Grabe na talagang pagpapahirap 'to. Literal na ngang mahirap ang buhay ko, mas pinapahirap pa ni Chloe! Argh!
"Shít talaga! Ang kati sa lalamunan!" sigaw ni Jinky, kasabay nang pagtatawag niya sa uwak. Maduwal-duwal siyang tumakbo sa gilid ng kalsada.
Panay ang pagsuka niya roon. Ganoon din ako na hindi mawala-wala ang lasa ng pinagsamang carbonara at bagoong sa dila ko. Pakiramdam ko ay nakakapit na iyon na kahit ilang beses ko nang sinundot ang ngalangala ko ay nalalasahan ko pa rin iyon.
Hindi ko nga alam kung paano ba namin naubos ang mga natira ni Chloe nang hindi naduduwal sa harapan niya. Lahat ng tira ni Chloe ay sa amin niya ipinakain na ano man ang pag-ayaw at pagtanggi naming tatlo ay sadyang nadadala lang talaga kami sa pagpapa-cute niya.
"Ack!" Halos manghina ako, hilung-hilo ako sa ilang beses kong pagsuka. "Ayoko na! Huli na talaga 'to! Last na! Hindi na ako makakapayag sa susunod!"
"Ako rin! Hindi rin ako papayag na inaapi lang ako ng ganito!" segunda ni Jinky.
Kahit sukong-suko na ako sa buhay ay natatawa pa rin ako. Tawang-tawa dahil sa kinahinatnan namin.
Feeling ko tuloy ay kukunin na ako ni San Pedro. Nandidilim ang paningin ko at kung hindi lang din talaga buntis si Chloe ay baka nasipa ko na ito sa tiyan. Kailan ba siya manganganak?
Grabe, mukhang malayu-layo pa ang pagdadaanan namin ni Jinky sa kaniya, pero hindi! Hindi na siya makakaulit pa sa akin. Diyos ko, sana lang ay mailuwal na kaagad niya ang mga bata at nang matapos na ang paghihirap ko sa mga paglilihi niya.
Mayamaya lang nang malakas akong napasinok. Tumigil na rin ako nang halos matuyo ang lalamunan ko. Halos kumati iyon at hindi na rin maipinta ang mukha ko sa sobrang pangangasim.
Maagap akong tumayo at inayos ang sarili, saka ko naman nalingunan ang ilang mga tao na nagdaraan sa likuran namin. Nasa tabing kalsada kami na hindi kalayuan sa bahay nina Chloe at Sir Melvin.
May pagkakataon na pinagtitinginan kami ni Jinky, hindi lang dahil sa pagsusuka namin kung 'di maging sa suot namin ngayon. I'm wearing Blossom's costume, samantalang Bubbles naman kay Jinky.
Sa totoo lang ay hindi ko na alam, parang gusto ko na lang maglaho bigla sa kahihiyang natatamo ko ngayon. Ewan ko ba kay Chloe, ang lala masyado maglihi at talagang kami pa ang pinaglihian.
Akala ba nila ay swerte kapag pinaglihian ng isang buntis? Hindi. Walang swerte roon at purong hirap at kahihiyan ang nararamdaman ko, but at some point, masaya ako na pinagbibigyan si Chloe.
Ang saya lang din kasi na makitang nasa-satisfy lahat ng needs at paglilihi niya. Ang cute kasi, nakakainis. So yeah, kaysa naman ma-back kick niya ako ay mabuti nang sumunod na lang. Huwag lang talagang lumala pa ito. Kapag ako nagkaanak ulit ay tiyak kong babawi talaga ako sa kaniya.
"Hindi pa ba kayo tapos diyan?" maang na pagtatanong ni Andrew na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis, ayaw niya yata kaming iwan gayong may trabaho pa siyang babalikan sa Dela Vega Publishing House.
Kararating lang din niya sa pwesto namin, hindi ko alam kung saan siya nanggaling dahil kasama lang naman namin siya kanina ngunit hindi ko na napansin ang pag-alis niya since abala akong maglabas ng sama ng loob.
Nauna niya akong napansin dahil hindi pa natapos si Jinky. Tumagilid ang ulo ko, nagbaba pa ako ng tingin sa hawak niyang plastic bag— huwag niyang sabihing nag-take out pa ito ng carbonara na may bagoong? Nanlaki ang mga mata ko. Sumama naman ang timpla ng kaniyang mukha.
Lumapit siya sa gawi ko, pero kaagad ding tumigil sa gilid ko kung saan nasa bandang likod ako ni Jinky. Inilabas niya mula sa plastic bag ang isang bottled water. Binuksan na niya iyon bago maagap na iniabot kay Jinky. Bahagya pa siyang yumuko para dungawin ito.
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
Fiction générale(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...