CHAPTER 8

8 5 0
                                    

"saglit lang,maiwan ko muna kayo diyan at mag c-cr muna ako"paalam ni ate na halata namang hindi totoo dahil nang-aasar nanaman yung ngiti niya.

"ate,huwag mo akong iwanan dito,balik nalang tayo sa room"naiiritang sabi ko.

"hay nako marisse,mamaya na pagbalik ko"tsaka siya dali-daling naglakad palayo.

parang ano naman 'tong ate ko,kababati lang namin ganyan na siya.tsk ayaw ko na nga kausapin 'tong lalaking 'to e

"alam mo,ang init ng dugo mo sa'kin,hindi naman kita inaano ah?"seryosong sabi niya,hala siya bakit bigla siyang naging ganyan,nakakatakot tuloy

"joke,joke lang masyado ka namang kinakabahan e hahaha"tumatawang ani nanaman niya

"alam mo ikaw,para kang nakatakas sa mental"masungit na sambit ko.

"binibiro lang e,masyado mo namang siniseryoso"hah,may naisip akong tanong sakanya para manahimik siya

"siguro..may gusto ka sa'kin no?"natatawang tanong ko

"pa'no kapag sinabi kong oo?"seryosong sagot niya na nakatitig sa'kin.napaiwas naman ako ng tingin dahil naramdaman kong nag-init ang pisngi ko!

diba dapat siya ang papatahimikin ko?bakit ako bigla yung natahimik?

"uy,kinilig naman..joke lang yun oy,ano ka sineswerte?"tumatawang pang-aasar nanaman niya

"alam mo ikaw?wala kang kwentang kausap"sarkastiko kong sambit.buti naman,akala ko totoo na e.medyo assuming ako sa part na yun ah

"luh,sorry na nga e"

"manahimik ka"

"pwede ba akong makipag kaibigan?"tanong niya

"matapos mo akong asar-asarin,tatanungin mo sa'kin yan?"

"wala kasi akong ibang makausap dito e,nababagot na ako"malungkot na sabi niya,paawa tsk.

"anong tawag mo sa'kin ngayon?"

"pilosopo"bulong niya pero narinig ko pa rin.

"ako din naman,naghanap ba ako?"tanong ko

"oh kaya nga,parehas pala tayo kaya tayo nalang.."

"ano?!"

"tayo nalang..ang maging magkaibigan,hindi pa kasi tapos e"palusot niya

"aysus,palusot pa"bulong ko

"narinig ko 'yon,sige kung ayaw mo huwag nalang"akmang aalis na siya pero..

"oo na sige na,sige na kawawa ka naman"habol ko at huminto naman siya,ayon.. kunwari nagtatampo

"hindi na, huwag na"

"ah ayaw mo?sige ikaw din"

"sino nagsabing ayaw ko?eto na nga e friends na tayo"natatawang sabi niya.

bakit ba ako pumayag?bakit ka pumayag marisse?sisirain niya lang lagi ang araw mo kapag nagkikita kayo!

"masyado ka kasing maarte,patampo-tampo ka pa para kang hindi lalaki tsk"

"nye nye nye"pang-aasar niya

"edi wow,hades"

"hoy,huwag mo nga akong tinatawag sa second name ko"bawal niya sa'kin..ah,ngayon alam ko na ang igaganti ko sa'yong lalaki ka

"at bakit naman ha,hades?"natatawang pangloloko ko

"anak ng..sabing huwag mo akong tinatawag na ganyan e"napipikon na sabi niya.

"pikon si hades,pikon si hades hahaha"pang-aasar ko lalo sakanya

"isa..alam mo ba,kung bakit ko ayaw niyan?kasi iyan ang tinatawag sa'kin ng childhood friend ko,at simula nung hindi na kami nagkita,ayaw ko ng marinig na may tumatawag sa'kin niyan.gusto ko siya lang ang gumagamit ng hades na pangalan ko"
seryoso biglang sabi niya..nawala naman bigla ang kaninang abot taingang ngiti ko.

"s-sorry...hades hahahaha"tumatawang sabi ko..akala niya ah,kulang pa iyan sa pang-aasar niya sa'kin

"bahala ka nga diyan kung ayaw mong maniwala"nagtatampo nanaman kunwaring ani niya.

"hindi na nga e,hades-"

"oh marisse bakit ka tumatawa diyan--liam,inaasar ka ba ng kapatid ko?hahaha"sabi ni ate na kararating lang

"ah ate hayaan mo na 'yan..tara na,magpapahinga na ako"natatawa pa ring ani ko.

"bye hades"paalam ko bago kami tuluyang umalis.
____

pagkarating na pagkarating namin sa room ay dinaldal nanaman ako ni ate

"alam mo sis,parang pamilyar si liam?parang nakita ko na siya dati,hindi ko lang maalala kung saan"aniya

"baka naman may kamukha lang siya o ano,pogi--ah este pangit!,may kamukha siyang unggoy do'n"natataranta kong sabi..bakit ba ako nadulas,tsk.

"ikaw ha,sabihin mo lang kung may gusto ka sakanya-"sumingkit ang mata ni ate na nakatitig sa'kin.

"ate!hindi,oo pogi siya pero walang malisya do'n"paliwanag ko

"aruy,diyan nag-uumpisa 'yan..kunwari pa deny deny,pero mahuhulog din pala"mahinang sambit niya

"hindi talaga,promise"sabi ko na tinaas pa ang isang kamay

"sige,sabi mo e hahaha"

"pero bet ko siya para sa'yo"hindi ako kumibo at tinitigan lang siya ng masama.

"oo na,titigil na oh..magpahinga ka nalang muna diyan"tinaas niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko na talaga

humiga nalang ako at hindi na siya pinansin.bakit ba kasi binibigyan niya ng malisya iyon e,gwapo nga siya,mahangin naman.

tsaka kahit siya nalang ang natitirang lalaki dito sa mundo,hindi ko siya papatulan no..napaka pilingero,ang yabang,tapos hindi ako makapaniwala,yung isang katulad niya ay kaibigan ko na?!bakit ba kasi ako pumayag,lalo tuloy lalaki ulo no'n.

bigla ko naman naalala yung sinabi niyang 'childhood friend' niya. kung totoo man 'yon,parang ang lungkot naman dahil hindi na sila nagkikita..na curious tuloy ako kung ano ba ang nangyari.

pero buti nalang,may pambawi na ako sakanya kapag inaasar niya ako..akala mo ha,hades.
____

"uy,bata anong ginagawa mo diyan?..teka umiiyak ka ba?"

"h-hindi,sino ka ba?huwag m-mo muna akong kausapin"

"anong nangyari,bakit ka umiiyak?"

"ang k-kulit mo!"

"mas makulit ka,tinatanong ka e"

"pinagalitan ako ni d-daddy.."

"bakit?"

"ayaw k-kong sabihin bata"

"ok,huwag ka ng umiyak..magslide nalang tayo do'n oh"

"sige"

"tara paunahan tayo tumakbo hanggang do'n"

"ang bagal mo tumakbo hahaha"

"hindi ako mabagal mabilis ka lang talaga"

"mabagal tumakbo,mabagal tumakbo"

"nyenyenye"

"bata,kanina pa tayo naglalaro..anong pangalan mo?"

"marisse,e ikaw anong pangalan mo?"

"li--"

"marisse!anak,bakit ka nandito?halika na umuwi na tayo ha"

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon