Amaranthe's POV
IT'S BEEN DAYS yet I couldn't think of anything else rather than Rowss being manipulated by that slither bitch. Ang daming pumasok sa isipan ko na sana inalam ko muna ang katotohanan bago ako bumitaw ng mga salita. Ewan ko ba, nagiging bobo ako sa pag-ibig eh.
I sent a confirmation email sa kompanya ni Rowss to inform them that a DF is going to attend their Ambassador's Party today. And besides inimbitahan na niya ako dati pa so marami akong dahilan para makaattend.
"Ame, alam kong may gagawin ka pa, ako na muna ang magbabantay kay lola rito," boluntaryo ni Stephanie na kakarating lang ulit sa hospital galing sa paaralan at nagdala ng mga bulaklak na rosas kay lola. Nakasunod din si Warren na pumasok sa kwarto at may kasama rin siyang babaeng kasing edad niya.
"Ate Ame, sa'yo ba talaga ang sasakyan na 'yon? Hanep! Alam mo bang pinakaitaas iyon ng wishlist ko?" bungad ni Warren. Ngumiti lang ako sa kaniya dahil natutuwa ako sa reaction niya. Tiningnan ko ang babaeng kasama niya na ang cute ng pamorma, naka-white dress at white shoes siya tapos sobrang itim ng buhok na lagpas ng kaunti sa balikat at may side bangs din.
"Hello po," bati niya sa amin.
"Si Lendaiza po, girlfriend ko." Warren.
"Miss Amaranthe Del Fiorre, nagagalak po akong makita kayo sa personal, ang ganda ganda niyo po sobra," natutuwang react niya sa akin.
"Ah kilala mo ako?" kompirma ko.
"Ganoon ba kasikat ang pinsan ko? Wow ibig sabihin mas sikat pa pala si ate Ame kaysa kay Kuya Rowss? Hindi ko alam 'yon ah." Warren.
"Inspirasyon ko po kayo sa pagiging isang palaban at matalinong fashion designer sa North, sinusundan ko po parati ang vlogs niyo dati kaso nagulat nalang ako nang huminto kayo last last year at dinelete niyo lahat ng accounts niyo," paliwanag pa ni Lendaiza. Now that I see it, she looks exactly like my style at nakasuot din siya ng DF hairclip sa buhok ng itaas ng kaliwang tenga niya.
"I'm flattered with hearing it Lendaiza, I bet you want to become an Ambassador to a fashion company someday," tugon ko.
"Sana nga po," ngumiti siya sa akin.
"Alam mo Warren, kahit na makulit ka, marunong ka ring pumili ng babae eh no," tukso ko kay Warren.
"Of course ate Ame, I always choose the rarest diamond in the mine," tugon niya.
Napa-cross arm ako, "at tsaka may naalala ako, may utang ka pa sa akin na favor diba? Gusto kong gamitin iyon ngayon."
Napakamot siya ng kaniyang ulo. "A--ah oo nga pala."
"Binisita ko lang po si lola Emeralda ta's uuwi na rin po ako agad, maraming salamat sa pagtanggap sa akin." Lendaiza. Napakapormal niyang babae, sigurado akong wife material ito pagdating ng panahon.
"Sige, ihahatid nalang kita Lendaiza, may pupuntahan din kasi kami ni Warren para sa favor ko," sabi ko.
"Okay po." Lendaiza.
"OH WOW! Makakasakay ako sa Lamborghini ni ate! HAHA yes!" sigaw ni Warren.
"Mag-iingat kayo," wika naman ni Stephanie na sinabayan kaming palabas ng kwarto.
Inihatid na namin si Lendaiza sa bahay nila at dumiretso na kami ni Warren sa isang bakanteng lote. Halata sa mukha ng isang 'to na naguguluhan siya sa maaaring mangyari.
"Ate Ame, what exactly are we doing here?" tanong niya.
Sabay kaming bumaba ng sasakyan. "Palit tayo ng pwesto, ako diyan, dito ka."
"Ha?" Warren.
"Ito ang pabor na hihingin ko sa'yo, pagpraktisan mo ang sasakyan ko. Alam kong marunong ka ng magmaneho ng sasakyan pero gusto ko pagpraktisan mo pa rin ito," tugon ko.
"Ayoko ate, baka magasgasan ko pa sasakyan mo, bakit ba? para saan ba 'tong pabor na 'to?" Warren.
"For future purposes lang," ani ko.
Pero madali lang naman siyang kausap kaya sumang-ayon siya. Kinalaunan, naghanda na ako para sa Ambassador's Party ng Twistolar Company na kung saan gaganapin sa isang hotel sa loob ng convention hall. Dinala ko si Warren at pinasuot ng mamahaling suit, nagmukha na siyang tao ngayon. Siya rin mismo ang naging driver ko at escort papasok sa hotel. Nakasuot ako ng silver gradient glitterized dress na siguradong mag-stand out talaga sa gabing ito. Warren offered his arms to me para pumasok na kami sa loob, we are late.
"Ate Ame, ano nga ulit ginagawa ko rito?" Ulit na naman niyang tanong, hindi ko kasi sinabi sa kaniya ang buong detalye kaya naiintindihan ko kung kinakabahan siya ngayon.
"Pumunta ka rito dahil isa kang Ambassador galing sa DF Company, at Escort ng goddess ng DF, 'yon lang, and the rest ay kumain ka lang and enjoy the show," bulong ko.
"At bakit ka may dalang envelop sa kamay mo?" tanong niya. Buti naman napansin niya.
"Wala lang, may proposal kasi si Rowss sa akin kaya mas mabuti ng handa ako, okay? Let's go."
At Warren's side.
Lumapit siya sa pwesto nina Rowss at Anastacia. Maaasahan ko talaga ang batang 'to, sobrang magaling sa acting. Nagdala pa siya ng isang glass wine habang nakapamulsa ang kabilang kamay.
"Warren?" gulat na react ni Rowss.
"Magandang gabi sa inyong dalawa, ginoong Sanchez at binibining Taylor," nag bow siya at hinalikan pa ang likod ng kamay ni Anastacia bilang pagbati.
"Anong ginagawa mo rito Warren?" gulat pa rin ni Rowss ngunit may halong pagkakatuwa. Hindi niya lang inaasahang makita si Warren at nakapormado pa.
"Ah, may imbitasyon kasi ako," tapos ipinakita niya ang invitation card ng Twistolar. "Ako ang Ambassador ng DF Kuya Rowss, I am here as a representative." Confident niyang pagkakasabi.
"WHAT?! The DF is here?" galit na react ni Anastacia.
"Yes milady, your most awaited moment, I hope you both will enjoy the show," wika niya at itinaas ang glass wine tapos ininom ito.
Amaranthe
Pinagbuksan nila ako ng pintuan sa entrance kaya rumampa ako sa harap ng mga bisita. Pinagpipiyestahan ngayon ang engrandeng entrance ko ng mga media at halos lahat ng mga camera ay nakatuon sa akin.
"Ladies and Gentlemen, let's welcome Ms. Amaranthe Del Fiorre, the daughter of Mr. Del Fiorre of DF Company," announce ng emcee sa entablado.
Pinalakpakan ako ng mga bisita at ang iba naman ay nakilala agad ako. Dahan-dahan kong nilingon ang direksyon nina Rowss at Anastacia na parehong gulat na gulat nang makita ako.
Sorry guys, but the queen is here.
END OF CHAPTER 45.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
The President's Girl
RomanceAmaranthe, Rowss and Anastacia came from a very prestigious families. However, Rowss didn't know about Amaranthe's true identity but he is using her to get away from his engagement with Anastacia. Is Amaranthe being involved in Rowss' life a good c...