Chapter 27
Job"Ayos ka lang, Miss Haven?"
Hindi na ako bumalik pa sa restaurant dahil sa inis. Lumabas ako ng hotel at tumungo sa maliit na kubo na nakita. Sinundan ako ni Neman at may dala pa siyang bulak at alcohol. Hindi ko namalayan na nasugatan na pala ang kamay ko no'ng nabasag na baso. At dahil sa inis,mariin ang pagkakahawak ko no'n kaya bumaon sa kamay ko. Maliit lang naman pero masakit.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit habang ginagamot ako ni Neman. Ganoon pala 'yon,hindi ka makakaramdam ng sakit kapag galit ka. Mararamdaman mo lang 'yon kapag na-realize mo na sa huli kung ano o sino ang nanakit sayo. Lalo na kung importante sa buhay mo.
Kier is important to me but I don't miss him. I miss who I thought he was.
"Ayos ka lang ba, Miss Haven?" Tanong niya saakin at binibendahan na ang kamay ko.
"Oo naman. Malayo sa bituka." Nakangiting sabi ko para hindi na siya mag-alala.
"Mukha nga, ni hindi ka nga uma-aray o umiilag manlang sa bawat dampi ng alcohol sa kamay mo."
"Thanks, Nem. Hindi ko naramdaman na nasugatan na pala ako. Salamat sa paggagamot."
"Ayos lang. Happy to serve, Miss Haven."
"Drop that formality, Nem. Just call me Haven."
Nagpaalam na siya saakin dahil may trabaho pa siyang gagawin. Babalik nalang daw siya mamaya kapag tapos na.
Tumayo ako at naglakad-lakad para pawiin ang inis na nararamdaman hanggang sa napalayo na pala ako sa resort. I suddenly realize that I'm now in front of the beach. I saw a variety of seashells and corals in the seashore. With its crystal clear waters, fine white sand,and cool wind and gentle sound of the waves makes me calm. I also saw fishing boats scattered that seem to have become part of the landscape as well as kids and teens swimming far from me.
I remove my shoes and my shirt leaving only my brassiere and jeans. Tumapak ako sa tubig at naramdaman agad ang lamig no'n. I already conquered my trauma. Hindi na ako natatakot ngayon. Humapdi rin ang sugat ko sa kamay pero binalewala ko nalang hanggang sa umabot na sa leeg ko ang tubig.
Naalala ko na hindi naman ganito kaganda ang Puro Island sa probinsya na pinanggalingan ko,mas nakakaangat pa rin 'yon para saakin. Naalala ko rin ang mga kaibigan na naiwan, hindi ako nakapagpaalam sa kanila dahil biglaan ang alis ko. Kumusta na kaya sila? Matagal na akong walang balita doon dahil sa kagustuhan ko na rin na huwag nang magbalita pa saakin si Ninong. Hindi na rin ako makatawag sa kanya o kay Tito Vince dahil mahirap hanapin ang signal doon. Kung minsan naman, sila nalang ang tumatawag saakin, nangangamusta pero hindi ko na tinatanong ang tungkol sa ibang bagay.
I missed them! Kailan kaya ako makakauwi doon?
Inabot na ako ng gabi ng hindi ko namalayan. Umahon na ako sa tubig at nagulat nang may humila saakin.
"What do you think you're doing, woman?! Magpapakamatay ka ba?!" Nilayo ako ni Kier sa dagat at pinulupot saakin ang puting tuwalya.
"Haven!" Lumayo ako sa kanya at tinawag niya ako dahil bumalik ako sa pampang para kunin ang damit ko. "What happened to your hand?"
I remained silent but that doesn't mean I quit, it simply means that I don’t want to argue with people who just don’t want to understand. Makitid pa naman ang utak niya.
Hinayaan ko lang siya na dumada ng dumada. Ayoko ng makipagtalo baka hindi ko mapigilan ang bibig ko at may masabi nanaman akong masama. Sumunod siya saakin pabalik sa resort nang hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi rin naman niya ako maiintindihan at wala akong pakialam kung maintindihan niya man ako o hindi. If he can't understand my silence, he'll never understand my words.
