The Vampire Huntress
"Anak, kahit anong mangyari, huwag kang lalabas dito huh? Huwag ka rin gumawa ng kahit na anong ingay. Naiintindihan mo ba si mama?"
Naiiyak na sabi ng ginang na syang tinanguan ng walang taong gulang nyang anak. Sinuotan nya ito ng kwentas na may kulay asul na likido bago niyakap ng mahigpit.
"Palagi mong tandaan na mahal na mahal ka namin ng papa mo."
Pinigilan ng bata na kumawala sa bibig nito ang hikbi. Lalapit sana ang padre de pamilya ngunit bigla nalang sila nakarinig ng napakalakas na kalabog mula sa labas. Tarantang ipinasok ng ginang ang anak sa malaking aparador at hinalikan ito sa huling pagkakataon bago lumapit sa asawa . Gusto sanang lumabas ang bata para lumapit sa mga magulang nya ngunit naalala nya ang sinabi ng ina . Muntik na syang mapatili nang biglang nawasak ang pinto ng kwarto na pinagtataguan nila. Napatilapon dahil sa lakas ng pwersa ang mga magulang. Napatakip ang bata sa bibig nang makita nya ang mga nilalang na agarang nakapasok. Nakasuot ito ng mahaba at itim na kapa habang may dugong nagkalat sa gilid ng mga labi. Kitang kita nya ang haba at tulis ng mga pangil tapos maihahalintulad nya sa yelo ang kulay sa balat ng mga ito. Napansin nya na tiningnan nila ang mga magulang nya na tila masasarap na putahe. Napansin din nya na nanginginig sa takot ang mga magulang nya habang magkayakap.
"P-parang awa nyo na. H-huwag nyo po kaming patayin."
Pakikiusap ng ina nya habang humagulgul sa iyak. Ngunit sa kasamaang palad, humalakhak lamang ang mga nilalang na nakaitim.
"Pagkain na ang nakahain, aayaw pa kami? Hahaha!"
Napakuyom sya sa kamao.
--
"Mere human. Wake up or I'll drain your blood!"
Napadilat sa mga mata si Aella at napatingin sa bampirang kasalukuyang nakakadena sa malaking puno.
'That scene again.'
Sabi nya sa sarili at pinulot ang espada nyang nakalapag sa lupa. Tumayo sya at nilapitan ang bampirang nahuli nya trenta minutos na ang nakaraan. Hindi nya namalayang nakatulog pala sya dahil sa pagod matapos mahuli ang target nya. Pinagmasdan nya ang hitsura nito. Maaliwalas ang mukha nito at walang bahid na sugat o dumi. Komportable pa itong nakasandal sa puno habang nakakadena. Ngayon nya lamang ito natitigan ng taimtim. Napapansin din nya ang napakaitim nitong buhok at kilay na makakapal. Napakatangos ng ilong nito at mapupula ang manipis na labi nito na tila hugis ng pana ni kupido.
"Don't stare at me like that. It's tempting."
Nakangising sabi nito kaya tinaasan nya ito ng kilay.
"As if you can get yourself out of that chain."
Sabi nya sabay turo sa kadena. Ang kadena na may kakaibang salamangka para mapigilan ang abilidad at kakayahan ng mga bampirang tulad nito. Tumalikod sya at bumalik sa punong sinasandalan niya kanina lang ngunit bigla syang nakaramdam na parang may nilalang na paparating. Ang mga vampire hunters/huntresses na tulad nya ay sinanay na tumalas ang pakiramdam nila kaya ganoon nalang kabilis ang naging reaksyon ng katawan nya. Kasabay ng pagwasiwas nya ng espada ay ang pagbagsak ng nahahating katawan ng bampira sa lupa. Pagkuwan, naging abo kasabay ng eksenang naglakbay sa isipan nya. Ito ang eksena na nagtulak sa kanya para maging isang vampire huntress. Malinaw parin sa isip nya ang pagsigaw ng pagmamakaawa ng mga magulang nya para mabuhay at ang pag-agos ng sariwang dugo mula sa katawan ng mga ito. Kitang kita nya rin kung paano kinuha ng isang bampira ang atay at puso ng ama't ina nya kaya naging bato ang malambot nyang puso.
Dahil sa eksenang pumasok sa isip, mabilis syang lumapit sa nakakadenang bampira at itinuon sa leeg nito ang espada.
"Don't ever think that I will be doubtful to cut your head."
BINABASA MO ANG
The Vampire Huntress
VampireIsn't it ironic that a vampire huntress and the vampire prince are mated for each other?