Umaga na naman.. Kailangan ko na namang gumising ng napakaaga para pumasok sa work.. Haayy. Araw-araw na lang ganito.. Minsan nakakapagod din.. Pero kailangan kung magtrabaho, para mabuhay ako..
Medyo naiinis na naman ako kasi napakaraming malas na nagyayari sakin ngayon kung kailan nagmamadali na akong pumasok sa work kasi medyo male-late na ata ako..
Yung ang hirap maghintay ng bus.. Puro puno.. Ayoko namang sumakay at tumayo kasi napakarami kong dala at nakatakong pa ako.. Ano ba naman kasing buhay to oo. Gumising naman ako ng umaga pero bakit late pa rin ako.. Hayys.
Terminal na. Bababa na naman ako at maglalakad. Kaysa makipag-unahan pa akong sumakay ng tricycle, maglalakad na lang ako.. Mauubos na naman oras ko kapag nagkataon..
Nagmamadali akong naglalakad. Medyo naiirita na talaga ako sa dami ng aking dala at hindi pa nakikisama tong sapatos ko na may mataas na takong. Matatapilok pa ata ako..
Nagmamadali na akong naglalakad ng may bumangga sa aking babae. Sa tingin ko eh nagmamadali din siya kagaya ko.. Pero nainis ako at nasigawan ko siya..
“Ano ka ba Miss?! Di mo ba tinitignan yang dinadaan mo? Alam mo namang napakarami kong dala tapos babanggain mo pa ako?!”, sigaw ko sakanya..
Pagkatigin ko sa babae, nabigla na lang ako pagkakita ko sakanya. Gusgusin ito. May butas ang damit na hindi na ata nalalabhan ng ilang araw.. May dala dalai tong isang maliit na supot na sa hula niya eh gatas at bote ng gamot ang laman.. Gulat na gulat siya.. Tinitigan ko siya. Parang pamilyar siya sa akin.. Di ko lang matandaan kung san ko siya nakita..
Mataman kung tinitigan ang takot niyang mukha.. Para bang may nililihim siya sakin na di ko dapat malaman. Eh di ko naman siya kilala..
Ulit, tinitigan ko siya. Tinitigang mabuti.. Parang may isang tao akong naaalala sakanya.. Lumapit ako sakanya para malaman kung tama nga ang aking hinala..
“Belie..”, sabi ng babae sakin..
Gulat na gulat ako.. Siya nga! Pero ibang iba ito sa bestfriend niya noon. Ni sa hinagap niya, hinding hindi niya ito makikita na ganito ang itsura nito..
“Wendy..”, tawag ko sakanya..
Pero bigla itong tumayo at nagtatakbo.. Bakit? Bakit ganun na lang yung reaksyon nito? Parang takot ito na hindi ko mawari..
--FLASHBACK--
“Bhes!”
Napalingon ako pagrinig ko sa boses ni Wendy.. Siya yung bestfriend ko.. Pero kung tutuusin, sa tingin ng ibang tao, hindi kami yung tipo ng magbestfriend na masasabi nila. Langit at lupa kasi ang pagitan namin. Mayaman siya, ako hindi. Napakaganda niya, ako hindi. Kung magkasama nga kami para lang akong katulong niya eh. Napakataas niya kasi. Pero kahit ganun pa man, hindi yun naging hadlang para maging close kami.. Napakalapit naman sa isa’t isa.. Magkapatid na ang turingan naming dalawa.. At napakabait niya sakin..
“Oh.. Bakit Bhes? Nagmamadali ka ata?”
“Oo bhes eh.. Susunduin kasi ako ni Daddy.. May pupuntahan daw kami.. Sorry Bhes di ako makakasabay sayo sa paguwi.. Sorry talaga..”, sabi nito sakanya na niyayakap pa siya..
“Sus. Ano ka ba? Okay lang sakin yun no.. Basta ah.. Mag-ingat kayo..”, sabi ko sakanya na niyakap ko na din siya.
“Oo bhes.. Ingat ka din ah.. Mwah!”, at nagflying kiss pa ito sakanya sabay takbo palapit sa kotse nila..
Napakaswerte talaga nito. Lahat na lang ng magagandang bagay nasa kanya.. Magandang pamilya. Marangyang buhay. Magandang mukha.. Lahat ng halos kabaliktaran sakanya..