"Hay naku! Mga kalokohan mo nanaman ha?! Tara na! Gutom lang yan!" Pag-iba ko ng topic! Dinadaga at nilalanggam na kami sa bench na to no!
"Hahaha!!! Tara na nga!" Then hinawakan nya yung kamay ko at tumakbo sya! Hindi ganun ka bilisan...
"Halaaa!!! Uy tumigil ka nga! Hahahah!!!" Ang hyper naman nya! Hahaha!
"Okay, sit here... I'll just get some foods..." Owkiiee!! Hahaha!
Nakakainis sya! Kung kasalanan lang ang titigan yung ka m.u. mo, baka naging makasalanan na ako! Pati ba naman sa paglalakad eh mukhang model tong Da-Niel ko?! Hahaha!!!
"A-aah.. S-sige okay lang..."
Napalingon ako dun sa medyo na-uutal na boses na narinig ko...
"Kaya mo yan Ja-Mess! Hahah!" Nasa likod ko lang pala yung inuupuan nila dito.
"Uy! Nicole! Hahaha!" -Drew
"Hi Sis!!!!" Guess who? Tama!!! Si Angelica nga ang kasama nya... Anu ba yan?! Na-alok na nya't lahat, nauutal pa din sya?! Hayyysss #TorpeProblems
<Daniel's POV>
Hmmm.... Ano kayang pagkain ang pwede naming kainin? Tsk! Gusto ko talaga ng Chili Con Carne... Kaso bawal naman ako.. Muntanga lang... Tsk.
Ah alam ko na....
"One order of Chocolate Cake and 2 regular sized drinks..."
"What drinks sir?"
"Uhh, Iced-tea is enough..."
"Okay, wait sir." Tumango na lang ako...
Then ayun, dumating na yung order ko... Kinuha ko na yung tray at pumunta na ako sa upuan namin ng Baby ko...
"Sorry po kung medyo natagalan.."
"It's okay... Andito naman sila Andrew eh.." Andrew -_- Psh... Nasa tabi pala nya si Angelica at katapat nila si Nyel.
"Oh my gosh!!! Thank you Daaaa-nieeeeeeellll!!! CHOCOLATE CAKE!!! WOW! Kelan pa sila nagbebenta nito?"
"Matagal na... Simula nung pasukan pa.."
"Bat di ko alam?"
"Eh baka di tayo madalas kumain dito?"
"Pshh... Bat isa lang??" Hahhaha!! Kasi,
"Share tayo... Mahirap lang ako.."
"Suuuss! Mahirap? Eh kayo nga may-ari ng--" Sinubuan ko sya ng cake...
"Ssshhh.... Sarap diba??" Ipagkakalat pa eh! Hahaha!
"Mahirap daw.."
"Uy si Prince Daniel yun no??" -__-"
"Oo nga! hala! Pa-picture tayo!!!"
Prince Daniel -_-" Psh... Eto yung di ko maintindihan eh! Campus Royalties?! Sino namang reyna at hari nila? Unang una, fictional story yun.. Pangalawa, WALA NAMAN SILA SA UNITED KINGDOM! AT PANGATLO, HINDI AKO APO NI QUEEN ELIZABETH!!
*Poke*
Hayyysss... nakakalungkot naman... First POV ko pa naman to tapos parang badtrip na badtrip ako
"Hi po.." -Girl1 Lumingon ako dun sa kumalabit sakin...
"Pwede magpa-picture??" -Girl2 Tinignan ko si Nicole... Hayyss... Selos nanaman to... Bigla kasing tinitigan yung cake eh...
"Ask her.."
"Oh my! Si Miss A?!" -Girl1 Then tinuro nya si Angelica.. Ah oo nga pala. 'SIKAT' din sya... Anu ba yan.. Ang awkward gamitin ng word na 'sikat'! Ka-theater member ko din sya. Matagal na din kaming magkakilala. May sikreto kaming dalawa na iilang tao lang dito sa school ang may alam. Alam yun ni Nicole..
"Excuse me? Hindi sya. Etong nasa harap ko oh.." Tinuro ko si Nicole na naka-tungo.
"A-ah.. Oh... Sorry... Ahhh Miss...? Pwede bang magpapicture kay Prince Daniel?"
"Huh? A-ahh bat ako tinatanong nyo? Di naman kayo sakin magpapakuha.." Sus... For sure, ayaw nyan kaya pinasa sakin yung tanong...
