Chapter 3

844 52 0
                                    

Bumuntong hininga ako, kapagkuwan ay ipinagpatuloy ang paglalakad. Sa makipot na eskinita ay lumiko ako. Mabagal ang paglalakad ko dahil na rin sa ilang mga kalalakihan na naglalaro ng tong its.

Karamihan sa kanila ay walang pang-itaas na damit. Paano at sobrang init. Tirik ang araw kung kaya ay heto sila at nagtutumpukan sa isang pwesto. Salitan kung magsalita sila. Sa bawat pagbuka pa ng kanilang mga bibig ay katumbas ng ilang pagmumura.

Sa kabilang banda naman ay dinig na dinig ko ang mga nagbi-binggo mula sa tindahan ni Aling Puring. Araw-araw ganito ang eksena rito sa lugar namin. Kahit masakit sa tainga ay wala naman akong magagawa.

Masikip man din ay hindi iyon naging sabagal sa kanila. Mas lalo pa silang humarang sa daan kung kaya ay nahirapan akong lumakad. Ni wala ng espasyo sa gitna at wala silang pakialam doon.

Panay ang singit at excuse ko ngunit masyado silang bingi. Bandang huli nang halos makahinga ako nang maluwang nang tuluyan akong makalabas sa kumpulan. Well, ganito talaga rito sa tirahan ko.

Sa ilang taon na paninirahan ko rito sa lugar na ito ay nasanay na ako kung saan malayong-malayo sa lugar ng Cordova. Dito ay wala ng naging puwang ang hangin dahil sa dikit-dikit na bahay. Walang puno, bagkus ay kabit-kabit na mga wire mula sa poste ng kuryente ang makikita.

Tagpi-tagping yero, mga sirang dingding na tinapalan na lang ng tarpaulin na may mukha pa ng iba't-ibang kandidato. Bawat bahay ay may nakatabing malaking drum, just in case mawalan ng tubig ng ilang araw ay may naipon ang mga tao.

Likas na maituturing na squatter area. Good thing— pagiging tsismosa lang ang nakuha ko rito. Although, na-adapt ko na rin ang pamumuhay dahil hindi naman pwedeng mag-inarte ako kung tunay naman na mahirap lang talaga ako.

Nakaka-miss din pala ang buhay sa Cordova. Iyong tipong lalakarin mo lang ang dagat doon at ikaw mismo ang manghuhuli ng isda para may ulam kayo mula tanghali hanggang hapunan. Pati ang nilalakaran naming malawak na palayan.

May mga puno ng mangga sa paligid, mga saging at puno ng niyog na madalas naming akyatin upang gawing pangkabuhayan ang dahon nito na pwede ring gawing walis tingting, sumbrero, bayong at iba pang maaaring magamit sa bahay.

Nakakapagod ang buhay doon dahil sadyang mailap ang karangyaan, pero hindi maipagkakaila na mas masarap mamuhay sa payapa at tahimik na probinsya. Kaysa rito na tilaok ng mga tsismosa ang gigising sa 'yo.

Tipong alas siete pa lang ng umaga ay may nagkakantahan na. Minsan pa ay may mga naghahabulan ng itak sa tuwing napapasobra ng inom o 'di kaya ay natalo sa mga laro nila. Kaya ayun, kahit papaano ay nasanay na ako.

Dito na rin lumaki si Annalisa, lahat ng mga nabanggit ko ay siyang nakagisnan niya. Kaya hindi ko rin mawari kung ano ba ang saloobin niya, kasi madalas ay tahimik lang din siya at may sariling mundo.

Speaking of Annalisa, nakita ko ito sa sala nang makapasok ako sa 'di ganoong kalaking bahay namin. May hawak siyang libro na maigi niyang binabasa habang suot sa mata ang makapal nitong salamin. Tanda na mataas ang grado niya. Bata pa lang ay ganiyan na talaga siya; bookworm.

"Anna," pukaw ko sa kaniya dahilan para sandali siyang mag-angat ng tingin sa akin.

Bahagya pa niyang ibinaba ang libro niya upang tapunan ng tingin ang kabuuan ko, partikular ang suot kong damit. Muli ay ibinalik niya sa akin ang atensyon, saka pa umahon mula sa pagkakahiga niya sa pahabang upuan na gawa sa kahoy.

"Ang aga mo yata umuwi," pagpuna niya bago inayos ang kaniyang sarili at saka pa nilingon ang orasan. "Ala una pa lang. Maaga kang pinauwi?"

"Dumalaw lang ako sa kaibigan ko," pahayag ko, kapagkuwan ay minabuting hubarin ang suot kong sapatos.

Love At Second Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon