Chapter 1

18 4 18
                                    

I woke up with my buzzling alarm clock. Medyo nakapikit pa rin yung mata ko habang inaabot yung clock kong nag-iingay. Nakakairita.

At dahil 'di ko maabot, umupo na 'ko at tuluyang dumilat.

"Fuck," I cursed as I saw what time is it.

It freaking 6:30 am. Thirty minutes before first class ko. Shems first day na first day late agad ako. Agarang shower at pag-aayos lang. Walang oras para mag-inarte kaya pulbos, suklay with blower at tint lang tapos lumayas na ko. Buti na lang talaga malapit yung condo ko sa school kaya 'di ako masyadong late but again. Late is late.

"Ms. What's-your-surname?" Sa likod na nga ako umupo para 'di mapansin, talas naman ng mata ni prof.

"Fuentes?," mahina kong sagot habang dahan-dahan kong ibinababa yung bag ko sa upuan.

"Seems like you're not sure miss," kuung kanina nahihiya ako ngayon, naiinis na ko because he's smirking and it's freakin annoying.

Tumayo ako ng maayos at nag-chin up. Late na rin naman ako bakit 'di ko pa lubusin 'di ba? Napansin niya na rin naman presensya ko eh.

"Fuentes, Sir. It's Fuentes," flashing my poker face looking straight into him kahit mamamatay na ko sa kaba.

He smirked. Again. And it's annoying as hell. Grabe ang bad vibes ko sa kanya knowing na first day pa lang ng second sem.

"Okay Ms. Fuentes, sit down"

I sat down when my eyes saw Faye. Classmates pa rin kami since blocked ang sections kapag SHS. I just smiled at her because girl she's sitting near front, second row ganon.

She continued to listen with Prof Accounting. I also listened to what he's explaining para naman kahit late ako maka-cope ako, mamaya pagdiskitahan ako nito sa recitation.

**

Three hours. Finally, free time na namin. Nag-unat-unat muna ko kaya tinatawanan ako ngayon ni Faye.

"What the hell is your reason for being late?" Tanong nito habang tumatawa pa rin. "I bet you woke up again half an hour before our class"

This time ako naman ang tumawa.

"You know me so well," natatawa kong sabi sa kanya.

"'course."

Dumiretso na kami sa cafeteria para kumain. Hindi nga pala ako nagbreakfast kanina.

"Upo na tayo Faye," sabi ko kay Faye. Kasi ayaw pa raw niya kasi hindi pa bakante yung favorite spot namin. Sometimes, I'm questioning myself for being her friend.

"Sandali matatapos na sila oh," sagot naman niya.

"I'm starving, um-order na tayo since 'di pa naman sila umaalis," naiinis na ko kasi gutom na ko.

Tahimik lang akong kumakain sa harap ni Faye. Hinayaan ko muna siya. Nang masatisfied na ko sa pagkain, nagkaro'n na ko ng pakialam sa paligid. And suddenly a flock of people appeared in front of the cafeteria.

"Anong meron?" I asked Faye.

"Yung bagong lipat ata"

Nagbubulungan lahat ng students sa cafeteria tungkol ata sa pinagkakaguluhan.

"Siya yung bagong lipat?"

"Saang university nga uli siya galing?"

"Balita ko outstanding student naman siya, bakit kaya lumipat?"

At nagpatuloy ang chismisan sa loob ng cafeteria. Sa mga naririnig ko, naintriga na ko kung sino ba talaga yun.

"Ano bang meron sa kanya?" I'm irritated to all what I'm hearing all over the place.

Sa Susunod na Habang BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon