ELEVEN

496 18 1
                                    

GULAT na gulat si Mrs. de Guzman nang biglang dumating si Alex sa bahay nila. Kitang-kita nito ang bakas ng takot at pangamba sa mukha ng anak.

Hindi mapakali si Alex, sinusundan siya ng tingin ng ina habang palakad-lakad siya sa sala. May pagkakataong itataas niya ang mga kamay, ihahampas sa hangin, ilalagay sa beywang, at ilalagay sa mukha. Nahihilo na kakatingin sa ginagawa niya ang ina.

Kinakabahan siya. Natatakot. What will happen kapag makaharap niyang muli si Toni?

Twelve years. Twelve fucking years.

She really didn't have any idea how to react in front of her, or what she should do.

"Shit!"

"Language, Alex."

Napahinto siya.

"Sorry, Mom," pag-sorry niya bago muling naglakad-lakad.

"Alam mo, anak, nakarating ka na sana ng Divisoria sa kakalakad mo dito sa loob ng living room. At makakaabot ka na ng Mall of Asia kung di ka pa titigil. Maupo ka kaya muna at pag-usapan natin kung anuman yang bumabagabag sa'yo ngayon."

Sumunod siya sa ina. Naupo siya sa tabi nito, ngunit hindi siya nagsalita agad.

Ilang minutong katahimikan. Hinayaan din siya ng ina.

"Toni is back," aniya pagkaraan.

"I know. Dumalaw siya rito pagkakarating niya galing airport."

Nanlaki ang mga mata ni Alex at napatingin siya sa ina. "Hindi niyo man lang sinabi sa akin?"

"I thought mas mabuting siya ang susurpresa sa'yo kaya di kita tinawagan o itext para sabihing umuwi na siya. Ano ba kasi ang nangyari at ganyan ka na lang mag-drama ngayon?" paliwanag ng ina.

Napabuntung-hininga si Alex. "Kung di ko pa siya narinig sa programa sa radyo ng dati naming kaibigan, hindi ko malalaman na umuwi na pala siya," aniya.

"Hay naku, anak, antayin mo na lang na makauwi siya para makapag-usap kayo ng maayos. Teka lang at sisilipin ko kung nakauwi na sila."

Iniwan siya saglit ng ina sa sala. Lumabas ito sa terrace para silipin kung nakabukas na ang ilaw sa kabilang bahay.

Bigla siyang napatayo sa kinauupuan nang marinig ang sigaw ng ina. "Alex, I think nakauwi na sila!"

Ngunit hindi siya makagalaw. Nanatili siyang nakatayo.

"Alex," binalikan siya ng ina.

Napailing ito ng makita siya. "Sasamahan na kita kung gusto mo."

Umiling siya. "I think I can manage na, Mom," pag-sisinungaling niya.

Tumango ang ina ngunit hinila siya nito para makalabas na siya ng bahay. "Go, anak," anang ina bago nito isinara ang pinto.

Pakiramdam niya, ang bigat-bigat ng mga paa niya habang naglalakad palabas ng gate. Basang-basa na ang mga palad niya sa pawis sa sobrang kaba at takot. Or pananabik?

No. Bakit siya mananabik kung ang babae mismo ang unang nakalimot sa kanilang dalawa? Baka ito ay dahil sa galit. Inis. Tampo. Marahil dahil doon.

Nasa tapat na siya ng gate sa kabilang bahay nang bumukas ito.

"Alex," tawag sa kanya ng babaeng lumabas ng gate.

.
.
.
.
.
.
.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon