Chapter 17

158 62 3
                                    

Chapter 17
Break

One week. That long, hindi ko siya nakita, hindi siya tumawag o mag-text manlang, hindi na niya ako sinusundo at pinupuntahan sa apartment ko. Hindi ko alam kung umalis na ba siya o ano? Wala akong balita sa kanya.

Umiyak ako ng umiyak pagkaalis niya sa bahay. Hindi na rin ako makapag-isip ng matino. Para na akong zombie maglakad. Even my team noticed my sudden action.

"Congrats Jules!" Bati ko matapos manalo sa basketball kanina. As promised, I watched their game. Binibiro pa siya ng mga kaibigan niya na dahil saakin kaya sila nanalo. Inamin niya na inspired siya these past few days, may nililigawan siya at sakin niya lang sinabi.

"Thanks for watching, Haven!"

"We're going to celebrate,Haven. Gusto sana kitang i-invite." Si Grey, teammate ni Julius.

"Naku Grey! Taken na 'yan si Haven. Wala ka ng pag-asa!" Biro sa kanya ng iba.

"May boyfriend ka na nga ba, Haven?" nakiusyoso narin ang iba pa nilang kasama.

"Wala. Saka, hindi iyan ang priority ko." Sabi ko nalang.

Nagpaalam na ako sa kanila at sinabing hindi ko pa alam kung makakasama ba ako. Masyadong occupied ni Kier ang utak ko at hindi ko alam kung mage-enjoy ba ako doon, wala naman akong kakilala bukod sa kanila.

"H-haven?" Napalingon ako sa babaeng tumawag saakin. She's tall and beautiful. May cut sa gilid ng labi niya at mukha siyang basagulera.

"Y-yes?" I asked her.

Gulat na gulat siya nang makita ako. Do I know her?

"You're...here." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. She extended her arms to me. "I'm Rielle...Marrielle Yllana Sereno." Pagpapakilala niya saakin.

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. "Haven Agu-"

"Del Valle." Biglang kong nabitawan ang kamay niya dahil sa gulat. How? Paano niya ako nakilala? "I know you but no need to worry, pareho tayong dayo dito." Umalis na siya pagkatapos.

Lumayo na rin ako at naguguluhan pa rin.

Nakasalubong ko si Max. Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa makalabas na ako ng campus. Hindi pa kami nagkakaayos, at ayoko munang makausap siya. Hindi naman ako galit, pero baka mapag-usapan nanaman namin ang tungkol kay Kier, kaya huwag na muna ngayon.

Papara na sana ako ng jeep nang mahagip ng mata ko ang pamilyar na Raptor na nakaparada sa di kalayuan. Araw-araw ko iyon napapansin doon pero hinahayaan ko lang. I got curious so I walk towards the car at hindi nga ako nagkamali. Sa malayo pa lang, kita ko na na si Kier iyon. Nakapatong ang siko niya sa bintana ng kotse at ang isa naman ay hinihilot ang sintido niya. He looked problematic.

Hindi na ako nagpaalam, pumasok ako kaagad. Nagulat siya. He's wearing black shirt and maong pants,his eyes were so weary, he looked tired. But he's still so handsome! Parang hindi siya natutulog. Naninibago ako sa nakikita ko sa kanya ngayon. I wanna hug him tight and I wanna kiss him hard. I missed him so much! Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip na nahihirapan at nasasaktan na siya sa nangyayari saamin.

Lumapit siya saakin at aambang hahalikan ako but I tilted my head so he only kissed my cheek. Gusto kong umiyak!n nanghihina ako! What the hell Kier!bakit ba ang hina-hina ko pagdating sayo?

"Bakit ka pa nandito? Akala ko bumalik ka na ng Maynila?" Matapang ko siyang tiningnan pero hindi ko kaya, kaya tumingin nalang ako sa unahan.

"Please, Haven. We already talked about that and I'm not leaving." Seryosong sabi niya at pinaandar na ang sasakyan.

"So,mas gusto mong maapektuhan ang relasyon natin? Why are you so stubborn and hard headed, Kier? Stop acting like a child! Hindi mo ba napapansin? Napapagod na ako sa kakakumbinsi sayo!"

"Then stop convincing me." As simple as that Kier? Bakit hindi niya ba naiintindihan? Para rin naman ito sa kanya! Kailangan siya ng pamilya niya!ano pa ba ang dapat kong gawin?

"You know what? I'm done with this. I've tried and tried and now...I give up!" I didn't mean to say that but if that's the only way to make him leave, I will do it.

Hindi siya nagsalita. Umiigting ang panga niya pati narin ang pagkakahawak niya sa manibela, madiin, dahil sa galit. Hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit. At natatakot ako.

"Stop the car, Kier." Utos ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. I took a deep breath. "I said stop the car!" Sumigaw na ako para matauhan siya.

Hindi niya pa sana ititigil nang binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at aambang lalabas na kahit umaandar ito.

"Fuck! Haven!" Malutong niyang mura.

Naglakad na ako pero hinigit ni Kier ang braso ko.

"Haven, ano bang nangyayari sayo? Pwede naman natin itong pag-usapan! Huwag ganito,baby...please." He pleaded.

"Let me go Kier! Hindi mo ako naiintindihan!" Sigaw ko sa kanya. I pushed him away from me. "Sometimes, walking away is the best for everyone, Kier. I don't think we can settle this. Umuwi ka na at bumalik ng Maynila. Hindi kita kailangan dito!"

"You're lying. Look at me, Haven! Sabihin mo na hindi totoo 'yan lahat! Please let's talk. Huwag kang sumigaw, baby. Hindi natin maayos ito." Pagmamakaawa niya.

I am scared. I'm scared of looking at you,Kier, because if I do, the more I fall in love with you at mahihirapan akong bawiin iyon. It’s funny how I still love him but I need to stop needing him like I used to.

"Please, Haven...don't do this. Kaya ko naman ayusin 'yon, bigyan mo lang ako ng panahon. Mahal kita kaya ayaw kong umalis-"

"Mahal, Kier? Hindi 'yan pagmamahal! That's selfishness! You're selfish!"

"Yes! I'm selfish! I just don't want to let you go and I can't live without you! Ayoko, Haven. Do you understand? Hindi ko kaya!" Nakita kong pumikit siya ng mariin na para bang ayaw niyang sabihin ang susunod but in the end, he did. "No need to love me, Haven...just...just trust me." Then he muttered a hard curse.

Pilit kong hinahawi ang kamay niya sa pagkakahawak saakin. "Some days I can't stop thinking about you, Kier." Mahinahon na sabi ko sa kanya. "But the other days, I wonder why I waste my time."

Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko. Hirap na hirap akong sabihin 'yon! Ayoko na!Tama na!sabi ko noon, kaya ko at handa ako sa kahit anumang problemang dumating saamin,hindi ko naman alam na ganito katindi.

"Because every breath I take, proves that I can live without you." Tumakbo na ako papasok at nagkulong sa kuwarto.

Life is so confusing, what we want, we don’t get, what we get, we are not satisfied, and what we expect, never happens.

Don't worry, Haven. At the end of the day, everything will remain the same.

Pero tama ba ang ginawa ko? I just gave up on us that easy when he's still fighting for what is right for us?

My phone beeped and it was from Kier. I immediately open the message. Umiyak at nanghina na ako ng tuluyan dahil sa nabasa.

Kier:
"If you're willing to chase me, Haven, I promise to run slow."

Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)Where stories live. Discover now