Mahangin, maaliwalas, at tahimik. Hindi ako makapaniwalang halos walang ipinagbago ang lugar na 'to.
Limang taon na ang nakalipas mula ng huli akong nakapunta dito. Masiyado akong naging abala sa pag-abot ng pangarap ko kaya hindi na ako nakapaglibang pa ng ayos tuwing libre ang oras ko.
Ngayon, masasabi ko nang hindi pala lahat ng pangarap ko ay naabot ko. Ang tagal na nating di nagkita pero hanggang ngayon pinanghihinayangan pa din kita.
"Paano nangyare 'yon?" napabuntong-hininga na lang ako ng wala sa oras dahil sa sarili kong tanong. Ang dami dami kong tanong sa isip pero alam ko namang wala ng tsansa itong masagot."Mama! Uwi na tayo, please..." sabi ni Hanna habang nagpapa-cute.
"Hehe, ang cute-cute mo talaga." Pinisil ko pa ng maigi ang kanyang pisngi.
"Let's go!" Masigla kong sabi at nginitian niya naman ako bilang sagot. Naglakad kaming magkahawak ang kamay at patalon-talon ng slight.
========
Sa kabilang banda...
========
Maliwanag ngunit presko sa pakiramdam ang araw na ito. Akala ko ay wala na akong dadatnan dito dahil matagal nang nababalita na gagawing establishment ang parte na ito ng lugar namin. Umihip ang hangin at nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Napatingin ako bigla sa mga ulap.
"Naaalala niya pa kaya itong araw na 'to?" Wala sa sarili kong tanong at prenteng inilagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket ko.
Lumipas na din ang ilang buwan simula nung makita kita ulit pero parang walang nagbago sa'yo. Kung litrato mo ang pag-uusapan ay wala naman ako nun, ngunit sa isip at puso ko'y napakadami. Malinaw iyon at may hatid na lungkot sa pakiramdam.
Sa huling pagkakataon ay naparito ako para sana makita siya. Ngunit mukhang limot na niya kung ano ang meron sa araw na 'to.
Malamang, may pamilya na siya. Kakasabi lang ng mga kaibigan mo kanina.Muli na naman akong napabuntong-hininga ng maalala ang balita. Siguro ay kuntento at masaya na siya ngayon kung nasaan man siya.
Get a life, Topin! Sigaw ko na ako lamang ang nakadinig.