Kabanata 2

51 27 14
                                    


Nakakahiya

After that canteen scene ay nagsibalik na kami para sa klase namin. Tuloy parin daw iyon kahit na nirerequest ng ibang students na mag free time dahil napagod daw sila kaka cheer at nabilad daw sila sa araw. Pero hindi pumayag yung mga teachers dahil kelangan daw naming mag habol para sa dadating na finals

Siguradong magiging okupado ang oras ko sa mga dadating na araw. May monthly bills pa kami ni Allyson na dapat bayaran pero hindi pa buo ang pang bayad namin. Siguradong multi tasking ang gagawin namin sa part time jobs at sa pagrereview sa exam. I need to wake my self early. Si Ally kasi nawalan na ng gana mang gising sakin dahil di naman daw ako bumabangon

" Nakaka stress letse! Tatanda ako ng maaga dito eh" Pasigaw na reklamo ni Allyson habang nagaayos sya ng gamit nya para umuwi

Bago kasi kami idismiss ng prof namin ay ibinalita nya munang magkakaroon ng school event na gaganapin sa lunes. Na group kami into 5. Ka group ko si Ally kasama si Ash samantalang magkaka sama naman sila Vei, Yassy at Sav

Nadagdagan pa ang problema namin ni Allyson kaya halos sumabog na sya ngayon

" Kumalma ka Ally" natatawang saway ko sa kanya pero matalim na tingin nya lang ang natanggap ko

" Pano ko kakalma? Ang dami dami na nating problema parang mamamatay na ko!" Sigaw nya na parang naloloka na. Baliw.

Napangisi nalang ako at napailing. Nagligpit na rin ako ng gamit ko para maka alis na " Tara na. Baka ma late pa tayo"

Simula bukas may meeting na kami tuwing hapon para sa event. Sa group namin napunta yung pinaka matalino sa section namin. Swerte dahil di kami ganong mahihirapan mag plano. Malas dahil bawal kaming di dumalo sa meeting pag sa kanya kami napunta dahil baka tanggalin nya kami

Haisst ang hirap nga! I feel you Ally

" Wait san ang punta nyo? Sama ako!" Binatukan ko ang nakangiting si Ash na mukhang excited

" May trabaho pa kami. Sasama ka?" Napa 'O' yung bibig nya na parang na realize yung sinabi nya

" Oo nga pala. I forgot about it" natawa sya " Kala ko mag hahang out kayong dalawa"

Seriously? May oras pa ba kami para sa ganon

" Are you stupid Ash? " Iritang tanong ni Ally sa kanya.

Halos kaming tatlo nalang ang nandito sa room. Yung mga ka group kasi ni Vei, Yassy at Sav ay napag pasyahan na gawin ngayon yung meeting nila dahil pare pareho naman silang free

" I just forgot okay? Ang init agad ng ulo mo Allyson" Parang batang nag mamaktol si Ash dahil sinusungitan sya ni Ally.

Allyson is kinda moody. Kahit wala syang period ay lagi lagi syang nag momood swings. Ewan ko ba dyan may sira na yata yung utak

" Allyson tara na!! " Nilingon nya naman ako habang nakikipag talakan kay Ash.

" Teka lang!  Papatayin ko na tong abo na to eh. Nakakapag init ng ulo " Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto ng room namin. Naka sunod naman si Ally pero patalikod pa rin syang sumasagot sa pang aasar ni Ash

Wala ng tao sa hallway nung makalabas kami. Sa baba naman ng building ay iilan ilan nalang yung mga tao. Yung iba nag papractice para sa cheering. Siguro para yon sa dadating na event

" Good Evening maam" Nilingon ko yung katabi ko ng marinig ko syang may binati. Nasa harap namin yung principal kaya mabilis din akong bumati

Napatingin ako sa kausap nyang lalaki at doon nanaman nagtama ang tingin namin. Di pa pala sila umaalis? Bat nandito pa sya? Tumango sa amin yung principal at nilagpasan kami. Mukhang seryoso ang pinag uusapan nila

Seems Like We're Connected (On Going) Where stories live. Discover now