigurado ni Aril
"Ano ka ba Aril syempre hindi" nakangiting sabi ng leader namin habang nakatingin kay Joshua
"Ano bang pwede naming maitulong diyan?" Tanong ko
"Ah mag drawing kayo ng malaking puno at gupitin n'yo" sabi ng leader namin kaya agad naman kaming sumunod ni Aril at umupo sa isang tabi
"Pwede bang tumulong?" Tanong ni Joshua habang nag dradrawing ako
"Ah huwag na baka pagod ka sa laro mo kanina" pag tangi ko
"Ok lang hindi naman ako napagod dahil nandoon ka" sabi niya at ngumiti
'KyaaAaaaa' kung pwede ko lang isigaw 'yung kilig ko,nako pati mga natutulog na bangkay magigising dahil sa ingay ko
"Kamusta na pala 'yung paa mo? Nalalakad mo na ba ng maayos?" Tanong ko
"Oo,naagapan naman 'to kanina akala ko nga 'di na 'ko makakapag laro pero dahil sa ginawa mo pinilit ko talagang mag laro para sa 'yo baby" sabi niya at ngumisi
"T-tama ba ang narinig ko o sadyang nabibingi lang ako?" Gulat na tanong ko
"HAHAHA yes baby,hindi ka nabibingi gusto mo bang ulit ulitin ko pa?" Tanong niya
"WhaaAaaa Aril! Aril! Nanaginip na naman ata ako" sabi ko habang tumatakbo papunta kay Aril
"HAHAHA you're not dreaming" nagulat ako nang mag salita si Joshua sa likuran ko
"Hindi ako nanaginip? Hala baka nabibingi na 'ko!!" Sigaw ko
"Listen Elyse my baby,you're not dreaming and you're not deaf because its really happening" nakangiting sabi ni Joshua
"Talaga?" Paninigurado ko
"Oo Elyse tanga mo talaga 'no? Alam mo bang planado lahat ng 'to simula sa pag punta natin sa court at pag turo ko sa kanya habang nag lalaro dahil alam ko namang magugustuhan mo siya. Galing kong umarte 'no?" sabi ni Aril
"H-how?" Gulat na tanong ko
"Dati pa 'ko may gusto sa 'yo Elyse" sabi ni Joshua na ikinagulat ko
"Dati? Eh kanina lang tayo nag kita ah" sabi ko
"You're wrong. Matagal na kitang pinag mamasdan mula sa malayo simula ng pumunta ako sa bahay nila Aril at 'yun 'yung araw na nakita kita,kinaibigan ko si Aril para lang mapalapit sa 'yo,napag bintangan pa nga 'ko ng kuya niya na may gusto sa kanya pero napaliwanag ko din naman agad na ikaw ang pakay ko ay hindi si Aril"
Naalala ko dati noong nasa bahay ako nila Aril madaming basketball player ang pumunta doon dahil kaibigan iyon ng mga kuya niya pero hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa pag gawa ng project
"I don't know what to say...." gulat na sabi ko
"You don't need to say something you just need to love me. Will you be my girlfriend?" sabi ni Joshua at ngumiti
Imbis na sumagot ay niyakap ko siya
"Ibig sabihin ba neto ay oo" tanong niya habang nakayakap pa din ako
"HAHAHA oo na nga" sabi ko at kumalas sa pag kakayakap
"Parang pilit naman eh" nakangusong sabi niya
"HAHAHA huwag ka ngang gumanyan boyfriend na kita kaya huwag kang makulit ok" sabi ko
"Yes mam!" Sabi niya at nag salute pa
YOU ARE READING
One Game, To Win Her Heart
Short StorySa buhay ng tao hindi natin maiiwasan na mag isip tungkol sa magiging kasintahan natin pero paano kung 'yung taong nakatakda sa iyo ay matagal ka ng kilala ngunit hindi mo naman siya kilala? Gusto mo bang malaman kung paano? Saan? Bakit? Kailan? Kun...