Sino nga ba si Elsa? Sino si Elsa Adsuara?
Karamihan ay nakilala akong makulit at palatawa, go with the flow, madaling pakisamahan at takas sa Mental Hospital— pero ang hindi alam ng lahat kung ano iyong mga pinagdaanan ko sa buhay. Walang nakakaalam kung sino ba talaga ako bago ako napadpad ng Manila.
Way back ten years ago, sobrang saya pa ng buhay ko sa Cordova. Though, masaya rin naman ako ngayon sa kasalukuyan ngunit hindi iyong katotohanan na nakakasama ko nga si Andrew, pero hindi naman bilang ama sa anak naming dalawa.
Alam ko na sobrang damot ko na ipinagdamot ko ang bata sa kaniya, kaya hindi na ako nagulat kung kasing taas ng Mt. Everest ang galit niya sa akin, kasi literal naman na deserve ko ang lahat ng lamig niya sa katawan— I mean, ng galit niya.
May parte naman na gumawa ako ng paraan para mapaamo si Drew, pero siguro nga ay hindi iyon naging sapat para mawala iyong sama ng loob niya sa loob ng sampung taong hindi ako nagpakita sa kaniya. Walang puwang sa puso niya ang pagpapatawad.
Marahil ay walang katumbas na sakit ang naidulot ko sa kaniya. Hindi na rin maitatama pa iyong mga maling nagawa ko sa isa pang mali na ginagawa ni Andrew. Kung masasabi ko nga bang mali iyon— na hindi na ako iyong mahal niya.
Hindi ako tutol sa reyalisasyon na maaaring magkagusto nga si Andrew sa ibang babae, pero at some point, may parte na nasasaktan ako. I really did my best, I survive my leukemia, pero mukhang hindi ko kayang mag-survive ngayon.
It feels like every time na makikita kong magkasama sina Jinky at Andrew, pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng puso ko. Hindi maganda sa pakiramdam na para akong kinakain ng inggit at konsensya ko.
Sa totoo lang ay masaya naman ako para kay Jinky. Masaya ako na nakikita ko na unti-unti na siyang napapamahal kay Andrew, pero sa tuwing iisipin ko iyong magiging kahihinatnan ko ay bumabawi iyong kalungkutan sa akin.
Hindi ako masaya para kay Andrew, parang ayoko siyang sumaya at ayokong mangyari na maka-move on siya. I know na sobrang selfish ko na hinangad kong sana ay hindi na lang sila nagkakilala ni Jinky. Sana ay hindi na lang sila nagtagpo ng landas, baka sakali na may mabalikan pa ako.
Baka sakali lang naman... na baka kami pa rin sana ni Andrew.
Wala sa huwisyo nang mapabuntong hininga ako, kapagkuwan ay napatitig sa babaeng hindi ko akalaing kaiinggitan ko. Sa mga pinagdaanan at pinagsamahan namin ni Jinky, masasabi kong bestfriend na kung maituturing ko siya.
Naging malapit siya sa buhay ko na kahit hindi ko ikwento ang talambuhay ko sa kaniya ay kaya niya akong intindihin. Nagagawa niya akong maintindihan gaano man kagulo ang utak at nakaraan ko.
She's all I have, kasama na rin ng anak kong si Anna. Natatakot pa ako sa katotohanan na darating ang isang araw na kailangan naming magparaya sa isa't-isa. Ibig sabihin ay kailangan din naming maghiwalay.
"Sobrang pangit ko na ba sa paningin mo?" untag sa akin ni Jinky nang mapansin ang kanina ko pang paninitig sa kaniya. "O may dumi lang ako sa mukha?"
Sa narinig ay awtomatiko akong napakurap-kurap bago ibinalik ang naliligaw kong kaluluwa sa katawan ko. Muli akong napahinga nang malalim at saka pa tipid na napangiti sa kaniya.
"Hindi ka naman naging pangit sa paningin ko," pahayag ko na naging dahilan nang pamumula ng pisngi niya.
"Hoy! Kahit babae ka ay kinikilig ako sa 'yo. Ano ka ba? Huwag kang ganiyan!" Umimpis ang labi niya para sa isang ngiti kung kaya ay natawa na lamang ako. "Huwag mong sabihin na sa dinami-rami nang nagugustuhan mong lalaki ay babae talaga ang hanap mo? Don't tell me—"
"Shut up, asawa ni Pacquiao."
Inirapan ko siya, but honestly, hindi ko itatanggi ang sinabi niya na marami akong nagustuhan na sa madaling salita ay palabas lang ang lahat. Kasama iyon sa script. Gusto ko lang pagtakpan itong nararamdaman ko, partikular ang pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
General Fiction(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...