Chapter 15

101 7 8
                                    

"Arggggggh!!!" sigaw ni Calix.

Namimilipit sya sa sakit dahil sinalag nya ng kamay nya ang dapat paghampas sa akin ng lalakeng nasa likod ko.

He pushed me at sya ang tinamaan ng bakal na tubong hawak ng isang senior. Now, I am dumb-founded.

Nakita ko rin kumaripas ng takbo ang tatlong senior. Napahiga si Calix sa sobrang pamimilipit sa sakit.

"C-calix?" Sabi ko sa kanya habang gumagapang papunta sa kanya. Hindi ko alam yung gagawin ko.

"Tulong!" Sigaw ko habang lumilingon lingon para tingnan kung may tao sa paligid. Nakita kong tumatakbo si Mira at ate Candy papunta sa amin.

"Anong nangyari??" Sabi ni ate Candy.

"Si Calix, kailangan syang dalhin sa hospital" sabi ko,

Agad agad nag dial si Ate Candy ng ambulance. Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulance. Dumadami na rin students sa paligid na nakiki chismis sa nangyari.

Isinakay na si Calix sa ambulance.

"Sino sa inyo ang sasama sa kanya?" Sabi nung lalake na nasa loob ng ambulance.

Kahit na namimilipit sa sakit ay nagsalita si Calix.

"A-aden, please come. I need you. Ugh" kitang kita ko sa mukha nya ang sakit at kirot ng pagkakabugbog at pagkakahampas sa kanya. Nagdadalawang isip akong sumama dahil hindi ko alam kung bakit ako ang kailangang sumama sa kanya. Pero naisip ko na nangyari sa kanya 'to. Kaya sumakay ako ng ambulance.

-HOSPITAL-

"Nakasemento na yung braso nya. And natahi na rin namin yung sugat nya sa mukha." Sabi nung doctor.

"Thanks, Doc. Pwede ko na po ba syang puntahan?" Sabi ko naman.

Tumango lang yung doctor. And pumunta ako kay Calix.

"Kumusta pakiramdam mo?" Sabi ko sa kanya.

"Sabi ng doctor, nagka fracture daw. Baka isang buwan pa bago gumaling or worst is more than one month." Sabi nya sa akin.

"Sorry." Ayan na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Hindi mo kasalanan. And thank you din kase sumama ka dito" sabi nya sabay ngiti. Paano nya nagagawang ngumiti sa kalagayan nyang yan? Ako yung naaawa para sa kanya eh.

"Iho? Oh my God" biglang may dumating na babae. She's in his mid 30's I guess? Yet still gorgeous.

"Mommy" sabi ni Calix.

Whut? Mommy? Parang magkapatid lang sila neto ah. Parang ate lang niya mom nya!

"Ano bang nangyari? Sino may gawa nito sa'yo?" Sabi ng mom nya and halatang alalang alala sa kanya.

"Sa bahay na lang po natin pag usapan, mom. By the way, si Aden nga po pala, sya tumulong sakin para madala dito" sabi ni Calix. Tumulong nga ba ako or ako ang dahilan para mapunta ka sa ganitong sitwasyon.

Nag bow lang ako and nag smile ng bahagya.

"Aden iho, salamat at tinulungan mo ang anak ko." Sabi niya.

Naka smile lang ako sa kanya because I don't know what to react and how to react. Nasa harap ko lang naman kase ang mommy ng libag na 'to.

"Come, join us. Let's have sa dinner sa bahay?" Sabi naman ng mom nya. Err. Ayokong sumama pero paano ako tatanggi?

"No it's okay po. I need to go na rin po kase since may naghihintay din sa bahay, naghihintay po kuya ko" sabi ko naman.

"Si August? 'Di ba nasa US sya as of the moment? So technically wala kang kasama sa bahay. 'Di ba?" Sabi naman ni Calix. Nako! Kung hindi ka lang pilay, ako mismo pipilay sa'yo! Kita mo namang hirap na ako magpalusot dito!

The Best of Both WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon