Kabanata 3

3.5K 82 3
                                    

[Allele's POV]

Hindi mawala sa isipan ko kung ano ang nangyari kanina. Gusto kong magwala dahil mali naman talaga ang ginawa ko. Mabuti na lamang at mabait ang kanyang boss at napakiusapan nito ang kaibigan nito pero ang OA kasi naman talaga ng reaksyon ng customer na iyon. Hindi lang naman siya ang nag-iisang stress sa buhay niya. Maraming tao sa paligid niya ang halos gumapang na maiahon lang ang sariling buhay sa hukay.

Nasa waiting shed ako ngayon malapit sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Naghihintay ako ng masasakyan para makapunta sa gas station na papasukan niya.

"Bakit ba naman kasi umuulan?" saad ko sa sarili. Medyo malakas ang patak ng ulan at bihira ang pagdaan ng sasakyan sa kinatatayuan ko.

Nagulat ako ng biglang magring ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot ng hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?" medyo inis kong sagot.

"Galit ka?" sagot ng tumatawag at napangiti naman ako sa boses ng katawagan niya.

"Hindi. Nabadtrip lang kasi umuulan." sagot ko at natawa naman ang lalaking gumambala pa lalo ng mood niya.

"Nakikita nga kita dito." napalinga-linga ako dahil sa sinambit nito.

"Kung may gusto ka sakin Icarus sabihin mo lang." biro ko at tumawa ng bahagya.

"Hindi kita type." natawa naman ako sa mabilisang sagot ng kaibigan.

"Parang awa mo na lumabas ka na sa pinagtataguan mo at ihatid mo ko. Patay na naman ako sa boss ko nito kapag nalate ako."

Kung si Dominic ay mabait kong amo, ang amo ko naman sa gas station ay pawang kontrabida sa buhay niya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang pakikitungo ng amo niya sa kanya.

Napangiti naman ako ng magpark sa harapan ko ang sasakyan ni Icarus. Ibinaba nito ang bintana at nginisihan ako. Nirolyo ko ang mata ko at agad na binuksan ang payong ko at sumakay sa sasakyan ng kaibigan.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko ng makasakay na ako.

"Pauwi na samin. Dito daan ko diba." tumango ako at inayos ang seatbelt sa katawan ko. "Buti naabutan kita diyan kung hindi basang sisiw ka diyan."

"Salamat." hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpasalamat kay Icarus. Isa siyang malaking tulong para sa akin.

"May kapalit yan." napasimangot ako bigla. Sumulyap siya sa akin at ginulo ang buhok ko habang tumatawa.

"Nakalimutan kong lahat ng tulong mo sa akin laging may kapalit." sagot niya.

"Grabe ka naman. Yayayain lang kita sa Sabado." sabi nito at tiningnan naman ko naman ito.

"Kung idedate mo ko, hindi ako interesado." natawa ako ng marinig ang mahinang mura ng kaibigan. "Saan ba tayo pupunta?"

"You need to relax a bit." napakunot ang noo ko sa sinambit nito. May bigla akong naalala sa sinambit ni Icarus at parang may nag-alarm sa utak ko at tanggihan ang offer ng kaibigan.

"Wala akong oras sa mga gimik mo, Icarus." sagot ko at napabuntong hininga ito. Sabi ko na nga ba ay isasama ako nito sa weekend bar hopping niya eh. Naging bisyo na kasi ito ni Icarus simula ng magkolehiyo sila. Hindi naman masama dahil tuwing weekend lang naman ito gumigimik pero ayaw ko ng ganon.

"Samahan mo lang ako." pamimilit nito.

"May trabaho ako non." palusot ako at tiningnan naman niya ako ng masama.

"Half day ka lang sa coffee shop at wala kang shift sa gas station ng araw na yon, Allele." nakalimutan niyang matalik na kaibigan niya nga pala si Icarus.

Innocent Rose (One Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon