" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER NINETEEN
"Totoo ba 'yan Lucas anak? Nagawa kang ipagkanulo ni Mary Grace?" Hindi makapaniwalang ani Mrs Ramos.
Dahil hindi pa rin makahuma sa shock ay tanging tango na lamang din ang naisagot niya sa ina.
"Diyos ko! Ano bang nangyari sa batang iyun at biglang nagkaganon?" Napaantadang wika ng ina.
Totoo naman kasing hindi kapani-paniwalang nagawa iyun ni Mary Grace lalo at anak ito ng butihing pastor sa lugar nila. Kilala din sa pagkadebosyunada ang malamig nang bangkay na dalaga kaya't mahirap pa ring paniwalaan na wala na ito. Kung hindi lang siguri niya nakita ang bangkay nito'y baka pati siya'y hindi maniniwalang wala na ito.
"Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan ako sa kanya---"
"Ay bossing huwag mong sabihin iyan dahil ilang ulit mo na siyang kinausap ng maayos pero nagpursige pa rin siya sa paglapit sa iyo. Sorry to say this bossing pero alam kong narinig niya ang usapan ninyo ni miss Rennie noon sa tabing-dagat at iyun ang isinumbong niya sa Mr Natividad na iyun. Tama hindi maganda ang pagsisinungaling ninyo ni miss Rennie pero sana'y inunawa din niya ito kaso hindi dahil gumawa siya ng hakbang na hindi man lang niya pinag-isipan. Again wala kang kasalanan sa sinapit ni Mary Grace." Mahaba-habang putol at pahayag ni Valdez.
Out of the blue!
"Tama ang buntot mo bunso. Inaamin kong naiinggit ako sa tapang at tatag ng loob mo dahil nagagawa mo ang hindi namin kayang gawin ni kuya. It's too embarrassing but it's included how you answered our parents. Even when it comes to woman like Mary Grace although you dislike her that much. But you must accept the fact it's not your fault so if you don't want that the woman you love too will be in danger get up man go and follow her to their place and accompany her in punishing the suspect. Huwag mo kaming alalahanin dahil nakapalibot na ang mga tauhan ng kaibigan mo dito sa bahay." Sang-ayun naman ni Amos.
Kaya naman ay nag-isang dereksyun ang paningin nila lalo at bihira din naman kasi itong magsalita ng gano'n.
"Oh don't look at me like that everyone. Alam ko namang ang paborito mong sasakyan ay nawawala kuno pero ang totoo niyan ay ginamit ni miss kapre according to you. Kung ayaw mong ako ang manliligaw sa kanya'y ligawan mo na aba'y---"
"Shut up! Don't say nonsense if you want a good relationship with me! Kahit kuya kita kung ang babaing mahal ko'y papatusin mo'y hindi kita uurungan kuya Amos bear that in your mind!" Malakas na pamumutol niya(Lucas) sa pananalita ng kapatid.
Sinong hindi mag-iinit? What a hell! Liligawan daw nito ang kapre niya? No way!
"Aba'y saan ka pupunta niyan bossing? Wala si HONEY(sasakyang ginamit ni kapre)----"
At kung pinutol niya ang pananalita ng kapatid niya'y gano'n din ang ginawa niya sa personal servant niya.
"Hindi lang ako ang aalis kundi tayong dalawa. Ikaw ang nakakaalam sa tahanan nila kapre I'm sure nandoon si HONEY. Move no bago pa magsangga ang landas nila ng satanas na iyun." Aniya saka iniwan ang mga magulang kasama ang kuya Amos at personal servant niya.
Tuloy!
Hindi na niya nakita mapanuksong tingin ng apat.
"Ewan ko sa alaga mo Valdez basta pagdating kay miss Rennie ayaw na ayaw ang binibiro. Well maganda si miss Rennie hindi iyan maipagkakamali pero hanggang kapatid lang ang pagtingin ko sa kanya lalo at wala namang ibang babae dito bukod kay mama at mga kasambahay. Kung si Mary Grace sana'y puwedi pa kaso head over heels naman sa alaga mo. Sundan mo na siya baka magtapon na naman ng tantrums iyun." Nakatawang ani Amos sa binatang si Valdez.
BINABASA MO ANG
TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)
Fiksi UmumDrama, general fiction with romance that will lead you to mix emotions