Ang Prinsesa ng mga Bituin

538 6 0
                                    

Masisilayan sa kalangitan ang paglabas ng mga nagniningning at nagkikislapang mga bituin tuwing sasapit  na ang gabi. Ito ay kumukuti-kutitap at tila inaaakit ang iyong mga mata sa tuwing sila ay iyong mapagmamasdan.

At si Stella, isang batang babae na mahilig sa mga bituin, ay  laging ikinukwento sa kanyang ina ang pagkislap at pagkinang nito mula sa kalangitan.

“Mama! tingnan nyo po ang daming bituin sa kalangitan! , sana ganyan din po kadami ang mga kaibigan ko” ang masaya ngunit malungkot na tinig ni Stella mula sa kanyang ina.

“Magiging ganyan kadami ang mga kaibigan mo kung magpapakabait ka at magiging totoo ka sa sarili mo Stella” sambit ng kanyang ina.

“Opo mama! Kaya po simula bukas magpapakabait na ako”

“Tama yan Stella, magpakabait ka dahil masarap magkaroon ng maraming kaibigan”

At kinabukasan, ihahatid si Stella ng kanyang ina mula sa kanyang paaralan, ngunit habang sila ay nasa kalsada nakita ni Stella ang isang matandang babae na gustong tumawid sa kabilang daanan ngunit masyado na itong mahina para makatawid mag-isa.

“Mama, kawawa naman po yung lola, pwede po ba natin siyang tulungan makatawid mula sa kabilang kalsada?” sambit ni Stella.

“O sige, tutulungan natin ang lola” nakangiting sabi ng kanyang ina.

Lumapit ang mag-ina sa matanda at dali-daling inalalayan ito upang makatawid sa kabilang kalsada. Nagalak ang matanda sa ginawa nilang pagtulong sa kanya. Agad naman itong nagpasalamat at ngumiti sa kanila.

“Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin, nawa’y pagpalain kayo ng Diyos sa inyong kabutihang nagawa” sambit ng matanda sa mag-ina.

At nakangiting sinabi ni Stella ang walang anuman sa matanda. Sinabi ng matanda na para siyang kumikislap na bituin dahil kay buti at napakadalisay ng kanyang kalooban kaya binigyan niya ito ng kendi bilang pasasalamat.

At nang makarating at maihatid ng kanyang ina si Stella sa kanyang paaralan ay agad na itong nagpaalam at sinabihang magpakabait siya katulad ng parating bilin sa kanya.

At sa loob ng klase, nagkaroon ng isang pangkalahatang gawain na may kinalaman sa kanya-kanyang imahinasyon. Bawat isa sa kanila ay dapat makapagbahagi sa klase na kung saan sumasalamin sa kanilang pagkatao.

Huling nagbahagi si Stella sa klase ng kanyang natatanging imahinasyon, nasabi niyang gusto niyang maging isang natatanging bituin na patuloy na kumiskilap at nagahahatid ng kasiyahan sa iba. Tuwang-tuwa ang kanyang mag-aaral sa kanya dahil sa kakaiba niyang imahinasyon at napakagandang ideya.

Sinabi ng kanyang guro na siya’y mismo ay isa ng bituin, na may natatanging pangarap at adhikain sa buhay. Lahat ay nagsaya at hinangad na makipagkaibigan sa kanya. At nang makauwi na siya sa kanilang bahay, dali-dali niyang ikinuwento sa kanyang ina ang mga nangyari.

“Mama! Napakasaya po pala talaga magkaroon ng mga kaibigan! Sinunod ko po ang payo ninyo na magpakatotoo at magpakabait. Ang dami ko po nanging kaibigan!” maligayang sambit ni Stella sa kanyang ina.

“Natutuwa ako para sayo Stella, isa ka ng napakaganda at nagniningning na bituin kagaya ng hinahangad mo” nakangiting sabi ng kanyang ina.

“Pero para po akong prinsesa ng mga bituin kung ituring ako ng mga kaibigan ko kanina! Nakakatuwa nga po at naibahagi ko po sa kanila ang kagandahan ng mga ito sa kalangitan”

At pagsapit ng gabi, sabay na pinagmasdan ng mag-ina ang kalangitan na puno ng mga bituin at sinabi ng kanyang ina na patuloy sana siyang maging mabait at makapagbahagi ng natatanging kasiyahan sa iba. At para sa kanya, si Stella ang natatangi niyang prinsesa ng mga bituin na hulog ng langit at napakagandang regalo mula sa Maykapal.

Ang Prinsesa ng mga BituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon