Umangat ang araw at lumubog ang buwan. Dali-daliang pumasok si Precious kinabuksan. Alam na ng bibig nya kung ano ang sumunod na letra. Sinipat-sipat nya ang dinaraanan at baka sakaling magkasalisihan sila ni Bartlomeo.
Ilang minuto lang nasa silid aralan na sya, may mga kaklase na sya roon pero si Meo'y wala pa. Sumigaw nang patanong si Precious sa mga kaklase, "Si Bartolomeo? Nakita nyo?" Ngunit nagkibit-balikat lang ang mga ito.
Kumaripas patakbo sa corridor ang dalaga. Muntik nang matanggal ang panali sa buhok nya. Meo nasaan ka na ba? Please lang magpakita ka na.
Alam na ni Precious na nasa eskwelahan na si Meo dahil ito mismo ang sabi ng binata sa text nya kaninang umaga. Alam na rin ni Meo ang pangalawang letra, ayaw nya lang na sa text o chat nila sabihin sa isa't isa. Maarte ang loko, gusto personal.
Kakaiba ang nararamdaman ni Pres, excitement na parang nanunuot sa mga buto-buto nya. Kakaibang pakiramdam kasabay ng nagwawalang letra sa bibig. Kabado, sabik, kilig. Halo-halo na ang nararamdaman ng katawan ni Precious habang tumatak—
*BLHAAG!*
Hindi napansin ni Precious, ang tangkad kasi. Papaliko sya sa isang hallway nang mabangga nya si Bartolomeo. Hindi rin siguro sya nakita kaagad ni Meo dahil di hamak na mas maliit sya rito.
Napaatras silang pareho para aninagin kung sino ang nabangga ng isa't isa. Ilang sandaling tingin ang binigay nila bago tuluyang bumunot ng kahit na anong masusulatan sa bag.
Nabunot ni Meo ang notebook nya sabay buklat nito. Nakuha naman ni Pres ang yellow pad sabay sulat din dito. Isa pang tingin ang binigay nila sa isa't isa bago nila tuluyang ipakita ang kung ano mang iginuhit nilang letra.
"A" Ang parehong sinulat ni Pres at Meo sa notebook at yellow pad.
Natawa na lang si Meo. Ngayon alam nya nang hindi talaga nagsisinungaling si Precious.
"Naniniwala ka na ba?" nakangiting asar ni Pres.
"Oo na."
"O, libre mo na ako."
Nagtaka si Meo, "May ganun ba tayong pustahan?"
Ngumiti lang si Precious na parang naglalambing. Hindi na umalma si Bartolomeo. Minsan nya lang din namang ililibre si Precious, napag-isip-isip nya.
BINABASA MO ANG
TALAHAMIK
Romance[ with ILLUSTRATIONS ] "Dinapuan ng kakaibang kapansanan si Pres. May kakaibang sensasyon s'yang nararamdaman sa labi n'ya. 'Yung para bang may gusto s'yang sabihing salita na bigla na lang n'yang nakalimutan at nasa kadulu-duluhan na ng dila niya. ...