Chapter 38

6.7K 280 48
                                    

Sabrina's POV


Akala niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila, pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin-dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis. Kpag naman na sa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak.

Katulad na lang ngayon na sa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V.

gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na siya sa mga anak dahil parang kinalimutan na siya ng mga ito. Dati naman parang Hindi mabubuhay ang mga ito ng wala siya pero ngayon ni hindi na ata siya naaalala.

Mga balimbing! - Maktol niya. Tamad na tumayo siya ng marinig ang pag-doorbell. Nilingon niya ang kusina, walang divider kaya kita niya busy ang mag-aama sa island counter. Bumuntong-hininga muna siya bago patamad na tumayo at tinungo ang pintuan.

"Yes?" tanong niya sa babaeng mukhang Christmas tree. Nakasuot ito ng green na dress na may lasong pula sa baywang. May suot-suot din itong kuwintas na iba-iba ang design at hugis. Nakasuot ito ng pulang high heels pero halos magpantay lang sila. Sa tantya niya nasa 5 flat or 5'1 lang ito. Bilugan ang mukha. Bilugan din ang mga mata. Matangos na ilong at manipis na labi. All in all ayos naman kaya lang... Sa kapal ng make-up nito mapapaisip ka kung babae ba ito o binabae.

"Sab?" parang gulat na gulat naman ang babaeng kaharap niya.

Nangunot ang noo niya dahil kilala siya nito. "Kilala mo'ko?" nakataas ang kilay na tanong niya dito.

"Of course!" anito at inirapan pa siya. Feeling ka teh? - mabigat na kaagad ang loob niya dito. "Don't tell me hindi mo'ko kilala?" nakataas ang kilay na tanong nito. Infairness maganda ang kilay ng hitad.

"Do I have to?" mataray din na sagot niya. Aba kapag ganitong masama ang loob niya kahit sintu-sinto papatulan niya.

"Ria!" ani ni Gab sa likuran niya. "Come in!" Ito pa ang nagluwag ng pinto para makapasok ng tuluyan ang babaeng tinawag nitong Ria.

"Excuse me," ani ng tinawag ni Gab na Ria sabay bunggo sa balikat niya at lumapit kay Gab.

"Aba't!" Inis na nilingon niya ang mga ito.

"Nagkita na pala kayo ni Sab... " dinig niyang sabi ni Gab do'n sa Ria. Hawak-hawak pa ni Gabin sa siko ang hitad at inakay papunta sa kitchen.

Nanggigil na hinagis niya ang pinto pasara. Wala siyang pakialam kung napalingon ang mga ito sa kanya. Gusto niya manakit! Manampal ng babaeng mukhang christmas. Nagmartsa siya pasunod sa kitchen. Nakakaamoy siya ng malandi at dapat na bakuran niya si Gab. Wala siyang tiwala sa buwisita nila.

Nakita niyang binebeso ng babae ang mga anak niya maliban kay Leticia na nagsisigaw ng 'mumu' nang tangkaing lapitan ng babae. Napangiti siya ng lihim. Minsan may pakinabang pala ang bunso niya.

"'Wag mo ngang takutin ang anak ko!" aniya saka tinabig ito at kinarga si Leticia.

Tumayo ng ayos si Ria mula sa pagkakadukhang nito sa anak niya kanina. Matamis na ngumuti ito at nagpapungay pa ng mga mata kay Gabin. "Di sana'y sa maganda ang anak mo," anito na tinawanan naman ni Gab.

"Sira," ani pa ni Gab na parang tuwang-tuwa sa babae. "Tara na nga muna sa office ko--"

"Bakit?!" malakas na tanong niya na ikinakunot ng noo ni Gab.

"May pag-uuspan kami," sagot ni Gab. Naningkit naman ang mga mata niya lalo na ng ngisihan siya ni Ria at mag-flip pa ng buhok na akala mo ikinaganda nito.

"Bakit di na lang kayo sa sala mag-usap?" aniya. Madiin. Gigil. Nagbabanta.

Pero mukhang hindi naman pansin ni Gabin iyon. "Importante ang pag-uusapan namin. Ikaw nang tumingin sa menudo, paluto na 'yan," anito at tumalikod na saka giniya ang babae papunta sa office nito na nasa ibaba ng hagdan.

"Wait!" ani ng babae at nilingon siya. "Hindi mo ko talaga nakilala no?" tanong nito sa kanya.

Tinignan niya ito ng masama. "Di kasi ako nakikipagkilala sa mga may pahid sa utak," sarkastikong aniya dito. Kiber niya ba kung bisita ito ni Gab.

"Uy, kapal ng mukha mo, sa ating magpipinsan mas may pahid utak niyo ni Erika noh!" nakasamangot na anito saka siya inirapan.

Napanganga naman siya sa sinabi nito. Magpipinsan? Napasinghap siya. Naalala na niya kung sino ito. "May pa Ria, Ria ka pa e, Maria Magdalene ka naman!" pahabol na sigaw niya dito. Lumingon ito sa kanya at nag dirty finger. Natatawang inakbayan ito ni Gab at ginulo ang buhok. Agad na nakaramdam siya ng selos sa ginawang iyon ni Gab. Inis na napapadyak siya.

Lintik na Maria na 'yon! Hanggang ngayon hitad pa rin. Pinsan niya sa father side si Maria. At sa lahat ng pinsan niya dito siya pinaka asar na asar bukod kasi sa natural na tsismosa sobrang bida-bida pa.

Paano kaya ito nakilala ni Gabino? At mukhang close pa ang dalawa.

"Nay, bakit sumama sa mumu si Tatay?" tanong ni Leticia sa kanya.

"Ewan ko, nak... Nabagok ata ang Tatay niyo," wala sa loob na sagot niya.

FOURTY FIVE minutes and thirty two seconds na pero hindi pa rin lumalabas ang dalawa sa opisina ni Gabin sa ibaba. Kanina niya pa gusting-gustong kalabugin ang pinto pero nagpigil siya. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa harap ng mga anak niya. Kahit pa kating-kati na siyang malaman kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob, o nag-uusap lang ba talaga?

Baka mamaya inaahas na ng pinsan niya si Gab! Mukha pa namang tuwang-tuwa sa pinsan niya si Gabin.

Lintik ka talagang Gabino ka!

Pinauna na niyang kumain ang mga bata pagkatapos ay dinala ang mga ito sa kuwarto ng kambal para maglaro ng video games. Nagpabili kasi ng x-box si Gavin kay Gab. Nang malibang ang mga anak bumaba siya uli. Nakasalubong niya si Gab sa hagdan.

"Kumain na ba kayo?" tanong nito sa kanya.

Hindi siya sumagot at humalumipkip lang. Huminto naman si Gab eksakto sa harap niya.

"Oh, bakit nakasimangot ka?" anito sa kanya.

"Wala!" mataray na aniya.

Namaywang naman ito at halatang pinipigil ang ngiti. "Uy jelling yung ale," tukso nito sa kanya.

Ramdam naman niya ang pagkapahiya at pag-init ng pisngi niya dahil sa sinabi nito.

"A-Ang kapal ng mukha mo!" inis na tinalikuran niya ito. Bumalik siya paakyat at dumiretso sa dating kuwarto nila ni Leticia. Sumunod naman si Gab na nakangisi sa kanya. Ni-lock nito ang pinto saka lumapit sa kanya.

Agad na dinaluhong siya nito sa kama kaya naman napasigaw siya sa gulat. "Gab, ano ba!" sita niya dito pero napangiwi siya dahil nagtunog daing iyon, mukha siyang nagpapabebe.

"Busy ang mga bata..." ani ni Gab sabay halik sa leeg niya.

"Ano naman," aniya kunwaring tinulak si Gab palayo sa kanya.

Malakas na natawa si Gabin. "Ang pabebe mo," natatawang anito. Niyakap siya nito at pinihit para siya ang mapunta sa ibabaw. Tinapik nito ang baywang niya. "Galaw-galaw habang busy ang mga bata," anito na pilyong nakangiti at nagtaas baba pa ang kilay.

Napakagat-labi siya, dama niya kasi ang pagkalalaki nito sa manipis na cotton short niya. "Eehh... Bilisan lang natin ha..." mahinang aniya.

Napahagalpak ng tawa ang loko. "Gusto rin," anito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon