C04

161 76 262
                                    

C04
Harsh

Mabilis lumipas ang oras at lunes na ngayon which means first day of school. Hindi ako masyadong excited na pumasok. For the first time! Dati rati ay sobrang excited ko sa first day pero iba na ngayon.

Bumaba ako at dumiretso sa dining area. Nakita kong nakaupo roon si kuya at ate. Nagsimula na silang kumain.

"Oh, Shy! Kain na!" tawag ni kuya Dawn sa akin. Tumango ako at nginitian siya. Tiningnan ko si ate at nakitang nakatutok ang kaniyang mga mata sa pagkain.

"I'm done." mahinang sabi niya at tuloy tuloy na lumabas ng bahay.

"Apakasungit talaga." natatawang wika ni kuya. "Sa akin ka na sumabay." tumango lamang ako kay kuya.

Kumunot ang noo ni kuya at tumitig sa akin nang diretso. Nailang naman ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Are you okay?" seryosong tanong ni kuya sakin. Tumingin ako sa kaniya ng saglit at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Oo naman, kuya." nakatungo kong sabi. Napakaclose namin ni kuya Dawn noong bata kami. Well, close pa naman kami pero hindi na katulad ng dati. Narinig ko siyang bumuntong hininga at tinapos na ang kinakain.

"I'm sorry." sinsero niyang sabi sa akin.

"Bakit ka nagsosorry?" naguguluhang tanong ko naman.

"Because I can't do anything."

Dahil sa sinabi niyang 'yun ay parang gumaan ang pakiramdam ko. Kung tutuusin nga ay wala naman siiyang ginagawang malj sa akin ehh.

"Ano ba kuya! Okay lang ako. Ayan oh! Nakangiti na." Nginitian ko siya kaya nginitian niya rin ako. "Tara na! Malalate na tayo." tawag ko sa kaniya.

Tumayo naman si kuya pero nagulat ako nung niyakap niya ako.

"Please promise me that your smile would never fade." bumitaw ako sa pagkakayakap sa akin ni kuya. Naguguluhan talaga ako sa mga pinagsasabi ng baklang to.

"Ha?"

"Hakdog! Tss. Ganda na sana ng eksena. Tara na nga!" inirapan pa niya ako!

"Kuya mag antay ka naman!"

Mabuti at narinig niya kaya pinagbuksan niya ako ng pinto. Mabilis lang ang aming byahe papuntang eskwela. Pagka park ni kuya ng kaniyang sasakyan ay sabay na kaming bumaba.

Nagulat na tumingin sa amin ang ilang... I mean maraming estudyante. Kilala ako ng marami at marami ang nalungkot noong umalis ako ng NU. Kilala ako bilang ang campus mathematician. Lagi akong isinasalang sa mga math contest at naranasan ko na ring manalo sa isang international math competition na ginanap sa Bojing ba yun? Bijing? Basta sa China!

Karamihan sa mga nakita ko ay nginitian ako. Ang iba naman ay umismid at tumalikod. Ngumiti rin naman ako pabalik sa mga bumati sa akin. Marami ang nangumusta at nabalitaan din pala nila na nakabalik na ako. Saka lamang ako natigil nang hinigit ni kuya ang aking braso kaya napilitan akong kumaway na lamang bilang pamamaalam.

"'Yan ang problema sa'yo, Shy." ngumingiwing sabi ni kuya habang hinihila ako papunta sa hindi ko alam na lugar. "You are too kind. That's why they abuse your kindness."

"Wala naman atang problema sa pag-"

"I'm just saying na huwag kang masyadong friendly. Learn how to distance yourself sometimes." naiiritang saad ni kuya.

"Pero kuya, ang sabi ni mommy ay maging mabait sa kapwa." pamimilit ko pa rin. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Nasisiguro ko ng galit na siya sa akin.

Untamed Demons From Within(La Verde Series 1)Where stories live. Discover now