"Uhmm... Maybe we'll do it later. Kakain lang muna kami."
Then hindi ko na hinintay yung sagot ng mga yun at hinawakan yung kamay ni Nicole.
"I'm sorry.." Nagulat sya sa ginawa ko..
"H-huh? No it's okay. Haha! Gwapo mo kasi eh.." Tsk... Hinawakan ko lang sya at lumabas kami... Tsk tsk tsk...
"Hala uy... San tayo pupunta?"
"Sa lugar na walang sagabal.."
"Huh?"
Dinala ko sya sa parking lot.
Binuksan ko yung sasakyan ko...
"Manong? Andyan na po ba?"
"Ah yes sir."
"Thanks.." Actually, dapat mamaya pang after class to eh... Kaso, hayaan nyo na!
"Uy... May klase pa.." -Nicole
"Mamaya pa namang 1 yun eh. Basta bawal umangal ang nagseselos.."
"Hala?! Nagseselos?! Hindi naman ako nagseselos dun sa mga lumapit kanina eh.."
BWAHAHAH!!!!
"Wala pa nga akong sinasabi eh! Hahahaha!!!!"
"Eh ano ba kasi yung sinasabi mo na nagseselos?"
"Sasabihin ko, basta umamin ka muna..."
"Tsk... Kasi naman eh... Lunch na nga lang ang oras natin, may mang-gugulo pa!"
"Sabi ko na eh.."
Ako nga pala si Daniel. At yun na lang. Tinatamad akong sabihin kung ano ako... Hahaha! Okay! Fine! Theater Member ako. I'm from a rich family. We're the owner of Jai-Knights Mall sa di kalayuan dito sa Bradford Academy. May shares din ang family ko sa school na to na punong puno ng bitches... Yes, I'm really annoyed with those twig bitches. I hate it when they call me Prince. Hindi naman ako naka nagdadamit ng pangprinsipe so bakit nila sinasabi yun? Sabi naman ni Nicole, Campus Heartthrob daw ako kaya Royalty ang turing sakin... Isa pa tong mukha na to eh... Kaya lang naman ako sumali sa theater club ay dahil nung first year kami dito, may contest na sinalihan yung section namin at sakin binigay yung lead role. Nanalo yung section namin at pinilit ako ni Sir Gerry na sumali sa club nya which is yung Theater club nga. Edi ayun, sumali ako. Kung ano anong photoshoot, short films at theater productions na ang pinagbidahan ko dahil kay Sir Jek (for short). I'm somehow thankful sa kanya kasi dahil din sa kanya naging commercial model din ako, pero kasi I can easily get embarrased by too much attention. Nakilala ko si Nicole nung first year din. Sa contest na yun. Sa ibang section sya kasali.
*flashback*
Takbo takbo.... Huff huff.... PASOK SA CR!!!
"Arrrgghhh!!! Sana kasi hindi na ko sumali eh!" Nakakainis talaga!
"KYAAA!!!! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN?! CR TO NG GIRLS OKAY?!" Huh?! Nagulat ako dun sa sumigaw. Naka-upo sya sa sahig. Sa may ilalim ng sink. Naka-costume sya...
"Excuse me? Blue ba ang tiles ng CR ng girls?" Napatingin sya sa paligid...
"KYYYAAA!!!! HALA!!!" Napansin ko ng pumiyok sya...
Umiiyak sya..
"Wait miss, are you crying?"
"Hindi ah! *Huff* Excuse nga!" -Sya. Pero nanginginig yung boses nya. Mahahalata mo naman.
"Lalabas ka?"
"Oo! Duuhh?"
"Okay sige... At nang mapahiya ka sa dami ng babaeng nasa labas ngayon." Hindi ba nya napapansin yung malakas na tilian sa labas? Napahinto sya...
"Tsk!" Umupo na lang sya sa may halaman na di kalayuan sa pinto at humagulgol ng iyak.
Lumapit ako sa pintuan at ini-lock yun.
"Mind to share?"
"EWAN KO SAYO! GALIT AKO SA SECTION NYO!"
"Huh?" Sa section namin? Bakit? Weird!
"Ng dahil sa inyo, natalo kami! Natalo yung pinaghirapan ko!"
*End of Chapter 1 [Part One]*