Nandito pa rin ako sa kwarto ni Kuya Adam. Nagpapatulong kasi sya na sulatin ko daw yung mga naisearch nya para maisagawa na nya. Hindi kasi maganda yung sulat nya at gusto nya daw magkaroon ng check list. Ididikit nya daw sa opisina nya sa bahay.
Sineryoso nga yung suggestion kong ligawan na nya si Anica.
Ito nga pala yung check list nya:
1. Learn the difference between dating and courting.
2. Determine if you're ready.
3. Understand the benefits of courtship.
4. Get to know her on a friend basis.
5. Learn about her family.
6. Be upfront with her.
7. Ask her father.
8. Get to know her in public or private settings.
9. Romance and woo her.
10. Abstain from strong emotional language if you aren't there yet.
Source: wikihow.comGrabe! Sya lang ang nakilala kong nagchecheck list pa! Hindi pa kasi talaga sya nanligaw ever since. Siguro nung naipush ko lang sya na manligaw kay Anica syaka lang sya nagkaroon ng lakas ng loob.
Napapagod na nga yung kamay ko kasi ang dami na ehh.
"Kuya? Okay na kaya tohh. Ikaw na lang bahala sa susunod gagawin. Or bibigyan na lang kita ng tips kapag natapos mo na ito." reklamo ko kay Kuya Adam kasi nga ang sakit na ng kamay ko
Umiling-iling naman sya bigla.
"No. We need to finish it right away." madiin na sagot ni Kuya Adam sakin
Sya napapagod magsulat? Sya?
"Ehh nakakapagod na mag-sulat ehh! Ikaw kaya magsulat ng pagkahaba-haba dito?! Tingnan ko lang kung hindi ka mapapagod!." naiirita na sabi ko naman kay Kuya Adam
Napabuntong-hininga naman sya bigla.
"Alright. Stop writing. I'll just ask for some advice to Bryan. If ever." mahinahon na sabi naman ni Kuya Adam
Kita mo tong taong tohh. May kaibigan naman pala! Bakit ako ang pinagsulat ng pagkahaba-haba?!
"Dapat sya na yung tinawag mo dito para magsulat. Kuya naman! May kaibigan ka naman pala ehh!." reklamo ko ulit kay Kuya Adam na isinara na yung laptop nya
Tumawa naman sya bigla.
"Ehh? Yun? He doesn't have good writings. Ikaw lang meron. Hahahaha!." tumatawang sagot naman ni Kuya Adam sakin
Ayy? Hahahahaha!
"Kaya pala." sabi ko kay Kuya Adam habang nagpipigil ng tawa
Tumatawang tiningnan naman ako ni Kuya Adam.
"Let it out. Baka mamaya maging utot nya. Hahahahaha!." tumatawang sabi naman ni Kuya Adam sakin
Mukha kaming mga baliw na tumatawa sa kwarto nya. Since medyo mahina naman yung tawa namin, hindi kami maririnig sa baba. Pero biglang may kumatok sa pintuan ni Kuya Adam.
"Bestfriend?." rinig kong pagtawag ng isang boses na sobrang pamilyar
Si Anica!
Ano kayang ginagawa nun dito?
Tiningnan ko naman si Kuya Adam na prenteng nakaupo lang.
"Kuya, bilisan mo linisin natin itong kwarto mo! Andito yung liligawan mo!." nagpapanic na sabi ko kay Kuya Adam
Nakita ko namang nagpapanic na sya.
"Ha?! Bakit hindi mo agad sinabi?! Bilisan natin!." hindi magkandaugaga na sagot naman ni Kuya Adam sakin at agad na kumilos para malinis yung kwarto nya
BINABASA MO ANG
Ways To Workout
RomancePapano kung gagawin mo ang isang bagay na hinding-hindi mo kailanman ginusto? Ipagpapatuloy mo pa ba ito sa kabila ng paghihirap na dadanasin mo o tatalikuran mo nalang ito? Sa buhay may mga bagay na kailangang isaalang-alang, kahit na gaanong hirap...