"Haven, talk to me...please."
"Oo na, babalik na ako sa trabaho. May ipapagawa ka ba?"
"I don't fucking care about that, Haven! Paano kung nalunod ka?"
"Stop acting like you care!"
"But I do! I do fucking care, Haven! Damn it!"
Alright. You do care, but not like what you always do in the past. Hindi na rin naman ako umaasa.
I took a deep breath. "Ayos lang ako, Kier. See? Hindi ako napano, hindi ako nalunod dahil marunong na akong lumangoy kung 'yon ang inaalala mo. Sige na, bumalik ka na doon kay Grizzy." sabi ko.
"Pinauwi ko na siya." Okay. So, ano pa ang ginagawa mo dito? Dapat sinamahan mo 'yon. Baka mapano. "Mag-usap tayo." Halos pabulong niyang sabi.
"Ano bang sasabihin mo? May trabaho pa ako—"
"It's not your job to clean that fucking pool or mop the whole fucking hotel or print whatever that fucking shit, Haven!" Malulutong na mura ang pinakawalan niya habang tinuturo ang loob ng resort.
Matapang ko siyang hinarap.
"Then what? What the hell I'm still doing here when I don't know what my job is?" Bakit niya pa ako pinapunta dito kung wala naman pala akong trabaho?
Then fine! Sa kanya na itong buong hotel,tutal siya naman ang bumili. Nagsasayang lang naman ako ng laway sa pakikipagtalo sa walang kwentang lalaking tulad niya!
"Your job is to just stay in my fucking room and rest! Just fucking sit there and stay away from danger! Your job is to stop making me worry, Haven! That's your job!" Halos mapaatras na ako sa gulat dahil sa mga sinabi niya.
Ilang minuto rin akong natiglan pero nakabawi naman agad. Binalewala ko ang mga tinuran niya.
"Tapos ka na? Uuwi na ako." Sabi ko at tinalikuran na siya.
Sumunod naman siya saakin palabas ng resort.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na, kaya ko." Naghintay ako ng taxi pero hindi pa rin siya umaalis. Siya na rin ang pumara ng dumaang taxi. Pumasok na ako kaagad at binayaran niya ang driver. Aapela pa sana ako pero baka magtalo nanaman kami.
"Babalik ka pa ba dito bukas?" Malumanay na tanong niya saakin bago ko pa maisara ang pinto. Bakit Kier? Ayaw mo na ba akong magtrabaho dito,o marahil, makita pa? "I'll wait, Haven." Pinal niyang sabi at umandar na ang sasakyan.
Naligo kaagad ako pagkauwi. Pinatuyo ang buhok bago sumalampak sa kama. Iniisip ang mga salitang binitiwan ni Kier kanina. Kumalabog ang puso ko na parang nasa isang karera ako.
"I'll wait, Haven." Babalik pa ba ako doon?pero wala naman akong trabaho—oh! I forgot! May trabaho na pala ako, 'yon ay ang i-babysit siya.
"Your job is to just stay in my fucking room and rest! Just fucking sit there and stay away from danger! Your job is to stop making me worry, Haven! That's your job!" Isa nanaman ba 'yan sa mga paraan niya para saktan ako? Dinadala niya ako sa mga mabulalak niyang mga salita para mahulog ulit ako sa kanya.
That's not going to happen, Kier. If this is one of your trap to get even, and to get rid of me, then so be it. I won't fall for your shits again, anyway! Humanda ka na Kier! I won't let you hurt me again.
YOU ARE READING
Lies of the Heart (La Tierra de Conde Series#1)
RomanceLA TIERRA DE CONDE SERIES Series 1 Lies of the Heart SYNOPSIS "Better slapped with the truth than kissed with a lie." Haven Alexis del Valle, a girl living with a saunter life, smitten with luxury goods, always looking for a good night life in the l...