"Hintayin nalang kita sa baba....Sige, bye" nang-iinis ang kanyang mga tinig.At nakarinig nalang ako ng pagsara ng pinto kaya ako naman ay agad na pumasok sa banyo't naligo.
"Ano? Masaya bang maligo ng walang kasama?" Bigla niyang sambit ng makaupo ako sa silya na nasa kanyang harapan
"Kailan kapa nagiging manyak,huh?"
"Kahapon lang" nakangisi't nakailing niyang tugon
"Tskkkkk"
Pagkatapos naming kumain ni Harold ay agad naming pinuntahan si trixy at kasunod ay si christoffe ...Ngunit sumabit kami Kay christoffe sapagkat ayaw syang payagan ni tita at lalong-lalo na ni Tito na sumama sa'min sapagkat kalalabas palang daw niya.Kaya sa huli kami nalang tatlo Ang nag adjust...Bukas nalang daw kami pupunta don,Kaya umuwi nalang kami pabalik.Nakakapanghinayang 4 days sana kami don sa Jeju island ngunit kung para naman sa kapakanan ni christoffe ay handa naming magsakripisyo at mag adjust.Meron nadin kaming passport para bukas
Miyerkules ngayon at sa lunes pa Ang aming balik ni Harold sa philippines,kaya Kung bukas kami pupunta don sa Jeju ay may 3 days kami para maglibot don,at marami na kaming magawa sa 3 days nayun.Pagkauwi namin ni harold ay dumiretso ako sa kwarto at natulog.Nagising ako dahil sa gutom kaya agad akong bumaba.Tinignan ko Ang orasan na nakadikit sa dingding at ganon nalang Ang aking gulat nang hapon na pala,alas kwatro na kasi ng hapon.Kaya agad akong bumaba at binuksan ang ref,agad akong kumuha ng isang strawberry milk at bread.Agad akong kumuha ng baso at naglagay don
"Gising kana pala" bigla Kong dinig kaya agad akong napalingon Kung saan nanggaling Yung boses,si Harold na nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan.Muli Kong binaling Ang aking paningin sa aking kinain
Narinig ko nalang Ang pagbukas ng ref.Agad syang umupo sa harap ko at nagsimulang tumungga.Nang maubos Kuna Ang bread na hawak ko ay tumungga Naman ako ng strawberry milk hanggang sa maubos ito.
"Ano Ang gusto mong lutuin ko?" bigla niyang tanong sa'kin kaya napatingin ako ng Wala sa oras sa kanya habang napakamot ako sa aking ulo. Sya na Naman ba ng magluluto? Ano nga ba Ang gusto ko? Hmm
"Kimbap" walang sariling sambit ko habang nag-iimagine na Kumakain ako ng kimbap ..Arghhhh Ang sarap!
"Yan lang ba?"
"Meron pa" habang nag-iisip ako Kung ano pa Ang gusto Kong ipagluto sa kanya
"Kimchi Jigae,champong ramen at Japchae" habang ini-imagine ko na Naman na Kumakain ako ng mga yun.
"Okay..." at agad na syang tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.Kasalukuyan akong nakatingin Kay Harold ngayon.Agad syang nagsuot ng Apron at inihanda Niya Ang mga ingredients...Ang swerte ng magiging Asawa ng lalaking to.Complete package na,magaling magluto,maalaga,mabait,mapagmahal,at higit sa lahat gwapo. Oh Diba? Kung complete package lang Ang hanap mo,Kay Harold kana...
Siguro nga Kung ako Ang magiging Asawa ni harold,siguro ako na ang pinakamaswerteng babae sa Mundo...
"Staring too much can make you fall in love so much" bigla niyang bigkas ng mga salita in a sweet way kaya agad kong ibinaling Ang aking tingin sa baso na nasa lamesa...Nakaganti Ang loko!
"Mas grabe ka pa pala tumitig kaysa sa'kin" dugtong Niya...kaya Tinignan ko sya at nakatingin na pala sya sa'kin habang may ngisi sa labi
BINABASA MO ANG
The COLD'S GIRL REVENGE (Season 2)
AçãoWag mo itong basahin kung hindi mo pa nabasa ang "The cold person which is the season 1" kasi sasakit lang ang ulo mo.