Pagtingin

3 0 0
                                    

Naalala mo pa ba ? 
Nung una tayong magkita
sa ilalim ng punong narra
Doon nagsimula ang lahat, hindi ba ?
Sa kung paano kita titigan
"ANG GANDA" dalawang salita 
na lumabas saking bibig
nung mga oras na yon,
Gusto ko nalang mahulog sayo, este sa kinauupuan ko
Tila bumagal takbo ng oras
nang kausapin mo
Bigla na lamang may ngiting gumuhit sa'king bibig
Di mapakali sa kinauupuan
May kakaibang nadarama sa'king tiyan
Yung para bang - ay pota baka natatae lang
Nakakailang diba 
Simula nang makita ka
nagustuhan na kita
Walang partikular na dahilan kung bakit
Di ko naman hiling mahalin
Ang nais lang ay mapansin
tinatagong pagtingin
Dahil di na kaya sarili'y lokohin
Konting udyok ng barkada
baka maiuwi na kita samin
Pero di naman ako ganoon binibini 
Dahil sa mga oras na yon
mas nanaisin ko pang matulog,
Baka sakaling magkaroon pa ng tayo, este muta sa mata
Di ko na alam kung paano ito tatapusin 
Pero baka naman pwde tayong magumpisa sa simula
Kahit magkaibigan lang muna
sa susunod na magka-ibigan
Wala naman akong lakad, kaya di nagmamadali,
Handa naman maghintay gaano man katagal,
Matapos man ang buwan at taon,
Wala man itong patunguhan ay ayos lang
Atleast kahit papaano nakilala't naialay ko itong tula sayo
Dahil ito pa lamang ang kaya kong ibigay sa ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon