Maganda ang pagsasamahan naming tatlo. Lagi kaming mag kakasama tuwing break or lunch, minsan sabay kaming umuuwi. Masaya silang kasama. Lakas ng mga trip nila kung saan saan kami napupunta dahil kay Mariah.
"Guys, mauna na ako baka pag galitan pa ako ni maam, alam niyo naman 'yon matanda na at mabilis magalit." Amp haha! Pero tama naman siya, mabilis magalit si Maam Flores. Ito talagang Mariah kahit kailan talaga.
"Sige na, malapit na rin mag bell."
"Bye guys, kita kits mamayang break time." Sigaw niya habang tumatakbo siya palayo.
Kaming dalawa ni Kendric ang naiwan. Mag kaklase naman kami kaya sabay na kami pumunta ng class.
"Let's go?" Tumango lang ako.
Lahat sila nakatingin sa akin. Ay sa amin pala. Oo, aaminin ko gwapo si Kendric pero bakit ganyan sila makatingin sa akin.
May narinig akong mga nagbubulungan.
" Ang kapal rin talaga ng babaeng 'yan."
"Akala mo naman ang ganda ganda."
"Ew mukha siyang ewan, bakit ba kasama niya si Kendric."
"'Di sila bagay ew."
"Mukha siyang bacteria."
Natawa ako sa mga nasabi nila. Ako? bacteria? Mygosh excuse me, mukha naman siyang virus. Nakatingin silang lahat sa akin kaya naiisipan ko silang pagselosin since alam ko naman na may gusto sila sa unggoy na 'to.
Hinawakan ko kamay niya. Natawa ako sa reaction niya gulat na gulat.
"Hey! anong ginagawa mo?" bulong niya.
"Nakikita mo 'yang mga babaeng nakatingin sa atin? Pinapaselos ko lang sila."
"Ahy stupid ka." Natawa nalang kami. Sinabayan niya naman trip ko. Kumawala siya sa pag hawak ng kamay ko at inakbayan ako. Nagulat ako, 'di ko inaasahan na gagawin niya 'yon.
"Hoy sungit! anong ginagawa mo?"
"Sinasabayan ko lang trip mo, 'wag ka mag isip ng kung ano diyan ulol."
Nakarating na kami sa room hindi niya parin inaalis 'yong kamay niya. Hinayaan ko nalang, nakatingin ang buong section sa amin. Lalo na si Katrina. Natawa na lang ako.
"Anong funny?" tanong niya.
"Kase kanina ka pa nakaakbay sa 'kin tol."
"A-ay di ko napansin pre." Sira ulo 'to.
Ang sama ng tingin sa 'kin ni Kat kaya naisipan kong akbayan si Kendric.
"What are you doing nanaman?"
"Ang sama ng tingin sa 'kin ni Kat. Mukhang nag seselos tol." Tumawa siya.
"I know right, mukhang dragon. It's like umuusok na 'yong ears at nose niya." Sabi niya habang tumatawa. Loko pal 'to.
"By the way, nahanap mo na 'yong girl na sinasabi mo?" Ngayon naging seryoso mukha niya. Nakakatakot rin minsan 'to.
He sighed. "I looked for her. I found out nasa states na siya." Mukhang malungkot siya ilibre ko nalang ng ice cream mamaya ngingiti rin 'to.
"Oy! 'wag ng malungkot diyan. Sayang kapogihan mo ulol." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama ko siya. Parang ba masasabi ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng lungkot at problema parang kaya ko sabihin sa kanya. I'm really happy that I met him.
"'Yan bagay sa'yo naka ngiti kaya wag ng malungkot."
"Thank you Sierra. Thank you for staying by my side." Napangiti ako sa sinabi niya. May silbi na ba ako sa mundo? Ito na ba 'yon?
YOU ARE READING
A Journey with You
Fiksi RemajaKendric Myles Cruz who lives in a big city. He is conyo, he is kind of spoiled, handsome, charming and everyone likes him. Being the naughty boy he is his parents decided for him to continue his studies in the province. Sierra Micaela Reyes who live...