I'm Kelly, and it's not over (One-shot story)

263 12 11
                                    

I’m Kelly, and it’s not over…

Written by: Alana Jane Felicilda(WCWYB)

Anong status nang buhay mo?

Single? In a relationship? Complicated? Married? O kaya naman nagugutom? Nai-ihi? Nata-tae? Nasu-suka? Studyante? Tambay? Tag-hirap? Pagkain ang hanap? O kung anu-ano pa! pero kahit ano pa yan, wala akong pakealam. Basta ako, MASAYA. At ako’ may misyon. And it spells as R-E-V-E-N-G-E.

Yes, Revenge. Para sa isang taong pangit, mayabang, maka-sarili, makati, malandi, walang modo, walang kunsensya, masamang tao, at mang-gagamit!!!! At lahat nang yan ay ang description nang walangya kong EX-BOYFRIEND.

Ang boyfriend ko for almost SIX MONTHS, pero maniwala kayo sa hindi, sa loob nang six months na yun ay hindi pa niya ako nakikita. Alam kong madaming nag tataka sa inyo kung bakit at paano naging kami, eh hindi pa niya ako nakikita. O kaya naman may iba sainyo na alam na ang patutunguhan nang storya na to. Alam ko na isang JOKE lang ang lahat. Simula sa pagiging friend namin, hanggang sa dumating sa panliligaw, pinakilig niya ako, pinasaya niya ako hanggang sa KAMI na, dahil ang tawag sa relasyon namin ay ONLINE RELATIONSHIP.

Online relationship in a sense na hanggang facebook lang kami. Pwede kami mag kita sa personal, depende kung gusto niya, pero hindi kami umabot sa ganun. Ang dahilan? Lagi syang busy. Pwede kami mag ka-text at mag kausap, depende kung gusto niyang ibigay yung number niya sakin. Pero, hindi din kami umabot sa ganun. Ang dahilan? Wala DAW syang cell phone. Ganyan ang takbo nang relasyon namin, pero puro DAHILAN lang ang ibinibigay niya sakin. Ako, ang girlfriend niya, naniniwala sa lahat nang sinasabi niya. Pero, hindi ko alam na sa dulo, lolokohin lang pala niya ako.

Kaya eto ako ngayon, haharapin ko siya. Makikita niya ang IMPYERNO. Mwahahaha.

“Oh? Kelly? San ka pupunta? Bakit Ganyan ang suot mo?” tanong sakin nang ate kong maganda tulad ko. Hindi ko sya sinagot. Nginitian ko lang sya na parang may binabalak na masama. Nag lakad ako na taas no. Ganyan pag MAGANDA. Kumekembot pa ako habang naglalakad.

Naka-suot ako ng RED HEELS. RED DRESS. AT RED LIPSTICK. Ramdam na Ramdam ko ang mga matang nakatingin sakin. Ayan na naman ang mga cheap na chismosa. Hirap talaga tumira sa gantong klase nang village! Ang chaka! Hindi ko sila pinansin. Nadaan ko ang mga lalaking nag i-inom. At naramdaman siguro nila ang hotness ko, kaya sila nag tinginan sakin.

“Wow, Kelly. Ang hawt hawt mo naman!” sabi nang isang lalaki na halos namumula na ang mukha. At bigla silang nag tawanan. Pero hindi ko sila nilingon. Nag tuloy tuloy lang ako sa paglalakad. Ganyan ang MAGANDA, feeling ARTISTA.

Nag punta na ako sa dapat kong puntahan, at nakita ko na ang TARGET ko. Si John Paul Cruz, ang ex-boyfriend ko. Ang taong mayabang, maka-sarili, makati, malandi, walang modo, walang kunsensya, masamang tao, at mang-gagamit at sa kasamang palad ay PANGIT. Isa na sya sa pangit na nakilala ko na kayang mag girlfriend na dalawa NANG SABAY. Kasama niya ang nag gagandahang girlfriend niya. Hindi ko siya kilala, pero nakasuot sya ng dress na white, naka-curl ang hair, at sobrang puti nang balat. Pero, wala akong pakelam, mas maganda ako.

Naka-upo sila sa isang bench at Halatang may pinag ke-kwentuhan sila. Mukha silang masaya. Pero sorry sila, oras na lumapit ako ako ay mawawala ang mga ngiti sa mukha nila. Mwahaha.

I'm Kelly, and it's not over (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon