CHAPTER ONE

15 1 2
                                    

Maliwanag ang gabi. Kitang kita sa kalangitan ang magandang pagkakahugis bilog ng buwan kaalinsabay ang mga nagkikislapang mga bituin sa paligid nito. Kitang kita ang buong paligid at dinig na dinig ang pag iingay ng mga kuliglig at kulisap sa bawat sulok ng lugar.



Ngunit sa kabila ng kagandahan nito ay abala ang ilang mga kalalakihan sa pagmaman sa isang malaking pabrika ng asukal. Palihim at pilit ikinukubli ang mga nagkalat na presensiya sa paligid nito at tila nag aantay lamang sa hudyat ng pinuno upang sumugod. 



"Estás en posición, Andrew?" tanong ng isang malalim na boses sa kanyang kasamahan sa earpiece na nakakabit sa kanilang tainga habang nakatingin sa lugar na minamanman gamit ang kanyang binocular. 



"Si, comandante." sagot ng isang lalaking may matikas na tindig na nakasandal at nagtatago sa likod ng isang truck ng pabrika. Sila'y nagmamanman upang kuhanin o iligtas ang isang mahalagang tao para sa kanilang kliyente na siyang di umano ay nasa loob nga ng pabrika.



"Qué hay de tí, Kujo? Any signs of alertness in there?" unti unti niya nang tinataas ang kanyang kamay dahilan upang ihanda at maging mas alerto ang mga kasama.



"Sin signos, comandante." sagot ng lalaki sa earpiece na siyang nasa rooftop ng isang building ilang kilometro ang layo sa lugar na pinagmamanmanan. Isang sniper na siyang nagsisilbing mata ng grupo ng kalalakihan at siya ring handang sumuporta para maisagawa ang plano ng matiwasay.



"Bien entonces la gente. Let's go get them!" walang ano ano pa ay ibinaba niya ng mabilis ang kamay senyales na nag uutos na simulan na ang operasyon.



Maingat pero mabilis silang lumalapit sa bawat gilid ng pabrika habang ang lalaking nasa likod kanina ng isang truck ay pinaandar ito at ibinulusok papunta sa malaking pinto ng pabrika. Pagkasira ng pinto ay agad na nagsisunuran ang iba pa. 



Kumalat ang mga ito upang siguruhing walang anumang tao, bagay o pangyayari ang makakasira sa plano ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ang commander ng grupo ng pagtataka. 



"Parang may mali." ani nito sa sarili. Inilibot nito ang paningin at bumalot ang pagtataka sa kaniyang isipan. "Halughugin ang buong lugar at alamin kung san siya tinatago!" utos niya sa mga kasama habang hindi parin mapakali ang mga mata sa pag ikot ikot. 



May mali dito! may mali dito!  bulong niya sa sarili. Siya'y nagtataka sapagkat mabilis lamang silang nakapasok sa lugar ng sinasabing pinagtataguan ng kanilang pakay. Ngunit ang nakapagtataka ay bakit tila wala naman itong bantay?


"Kujo, cual es nuestro estado?" hindi mapakaling tanong niya. "Kujo? Kujo?! Are you still there?" halos pasigaw na tawag ng commander sa kasamahan ngunit wala siyang ni isang sagot na nakukuha mula sa kabilang linya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thoughts of an Ambitious ProcrastinatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon