Love

4 0 0
                                    

Biglang napabalikwas ng bangon galing sa pagkakahiga sa ilalim ng puno si Athea. Naramdaman niya kasing parang may kumikiliti sa kanyang tenga at ito ang pinakasensitibong bahagi pa ng kanyang katawan. " Lex ! " Sigaw niya sa kanyang kasintahan. Ito kasi ang kumikiliti sa kanya. Hayy , alam na alam talaga nito ang nagpapakiliti sa kanya. Tumawa lang ito at kiniliti siya ng kiniliti. Para naman iyang isang uod sa paggalaw at tumakbo siya para makaiwas dito. " Hahahaha ", tawa siya ng tawa habang hinahabol siya ni Lex Nagpapalibot-libot sila sa puno, o di kaya'y tumatakbo siya sa napakalwak na hardin ng kanilang paaralan. Tumigil siya ng mapagod na at agad naman siyang niyakap ng kanyang malambing na kasintahan. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal niya ito. " I love you " , bulong nito sakanya. Nginitian niya lamang ito.

Kumain na sila sa ilalim ng puno na para bang nag pipiknik. Sinusubuan siya nito at ganoon din naman siya. Naglalambingan sila nito, walang pakialam sa kanilang paligid. Nagulat nga siya kung bakit ang lambing-lambing ngayon ng kanyang kasintahan, na para bang huli na nilang pagkikita ito. Eh, hindi naman masyadong malambing ito. Minsan lang. Hehehehe J

Biglang dumaan ang katahimikan sa kanila. " Babe ", tawag nito sa kanya. " Hmmm ? " tumingin siya dito. Bigla naming lumungkot ang mukha nito at doon na siya sinimulang kabahan. Dumaan muna ang napakatagal na katahimikan at doon na siya natigilan. Parang pinagsakluban siya ng lupa at langit sa kanyang mga narinig. " Aalis na ako ng bansa. Sa Amerika na ako mag-aaral. Let's break-up. " Parang kanina lang napakasaya nila na hindi mapapawi ang ngiti sa kanyang mga labi pero eto ngayon walang tigil sa pagpatak ang kanyang mga luha.

" Athea !! ", tawag sa kanya ng kanyang mga kaklase. " Gagawa na tayo ng proyekto ". Para namang bula na naglaho sa kanyang isipan ang mga mapapait na mga ala-ala ng kanyang nakaraan. Ngumiti na lamang siya ng mapait habang tumitingin sa ilalim ng puno na kung saan nangyari ang kanyang unang heartbreak, ang unang pagkawasak ng kanyang puso. Pinunasan na niya ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi. Hindi pa man niya lubos na nakakalimutan ito, pero iniisip niya na lang na para ito sa matagal na inaasam na pangarap ng kanyang pinakamamahal na kasintahan. " Oo, Susunod na ! ", balik na sigaw niya sa kanyang kaklase. Isang tingin pa sa punong ito at tumakbo na siya sa kanyang mga kagrupo. Hindi niya man lubos maintindihan kung bakit kaylangan nilang maghiwalay kung meron namang skype para makapag-usap sila. Ika nga nila tapos na at hindi na mababalik pa. Ilang buwan na lang magtatapos na ako ng pag-aaral at sisikapin kong tuluyan na kitang makakalimutan. Sa ngayon, sisikapin kong huwag kang isipin kahit malabong mangyari dahil, Lex, mahal na mahal parin kita.

Tree of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon