Chapter 26

21 3 0
                                    


Sa unang bwan na wala si mama, dun ako sobrang hirap. Tuwing umaga by 4am, gumigising na ko para magluto ng almusal nameng magkakapatid. Ipag-gagayak ko pa sila ng susuotin sa pag-pasok sa school at ipagpa-plantya ng uniforms. Isama mo na rin iyong bunso kong kapatid na gabi-gabing umiiyak sa kakahanap kay mama pero kalaunan nasanay na rin siya at saakin na bumuntot.

Konting oras na mawala ako sa paningin niya, agad siyang umiiyak at magwawala. Tuwing umaga, swerte ko na kapag papasok ako ng school at literal na sasama lang siya sa trycicle para ihatid ako sa school at sasama na ulit siya pauwi pagkatapos pero madalas, talagang iiyak pa sya kapag aalis na ako at hahabol pa saakin—ayaw niya akong papasukin ng school.

For the first months na wala si mama, araw-araw parang laging may gera sa bahay. Bunganga dito, sermon don. Hindi ko ba alam kung talaga bang may mali nagagawa kaming mali, o sadyang palagi lang kami ang napapag-initan sa bahay, eh. Masakit sa tenga pero pinagtitiisan ko na lang. Hangga't maaari nga lang ay wag mapagalitan ang mga bata, kaya lahat ng utos sinusunod ko nalang. Maghuhugas ng plato dito kahit may sarili naman kameng platong huhugasan, sige lang. Mag imis dito, mag imis dyan. Tumao sa tindahan, magbantay ng bata, tumulong sa pagluluto ng ulam, pumunta dito, pumunta dyan, at kung ano-ano pa, okey lang naman, eh. Lahat sinusunod ko nalang na parang robot para iwas gulo na rin kahit pa pagod ako sa school, sa pag-aasikaso sa mga kapatid ko at sa lahat ng obligasyon ko sa bahay. Sa mga imisin, sa mga labada. Sa mga plantyahin. Sa pagdidisiplina sa mga bata. Sa lahat-lahat.

Even in budgeting, ako na rin. Lahat sinakop ko na dahil.. Wala namang ibang maasahan, eh. Ako ang eldest kaya akin lahat ang responsibilidad at okay lang 'yon. As long as nakikita kong nadidisiplina ko ang mga bata, ang mga kapatid ko. Kapag nakikita kong nakikinig sila sa bawat sinasabi ko, masaya na ako roon. Pakiramdam ko mqy na-accomplished na ako sa buhay ko.

"Thankyou.." nakangiti kong sabi kay andrew saka kinuha yung bag ko sa kaniya. Tapos na kameng kumain ng lunch kaya naman inihatid na nya ako dito sa classroom ko. Nginitian niya lang ako.

"Hatid kita sa inyo pauwi ah?" aniya.

"Sige ba." nakangiti kong sagot sa kaniya.

"Maglalakad tayo ulet?" excited niyang tanong. Tumango ako. "Kung yun ang gusto mo eh."

"Quality time, mahal" natatawang sabi niya. Napailing-iling nalang ako.

"Baliw. Oh sige na, papasok na ko. Pumunta ka na ng room mo ha? At please, try mong magbasa-basa minsan ah? Puro ka laro." panenermon ko.

"Nagbabasa naman ako ah" nanliit ang mata ko. "Kelan ka nagbasa?"

"Basta nag-aaral ako araw-araw promise." aniya saka itinaas ang kanang kamay. Nanliit ang mata ko.

"Subukan nga natin kung nag-aaral ka ba talaga?" hamon ko sa kaniya.

"Wag naaa. Babalik na nga po ako sa room ko eh. Magbabasa ako hehe." natawa ako. Pag kasi sinasabi niyang nag-aral siya, agad ko syang tinatanong ng kung anu-ano sa iba't ibang subjects eh, bandang huli hindi nya rin masasagot kaya malalaman kong nagsisinungaling lang ang loko.

"Sabi ko na nga ba eh. Sige na go. Magbasa ka ah? Gumaya ka saken!" natatawang sabi ko.

"Anong babasahin? Wattpad?" hinampas ko na sa braso. "Aray! Sabi mo gayahin kita eh, mas matagal naman talaga ang nailalaan mo sa pagbabasa ng wattpad eh. Ouch! Hindi na nga, hindi na!" aniya habang natatawang umiilag sa mga hampas ko.

"Wag mo ngang pakialaman ang wattpad addiction ko! Atleast di ko pinababayaan pag-aaral ko"

"Oo na oo na!" natawa ako.

"Sige na lumayas ka na. Mamaya nalang." agad naman syang tumango at hihimas himas sa braso na naglakad papunta sa room niya.

Tatawa-tawa naman akong naglakad papasok at dumiretsyo kina pichie na magkaka-ungkot sa may sulok ng classroom. Tumabi ako kay dada.

OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)Where stories live. Discover now