"T," mahinang sabi ni Precious sa sarili habang nakasalumbaba sa desk ng kwarto. "Anong gagawin ko sa T?". Alam nya na kung ano ang unang letrang gustong sabihin ng matambok nyang bunganga. At alam nya na rin kung kanino nya ito gustong sabihin, ngunit hindi pa buo.
Magdamag syang nag-isip ng kahit na anong salita na nag-uumpisa sa letrang "T" pero hindi nya pa rin maarok kung ano ang salitang ito.
"Tigang? Baka tigang lang ako kay Bartolomeo," tanong nya sa sarili. "Matangkad naman si Bartolomeo. May itsura rin paminsan-minsan sa ibang anggulo."
"The One..." nagulat bigla si Pres sa kakornihang naisip, "The One! Baka yun na yun," pero hindi. Alam nyang hindi pa rin iyon ang salitang gustong buuin ng bibig nya.
***
Hanggang isang beses, sa PE grounds. Wala ulit ang Prof nila sa Volleyball. Nilapitan ni Bartolomeo si Precious. Nagtaka si Pres kasi nakatitig lang si Meo sa kanya. Parang may gustong sabihin. Bago pa man tanungin ni Precious kung anong kailangan ni Bartolomeo ay agad na itong nagsalita.
"T," bigkas ni Meo.
"Ano?" pagtataka ni Pres.
"T." paglilinaw ni Meo.
"T?"
"T!"
"Anong T?"
"Hindi ko alam?! T! Basta T!" puno rin ng pagdududa ang mukha ni Meo.
Hindi na makaimik sa taka si Precious. Isang tingin pa ang binigay ni Meo sa kanya bago ito tuluyang umalis.
Agad naman syang pinigilan ni Pres, "Teka lang, teka lang. Anong 'T'? Anong ibig mong sabihin?"
Napalingon si Meo at napabuntong-hininga bago tuluyang umupo sa sahig ng PE grounds. Sinamahan na rin sya ni Precious sa pagkaka-upo. Halatang malalim ang iniisip ni Meo, "Pasensya, akala ko kung sasabihin ko sayo yun, matatanggal na 'tong nararamdaman ko sa bibig ko."
Nanlaki ang maliliit na mata ni Precious nang sabihin iyon ni Meo. Natawa na lang sya bigla nang marahan sa natuklasan. "Nangyayari lang ba sa bibig mo yan kapag malapit na ako sayo?"
Tuminging nagtataka si Meo kay Pres, "O...Oo..."
"Parang kakaiba yung pakiramdam? Yung parang may gusto kang sabihing word pero hindi mo masabi? Yung parang nasa dulo na ng dila mo e hindi mo pa rin masabi at di mo pa rin alam kung ano yun? Yung naduduwal-duwal ka na, ayaw pa ring lumabas nung salita sa bibig mo?" patanong na paliwanag ni Pres.
"Powsanggala, Presi, ba't mo alam?!" hindi makapaniwala ang buong kalamnan ni Bartolomeo na may pahawak-hawak pa sa ulo na mukang nabubuang.
Hinawakan ni Pres ang magkabilaang balikat ni Meo sabay yugyug nito, "Nangyayari rin sakin 'yan Bartolomeo!"
Matutuwa na sana si Meo nang naisip nyang baka binibiro lang sya ni Pres, "Presi kung sinasakyan mo lang ako 'wag ha. Seryoso tong kapansanan ko. Hindi to biro, Pres."
"Seryoso rin naman sakin to e," tinanggal ni Precious ang pagkakahawak sa balikat ni Meo. "Atsaka sigurado ka bang kapansanan nga 'tong nararamdaman ng mga bibig natin? Ha?"
"Malay. Hindi ko alam. Minsan nakakairita na rin. Una ko 'tong naramdaman noong highschool pa 'ko. Lumakas lang lalo nung una tayong nagkita dun sa Student affairs office."
Mas lalo pang namangha si Precious. Ganoon na ganoon din ang nangyari sa kanya. "Kung alam na natin na para sa isa't isa yung salitang gustong buuin ng mga bibig natin, ano naman kaya yung salitang yun?
Napatungo na lang si Meo, mas lumalim ang iniisip na sinabayan ng malalim na paghinga, "Di ko rin alam. Ang alam ko may kasunod pang mga letra 'tong "T". Kakaiba pa rin yung pakiramdam ng dila ko. Alam ko may kasunod pa," tumingin si Meo kay Pres, "At hindi ko alam kung para sayo nga tong salitang to. At di ko pa alam kung totoo nga yang sinasabi mo na nararamdaman mo rin to o baka jinojoke mo lang ako."
"Tch-Tch-Tcharagis kang bata ka. Totoo nga 'to! Nararamdaman ko rin 'yan," inis ni Precious.
Nakaisip ng paraan si Meo para makasigurado kung totoo nga ba ang sinasabi ni Pres, "Sige sige. Ganito, kapag nalaman na natin yung susunod na letra sa 'T', Sabihin natin sa isa't isa, pero isusulat natin sa papel yung letrang yun na hindi nakikita ng isa't isa kung ano mang isinulat natin. Tapos sabay nating ipapakita sa isa't isa. Para makasiguro talaga ako na 'di ka nagbibiro."
"Praning ka rin e no? Di ko masyadong gets yung sinabi mo,"
"Ano? Game?" tanong ni Meo.
Napabuntong-hininga na lang si Precious, "Bahala na. Sige, Game."
BINABASA MO ANG
TALAHAMIK
Romansa[ with ILLUSTRATIONS ] "Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya. ...