CHAPTER 5: SECRET PLAN

180 12 7
                                    

Third Persons POV

Kaba-kabang nilapitan ni Pipe ang pintuan na may sakmal na walis upang pang-protekta sakaling masamang tao ang nangangalabog dito.

Marahan niyang ibinuskad ang tatangnan ng pinto at nang pinalagan na ng taong nasa kabilang panig ang pintuan, iniladlad na niya ito at kapagdakang pinagpapalo ng nakapinid ang mga mata.

"Ano ba!" sigaw nang lalaking iniinda ang hampas na dumadapo sa kanya, "Ako 'to!" pagsaklot sa pulso ng nakapikit na naging dahilan ng kanyang pagdilat.

"Keith?!" kabiglaanang iwinika ni Pipe, "Anyare sa'yo?" tinanong pagkayari ng ginawa.

"Nasipa na nga ako tapos pinaghahampas mo pa ako." mahigpit na hawak sa kanyang tiyan.

"Sino—"

"Mahabang kwento." pagputol ng nagulpi sa pagaalala ng kaibigan, "Dalhin mo nalang ako sa kwarto ko."

Inalalayan niya si Keith papunta sa kaniyang silid.

Matapos 'non, nagligpit na ng tatlo ang pinagkalatan at kaniya-kaniya na ding nagsipuntahan sa sariling kwarto.

Kinabukasan, pagkatapos na pagkatapos ng klase, dumiretso na si Pipe kasama ang mga kaibigan patungong Freedroom para sa unang pagpupulong ng Free Community. 

Alas quattro emedya na ng hapon at unti-unti ng napupuno ang silid. Kitang-kita ang aliwalas sa mukha ni Pipe nang makitang lumakad papasok ng malawak na silid si Yna.

"Okay ka na ba?" pagtapik sa balikat ng kaibigan.

"Para saan pang naging kaibigan kita kung hindi kita susuportahan." kalmadong sagot ni Yna.

Hindi inakala ni Pipe na ganoon kadami ang malugod na tumanggap at sumangg-ayon sa proyektong ginawa lang para sa kanya ng isang lalaking akala niyang masama at siraulo.

Wala siyang ideya kung anong plano niya dito. Ngunit ang malinaw lang sa kanya ngayon ay tinulungan siya nitong makalusot sa problemang nagawa.

Magsisimula na sanang magsalita si Pipe nang nabaling lahat ng atensiyon sa pagdating ng TI2, ang simpleng daan ay tila naging entablado ng rampahan sa gara nilang maglakad dala-dala ang nakakaakit na mga mukha. Perpekto na sana kung hindi lang matalisod ng sabay ang padaskul-daskol na kambal na sina Thick at Thin.

"Free afternoon everyone! Thank you for attending our first assembly here in our Freedroom. We're hoping for your endless support in this project." pormal na sinambit ni Pipe sa harapan ng mahigit-kumulang limangdaang estudyante na nakikinig sa kaniya.

Nang dahil sa kaniyang pormalidad  nagmukhang nakakainip ang pagpupulong. Mabuti na lamang talaga ay walang nagtangkang lumabas habang siya'y nagsasalita.

Nasa kalagitnaan na ang lider nang naudlot ito dahil may kumatok at nag-wikang ipinapatawag siya ng Dean sa kaniyang opisina.

Segundo pa lang simula ng lumabas si Pipe ay tumayo si Ibe at pumunta sa harapan.

"Hey man, girls o kahit ano ka man. As long as you can hear me, you're invited in the party tonight." anunsiyong nakapukaw sa pagka-inip ng lahat.

"Party? Where?" masiya-siyang tanong ni Keith.

"Here! Dito mismo sa Freedroom na'to." itinuro ang kinatatayuan.

Naghiyawan ang lahat ng dahil sa sigla at saya.

Nginuya ni Ibe sa huling sandali ang kaniyang chewing gum at ilinura sa piraso ng papel.

"Shhh!" pagpapakalma sa mga nagsasaya, "Magsama kayo whoever you want, it's a free room right? But... Don't tell this to Pipe yet 'cause we're suprising him later." sabay ngumisi sa kawalan nang—

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon